Dennis Trillo sees nothing wrong in dating Cristine Reyes

Jun 21, 2008
"Like what I said, wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa namin. Kung gusto nila kami, salamat. Kung hindi nila kami gusto, okey lang naman. Hindi na namin gagawing issue iyon sa pagitan namin," says Dennis Trillo about dating Cristine Reyes.

Hindi na nag-deny pa si Dennis Trillo sa balitang nagkikita pa rin sila ni Cristine Reyes. Inamin naman kasi ito ni Cristine mismo.

Ani Dennis, wala naman daw siyang plano na itago pa ang katotohanan tungkol sa paglabas-labas nila ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Wala naman daw siyang nakikitang masama sa ginagawa nila.

"Nakakalabas naman kami ni Cristine kapag pareho kaming may time. Hindi naman kami parating nagkakasama. Alam ko rin naman na busy siya. Dalawa yata ang shows niya sa kabilang channel kaya alam ko na napapagod siya."

Aware naman si Dennis na marami ang tutol sa relasyon nila ni Cristine. Pero ang importante raw ay nagkakaintindihan sila ni Cristine.

"Yun naman ang understanding naming dalawa. Siguro hindi na lang namin papansinin ang sasabihin ng ibang tao para hindi na lang maging magulo.

"Like what I said, wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa namin. Kung gusto nila kami, salamat. Kung hindi nila kami gusto, okey lang naman. Hindi na namin gagawing issue iyon sa pagitan namin."

Continue reading below ↓

Sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ay kapareha niya sina Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto. Pero may isang Italian singer-actress named Andrea na nakatambal si Dennis sa naturang pelikula.

"Hindi kami masyadong nakapagkuwentuhan nang husto ni Andrea kasi most of the time, nagsu-shoot kami ng mga eksena. Pero noong malaman ko na singer pala siya, doon kami nagkasundo. We both like music, lalo na ang rock music."

Hindi nga raw alam ni Dennis kung iimbitahan ng GMA Films si Andrea para makatulong mag-promote ng pelikulang I.T.A.L.Y. Kung sakali ngang dumating si Andrea, magbo-volunteer daw si Dennis na ipasyal ito sa mga magagandang lugar sa Manila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Like what I said, wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa namin. Kung gusto nila kami, salamat. Kung hindi nila kami gusto, okey lang naman. Hindi na namin gagawing issue iyon sa pagitan namin," says Dennis Trillo about dating Cristine Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results