Camille Prats juggles time between showbiz comeback and new role as a mom

by Bong Godinez
Jun 20, 2008
After months of showbiz inactivity, new mom and wife Camille Prats is back via GMA-7’s newest Sine Novela, Gaano Kadalas ang Minsan.
Ngayong araw, June 20, ang 23rd birthday ng young actress na si Camille Prats. Timing naman dahil ngayon din ginawa ang press conference ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 na Gaano Kadalas ang Minsan. Tampok sa show si Camille, kasama sina Marvin Agustin at Diana Zubiri. Ginanap ang presscon sa Mandarin Suites sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Hango ang nasabing teledrama sa 1982 classic movie na may parehong pamagat. Pinagbidahan ito nila Vilma Santos, Hilda Koronel, at ang yumaong si at Dindo Fernando under the guidance of director Danny Zialcita.

SECOND CHOICE. Bago pa man humarap ang cast ng nasabing Sine Novela ay usap-usapan na among the reporters ang issue na second choice lang si Camille para sa role na Lily. Originally kasi ay kay Sunshine Dizon nakatoka ang papel na Lily.

Sa nauna kasing press release na inilabas ng Kapuso Network ay malinaw na pangalan ni Sunshine ang nakakabit sa character ni Lily. In fact, nakapag-pictorial na nga si Sunshine at nakapag-taping na rin ng ilang mga eksena.

Continue reading below ↓

Subalit noong June 4 ay dinapuan ng karamdaman si Sunshine. Dahil dito ay minabuti na lamang ng management na palitan ang aktres para na rin makapagpahinga siya nang lubos.

Ikinuwento ni Camille sa presscon na maging siya ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari.

"Actually, ganito po ‘yon. One day, I met with Ms. Lilibeth [Rasonable, GMA-7's AVP for Drama], Ms. Wilma [Galvante, GMA-7's Senior Vice President for Entertainment] kasi they wanted to see me. So, sabi nila, 'O, okay na, pumayat ka na, konting papayat pa, last week of June may project ka na," bungad ni Camille sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"So uwi ako, last week of June pa, so may mga preparations pa ‘to and everything. Wednesday, tumatawag na si Arnold [Vigafria], ang manager ko, ‘O, Camille, magti-taping ka na next week sa Tuesday. Bukas meron ka nang pictorial.' So ako, parang anong nangyayari last week of June pa hanggang sa ayun na, nagtuluy-tuloy na hanggang sa nag-taping na."

Continue reading below ↓

Wala naman daw samaan ng loob between her and Sunshine dahil nga kay Camille bumagsak ang proyekto. Magkaibigan daw sila ni Sunshine at isa pa nga raw ito sa mga bumati sa kanya noong nanganak siya.

Sa usapin naman na second choice lang siya, hindi na iniintindi ni Camille ang opinyon ng ibang tao. Sobrang grateful nga raw siya dahil bagamat matagal siyang napahinga ay nabigyan agad siya ng project.

Maaalala na nagpunta ng Los Angeles, California ang batang aktres para doon manganak, kasama ang non-showbiz boyfriend turned husband nito na sa Anthony Linsangan. Noong January 24 ay nagsilang si Camille ng isang baby boy na pinangalanan nilang Nathaniel Caesar. Turning five months old na si Nathan this June 24.

FAMILY AND SHOWBIZ. Aminado si Camille na ngayon pa lang ay nararanasan na niya kung gaano kahirap pagsabayin ang career at ang domesic life.

"Alam mo, parang ang dami-dami kong ginagawa!" bulalas ni Camille. "Kasi parang hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko. Dati kasi 'pag nag-taping ako, ako lang; ngayon, hindi."

Continue reading below ↓

Proud naman si Camille na i-share na isa siyang hands-on mom and wife. "Gabi pa lang inaayos ko na kung ano din ‘yong kailangan nung bata. 'Tapos pag-uwi mo dati matutulog ka na lang, di ba? Gigising ka anytime mong ma-feel ay ngayon hindi na pupuwede.

"'Tapos kahit puyat-puyat ako, alas-otso kailangan gising ako kasi maliligo siya tapos ‘yong asawa ko naman kakain. Ang daming nangyari sa buhay ko, promise," ngiti ni Camille na maganda pa rin despite being a mother at a young age.

Sa ngayon daw ay pinaplano pa rin nila ni Anthony ang kanilang balak na church wedding. Nauna nang nagpakasal ang dalawa noong January 5 sa Amerika sa isang civil ceremony na dinaluhan ng ilang close family members.

December 5, na siya ring anniversary date nila Camille and Anthony, sana ang kanilang target date.

Paliwanag ni Camille, "The church wedding kasi, kaya hindi namin ma-set 'yong date because we couldn't find, wala kaming mahanap na church doon sa date na gusto ko...'yong venue na gusto ko is booked. And sabi ko naman sa kanya, tutal we're already married, there's no point in rushing our church wedding. Kasi isang beses lang 'yan mangyayari sa buhay ko, and I really want it to be perfect. Ayokong madaliin, ayokong for the sake na makasal lang, go! Ayoko ng ganoon. And he understands, kasi I'm sure he feels the same way."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After months of showbiz inactivity, new mom and wife Camille Prats is back via GMA-7’s newest Sine Novela, Gaano Kadalas ang Minsan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results