FIRST READ ON PEP: Cesar Montano denies sister's claim that Sunshine kicked out their mom

IMAGE 0


"Si Sunshine, matapang din 'yan. Kapag inaaway'yan, hindi 'yan magpapaapi. In other words, inaway kasi niya si Ched, kayalumaki 'yan. Tuluyan na silang nag-away," says Cesar Montano about his wife Sunshine Cruz (inset).


Dalawang besesnag-text si Cesar Montano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) bago naminsiya tinawagan for a phone interview. Una, yung paliwanag niya tungkol sa awayng kanyang kapatid na si Ched Cantu at ng misis niyang si Sunshine Cruz. Naging malinaw sa amin na hindi basta nagte-take sides noon si Cesar.

Pangalawa, nag-textsi Cesar sa amin nang lumabas na ang phone-patch interview ng The Buzz kayChed, na ipinahayag nitong ang ugat ng kanilang iringan ni Sunshine ay nagmulasa pagpapalayas diumano ng aktres sa ina nila ni Cesar, si Mrs. Emma Manhilot, mulasa kanilang tinitirhan sa Sct. Rallos, Quezon City.

Mukhang out ofbounds na nga ang itinatakbo ng pag-aaway, kaya hindi na talaga makatutulongang pananahimik ni Cesar tungkol dito. Marami na kasi ang nagtataka kungbakit napakatagal nanahimik si Cesar samantalang kung anu-ano nang paninira angsinasabi ng kanyang kapatid laban sa kanyang asawa. Ayon sa iba, bagamat kapatid ni Cesar si Ched, dapat ay mas matimbang sa kanya si Sunshine dahil ito ang kanyang asawa.

Paliwanag naman niCesar, "Kaya lang naman ako nanahimik muna ay dahil ang stand ko riyan saumpisa pa lang, family problem 'yan, na kami-kami lang talaga ang dapatmag-solve. Hangga't maaari, hindi na ito dapat nalalaman pa ng ibang tao. Kasonga, hindi ganoon ang nangyayari. Nadadamay na ang iba sa family namin, may mganasasaktan na, kaya kailangan ko na ring magsalita at kumilos."

Patuloy niya, "Gusto ko langituwid ang mga maling nasasabi, lalo na 'yung tungkol sa pinalayas daw ni Shineang nanay ko sa Sct. Rallos. There's no truth to that, walang ganyangpangyayari.

"Alam mo bangmahal na mahal ng nanay ko si Shine? Na kapag nag-aaway kami, kay Nanaynagsusumbong si Shine at hindi na pinapakinggan ng nanay ko ang paliwanag ko?Sa akin siya nagagalit kapag nag-aaway kami ni Shine, at ako anghinahampas-hampas at pinapalo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam konghindi kailanman ganyan ang trato ni Shine sa nanay ko, to the point napalalayasin pa niya. Hindi ko rin papayagang mangyari yun. So, walangkatotohanan 'yan."

Kuwento ni Cesar,nagbakasyon lang daw ang nanay niya noon sa Sct. Rallos at ito rin angnag-decide na bumalik sa tinitirhan nito sa Las Piñas. Wala nga raw kasinggaanong bintana ang Sct. Rallos house nina Cesar at Sunshine, na hindi katuladng sa Las Piñas na well-ventilated.

Ipinaliwanag din niCesar ang tungkol sa pagbabalik diumano ng anak niyang si Angela sa Sct. Ralloshouse nila na wala na itong kuwarto roon.

"Hindi nawawalaang kuwarto ni Angela sa Sct. Rallos," sabi ng aktor. "Walang gumagalaw nun.Anytime na gusto ni Angela na magpunta roon, may sarili siyang kuwarto.Nakatira siyempre siya ngayon kasama ng asawa niya at anak.

"Hindi lang saSct. Rallos, may kuwarto rin si Angela sa bahay namin sa Bohol, at may sarilisiyang bahay doon sa compound ng resort house namin sa Pandi, Bulacan,"paliwanag pa ni Cesar.

CAUSE OF THE RIFT. Nakakahiya mangsabihin, pero ayon kay Buboy, maliit na bagay lang ang pinagmulan ng away ninaSunshine at Ched.

"Kamingmagkakapatid na lalaki, pare-pareho kaming takot kay Ate Ched," pagtatapatni Cesar. "Kasi grabeng magalit 'yan. At saka sobra sa diskarte 'yan saaway, na talagang iiyak ka.

"Ganyan angnangyari sa kanila ni Shine. E, si Sunshine, matapang din 'yan. Kapag inaaway'yan, hindi 'yan magpapaapi. In other words, inaway kasi niya si Ched, kayalumaki 'yan. Tuluyan na silang nag-away.

"Pero kungtutuusin, misunderstanding lang 'yan sa pamilya, na kami-kami, kaya namingayusin 'yan. Kaso, wala namang gustong magpa-areglo sa kanilang dalawa. Saumpisa pa lang, I warned Sunshine about my sister, na sana hangga'tmapapagpasensiyahan niya, huwag na niyang awayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gaya sa anakkong si Angela. Mataray rin kasi yun. Pero si Shine, alam niya yung sitwasyon,na siya ang nagpaparaya. For me, naa-appreciate ko yun, na naiintindihan niShine yung sitwasyon ni Angela," sabi ni Cesar sa kabilang linya.

Sinabi rin ni Cesarna siguro ay may maling nakakarating na balita kay Ched dahil sa Italy na itonaka-base ngayon.

LIBEL CASE. Nirerespeto raw niCesar ang desisyon ng kanyang asawa na magsampa ng libel case laban sa kanyangkapatid na si Ched.

"Pero, sino baang talo riyan?" dugtong ni Cesar. "Siyempre, kami. Kasi wala naman si Ched saPilipinas para harapin ang kasong 'yan, di ba? But it's all up to my wife,kung ano ang diskarte niya sa bagay na 'yan.

"Parangnakikita kong si Ched, pinagtatawanan lang kami niyan. Si Shine ang talo riyandahil siya ang apektado. But I know, I should be with my wife. Mahirap angsitwasyon ko, at sana maintindihan ako ng mga tao, na this is a family thing. Kaya hangga't maaari, tumatahimik ako.

"Walangmagagawang mabuti ang pagsasalita ko ng kung anu-ano tungkol sa isyung 'yan.Pero kapag mayroon nang hindi totoo na nalalagay sa alanganin ang asawa ko,natural lang na depensahan ko naman siya."

Sa huli ay nakiusap siya sa kanyang pamilya natigilan na ito dahil napakarami na raw ang nasasaktan. Family issue raw itokaya dapat nilang ayusin na sila-sila lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN