John Lloyd Cruz knows that Bea Alonzo is attracted to Jake Cuenca

by Nora Calderon
Jun 21, 2008
"Bagay po naman sila ni Jake at wala naman akong karapatang kumontra kung si Jake ang gusto niya. Basta ako, kung saan siya masaya, basta hindi siya maaagrabyado, doon ako," comments John Lloyd Cruz about the news that his screen partner Bea Alonzo and Palos star Jake Cuenca have been dating.

John Lloyd Cruz will turn 25 on Tuesday, June 24, the day marked on the Catholic calendar as the feast day of St. John the Baptist, the patron saint after whom the actor was named. Yesterday, June 20, at lunchtime, nagpa-birthday presscon para sa kanya ang Star Magic ng ABS-CBN sa 9501 Restaurant sa The Loop. Bago nakipag-usap sa entertainment press, kinantahan muna siya ng " Happy Birthday" at pinag-wish bago nag-blow ng honey cake, which was later served to the press. So, ano nga ba ang birthday wish niya?

"Wala na po akong wish, feeling ko po kasi, nasa akin na ang lahat ng gusto ko, movies, TV shows, endorsements," nakangiting wika ni Lloydie habang kausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Gusto ko na lang pong magpasalamat sa lahat ng mga taong nakatulong sa akin para makarating sa kinalalagyan ko ngayon. Kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng suporta ninyong lahat sa akin simula pa nung pumasok ako sa showbiz."

Continue reading below ↓

Biniro si Lloydie ng ilang kausap na press. Bakit daw ba siya nagpabago ng hairstyle? Tuloy sa isang TV commercial nila ni Bea Alonzo, hindi siya nakilala kung hindi pa sinabing may date sila ni Bea. May nagsulat pang ginagaya raw ba niya ang hairstyle ng singer na si Christian Bautista?

"Nag-try lang po ako dito [hairstyle], ibabalik ko pa rin po sa dati," natatawang wika ni Lloydie. "Hindi ko po alam na hindi pala magugustuhan itong bago kong hairstyle."

HAPPY WITH SARAH. Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ni John Lloyd ay ang hosting job niya sa ASAP '08 at ang shooting nila ni Sarah Geronimo ng A Very Special Love for Star Cinema under director Cathy Molina.

Ano ang reaction niya sa mga nagsasabing ibo-boycott ng fans nila ni Bea ang movie nila ni Sarah?

"Sa akin po, panibagong source of happiness ang pagtatambal namin ni Sarah. Natutuwa po ako na pangatlong beses nang ni-replay ang episode namin ni Sarah sa Maalaala Mo Kaya noong Friday, June 13, at mataas pa rin ang rating nito. Masarap pong katrabaho si Sarah, ang bait niya at happy ako na binigyan ako ng chance ng Star Cinema na iba naman ang makatambal ko sa pelikula.

Continue reading below ↓

"Totoo po, may takot, may kaba ako, pero I'm more excited. ‘Tsaka challenge ko po ito sa mga fans na sumusuporta sa akin. Ngayon ko po mapatutunayan kung kaya nila ako talagang suportahan kahit hindi na si Bea ang katambal ko. Sana po ay patuloy nila akong tulungan ngayong tumatahak ako ng ibang daan at sila naman ang tsina-challenge ko. Ito na ang magandang chance para malaman ko kung mahal nila ako talaga. Sa akin po kasi, iba-ibang katambal, mas maganda."

May kissing scene daw sila ni Sarah sa movie?

"Mahigpit po ang parents ko," nagbibirong sagot ni Lloydie. "Hindi ko pa po alam kung meron nga, wala pa kasi kaming sinu-shoot na ganoong eksena."

BEA LIKES JAKE. Issue ngayon na madalas makita si Bea na ka-date si Jake Cuenca, nanonood daw sila ng sine na sila lamang dalawa. Ano ang masasabi niya roon?

"Naririnig ko na po iyan, pero hindi po naman namin napag-uusapan ni Bea. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin. Sige po, sa Sunday, sa ASAP '08 tatanungin ko po siya. Pero ngayon ko lang naisip, 'Naku, ibubuking ko si Bea nito!' Noong nagti-taping pa kami ng Maging Sino Ka Man, minsan napapanood namin ang Palos ni Jake, sabi ni Bea, ‘Ang guwapo naman ni Jake.' Doon pala patungo iyon.

Continue reading below ↓

"Bagay po naman sila ni Jake at wala naman akong karapatang kumontra kung si Jake ang gusto niya. Basta ako, kung saan siya masaya, basta hindi siya maaagrabyado, doon ako."

Ikinuwento namin kay Lloydie na ibinuko siya ni Ruffa Gutierrez noong ni-launch ito ng Belo Medical Group. Anito, wala pa raw gaganap na Armando sa Betty La Fea dahil ayaw raw tanggapin ni John Lloyd ang offer.

"Nagtataka nga po ako kung bakit napasama ang name ko sa list ng mga pinagpipiliang gumanap na Armando sa teleserye ni Bea. Magkakaroon po kasi ng conflict sa mga plano para sa akin this year. Ang gusto po nila sa akin ngayon, mag-concentrate muna ako sa paggawa ng movies. Katatapos ko lang po ng two books ng Maging Sino Ka Man, kaya gusto ko namang magpahinga sa paggawa ng teleserye."

Paano kung sabihin sa kanyang siya na nga ang gaganap na Armando, puwede ba siyang tumanggi?

Continue reading below ↓

"So far, wala pa po naman silang sinasabi sa akin, but in fairness po sa kanila, nabigyan na ako ng chance na pinakikinggan na nila ako kung ano ang gusto ko. Isa ko po kasing gusto ngayon, matuloy na iyong movie namin ni Governor Vi [Vilma Santos], sana after ng movie namin ni Sarah."

Ito pa rin ba iyong movie na may anak na bading si Vilma at siya ang lover?

"Ang alam ko po binago na ang story, kasi marami na raw pong nagawang ganoong story sa pelikula. Kung matutuloy po iyon [starring with Vilma Santos], dream come true sa akin iyon."

May album na si Bea Alonzo, kailan naman siya magkakaroon ng kanya?

"Sa totoo po, may nag-offer na talaga sa akin na mag-record ng album, pero hindi ko po tinanggap. Bukod sa busy schedules, alam ko naman po kung ano lang ang kaya ko. Baka po some other time, pero hindi pa ngayon."

Continue reading below ↓

Asked kung ano pa ang role na gusto niyang gampanan, hindi raw niya masabi.

"Meron kasing role na akala mo lang, madaling iarte, pero kapag nandoon na, mahirap palang gawin. Example ko na po ang One More Chance. Akala ko, madali lang, pero nahirapan po ako talaga roon."

Dahil sa One More Chance, nanalo siya ng Best Performance of an Actor in Drama sa 5th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, at dahil sa big box-office returns din ng movie nila ni Bea, sila ang tinanghal ng Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Natanong tuloy siya ng PEP kung dadalo ba siya ng awards night ng 5th Golden Screen Awards sa Tuesday, June 24, sa Zirkoh Greenhills. The day mismo ng kanyang birthday.

"Opo, a-attend ako, napakaganda pong birthday gift sa akin iyon dahil birthday ko pa ang awards night."

Natawa siya nang i-suggest ng PEP na isama niya ang girlfriend na si Liz Uy sa awards night na iyon ng Entertainment Press Society. May nagsabi naman sa kanyang mahal daw siya ng family ni Liz dahil mabait siya.

Continue reading below ↓

"Mahal ko rin po sila dahil mababait din sila," sagot naman ni Lloydie.

SHARING HIS BLESSINGS. Pagkatapos ng presscon, tutuloy si Lloydie sa Katutubo Village sa Porac, Pampanga, to bring medical check-up to the Aeta children and share his blessings.

"Nag-offer din po kasi ang Greenwich [pizza which he endorses] na magpapakain sila sa mga bata roon. Thankful ako sa Greenwich dahil napakagalante nila, kahit po sa shooting ng movie namin ni Sarah, ilang beses na silang nagpakain doon. Kaya po pagkatapos nitong sa Porac, gusto ko po namang ipunin ay ang mga street children at dalhin sila sa isang lugar sa Metro Manila o sa Enchanted Kingdom. Pero aalamin ko po muna kung paano magagawa iyon dahil baka kapag bigla ko silang dinala kung saan, makasuhan naman ako," nagbibirong patapos ni Lloydie.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bagay po naman sila ni Jake at wala naman akong karapatang kumontra kung si Jake ang gusto niya. Basta ako, kung saan siya masaya, basta hindi siya maaagrabyado, doon ako," comments John Lloyd Cruz about the news that his screen partner Bea Alonzo and Palos star Jake Cuenca have been dating.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results