Jolina Magdangal wants marriage proposal of Bebong Munoz to surprise her

by Dinno Erece
Jun 22, 2008
"Like yung saan namin gustong tumira kung sakali, sino ang maghahatid ng mga bata sa school. Pero hindi naman proposal yun, di ba? Parang napapag-usapan lang, parang dreams kung kami nga ang magkakatuluyan," shares Jolina Magdangal about her plans with Bebong Muñoz (inset).

Picture of a woman in love si Jolina Magdangal during the cast wrap-up party cum presscon of I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) last Thursday, June 19. Very high pa si Jolens sa mga memories niya in shooting the movie in 13 cities, five countries, and three continents.

Sa general question and answer pa lang, she already chose Venice as her favorite place sa mga napuntahan nila and, yes, she can consider the watery vacation spot as a possible honeymoon destination sakaling ikasal sila ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz.

Sa solo interviews, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Jolina now that her friends Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo have announced their engagement, kailan naman sila mag-a-announce ni Bebong.

"Naku, wala pa!" sabi ni Jolina. "Happy ako for Juday na finally formally engaged na sila ni Ryan, pero hindi naman kami kailangang sumunod sa kanila. Hindi pa nga ako natatanong ni Bebong ng ganyan, yung may ring and all, 'tsaka ‘will you marry me?' Wala pa.

Continue reading below ↓

Jolina admitted though na napapag-usapan na nila ang future nila, pero in passing pa lang daw.

"Like yung saan namin gustong tumira kung sakali, sino ang maghahatid ng mga bata sa school. Pero hindi naman proposal yun, di ba? Parang napapag-usapan lang, parang dreams kung kami nga ang magkakatuluyan."

Hindi niya rin alam kung kailan siya tatanungin ni Bebong, pero isa lang ang gusto ni Jolens.

"Dapat talagang ma-surprise ako, yung wala akong kaalam-alam na magpu-propose na pala siya," sambit niya.

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Like yung saan namin gustong tumira kung sakali, sino ang maghahatid ng mga bata sa school. Pero hindi naman proposal yun, di ba? Parang napapag-usapan lang, parang dreams kung kami nga ang magkakatuluyan," shares Jolina Magdangal about her plans with Bebong Muñoz (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results