John Lloyd Cruz to boycotting fans: "Ganun ba kakitid ang utak ninyo?"

Jun 22, 2008
John Lloyd says he can't really control his fans if they don't want to support his screen team-up with Sarah Geronimo. He also gives opinion on breast exposure rumor about ex-girlfriend Ciara Sotto (inset).
John Lloyd Cruz was his usual jolly, playful self nang datnan namin siya sa birthday presscon para sa kanya ng ABS-CBN at Star Magic noong Biyernes, June 20. Dinaan na lang ni John Lloyd sa pagbibiro ang tingin niya sa isyung boboykotin daw ng fans nila ni Bea Alonzo ang first big screen team-up niya kay Sarah Geronimo.

"Oo, balitang-balita ‘yan," bungad ni John Lloyd sa PEP (Philippine Entertainment Portal) habang nakangiti. "Ang movie namin ni Sarah parang ang dating, e, pagtaas ng presyo ng gasolina."

Pero maya-maya pa'y nagseryoso na si John Lloyd. Alam niya kasing sensitibo rin ang isyung ito ng diumano'y nakaambang pagbo-boykot ng fans nila ng ka-love team niyang si Bea.

"Kasi ‘yan ang sinasabi ko, itong paggawa ko ng pelikula with Sarah, magandang tsansa ito para makita ko, para malaman ko kung sino talaga yung sumusuporta sa akin. Alam n'yo ‘yun? Kung gusto mo lang ba ako dahil kapartner ko si Bea?

Continue reading below ↓

"Kung talagang iintindihin mo yung totoong ibig sabihin ng totoong pagsuporta sa isang tao, yung sinasabi mong idolo mo, sa tingin ko hindi ko dapat naririnig ang salitang boykot galing sa ‘yo. ‘Tsaka isa pang sinasabi ko, it will say so much of their character, e. Yung fans as a whole, ha. Parang... Ganun ba? Ganun ba kakitid ang utak ninyo?"

Kakausapin ba niya personally ang kanyang fans?

"Hindi. Kasi feeling ko hindi ko naman kailangang makiusap na, ‘Hoy, huwag n'yo naman boykotin ang pelikula ko?' Kumbaga, nandun pa rin yung...hawak pa rin nila yun. Kumbaga, kung boykotin man nila o hindi nasa sa kanila yun. Choice nila ‘yan, e. Hindi mo naman puwedeng baguhin yun, e."

Kung iboykot nga ng mga fans, sasama ba ang loob niya?

"Kasi hindi mo rin masasabi kung binoykot nila or hindi [ang pelikula]. Ano'ng basis? Puwedeng nanood sila pero marami rin talaga ang hindi nanood. Wala akong puwedeng panghawakan na puwedeng ikasama ng loob ko. Yung ganun. Walang paraan na malaman na hindi nga sila nanood, o binoykot nga nila. Hindi naman ibig sabihin kapag hindi kumita ang pelikula, binoykot nila. Hindi ganun yun. Sinasabi ko lang, yung nararamdaman ko na ito ang magandang tsansa para sa atin, para malaman nating lahat kung ano talaga nga worth natin sa isa't isa."

Continue reading below ↓

REACTING TO CIARA RUMOR. Kasunod nito, tinanong kay John Lloyd ang usap-usapan ngayon sa showbiz tungkol sa ex-girlfriend niya na si Ciara Sotto na balitang nagkaroon ng breast exposure diumano sa isang show na ginawa nito sa U.S.

"Ay, hindi ko po alam, ‘yan," nabiglang reaksyon ni John Lloyd.

Hanggang sa unti-unti, mula sa kuwento na rin ng ilang reporters na nakapaligid sa kanya, nakakuha na rin ng detalye si John Lloyd kung paano naganap ang sinasabing breast exposure umano ni Ciara sa show niya with other female performers sa U.S. Nagkakantyawan raw kaya napilitan na ring magpakita diumano ng boobs niya si Ciara.

"Ako, ha, I feel bad kung nangyari man yun," reaksyon ni John Lloyd.

Susog naman ng iba pang showbiz reporters na kausap ni John Lloyd, bale wala naman daw ang breast exposure sa States.

"Ewan ko lang ho," sagot naman ni John Lloyd.

Ani John Lloyd, matagal na silang walang komunikasyon ni Ciara.

Continue reading below ↓

"Pero sa akin lang, kahit sino kasi na kakilala ko na babae, naging karelasyon ko man o hindi, hahayaang mangyari yun? Parang I feel so bad. Hindi naman biro na...kahit siguro sabihin mo na nandun ka, e, nandun ka nga pero Pinoy ka pa rin. At hindi naman tayo ganun," tukoy ni John Lloyd tungkol sa pagiging liberal ng mga Kano.

"Kung normal sa kanila [Americans] na hindi mag-panty at lumabas ng bahay at makunan ng paparazzi, sa kanila yun, e. Hindi naman tayo ganun, e."

May mai-advice kaya siya kay Ciara or papayuhan kaya niya ito na bumalik na lang dito sa Pilipinas?

"Ay, wala naman akong... wala na akong masasabi doon. Kumbaga...wala na ako doon."

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Ciara Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd says he can't really control his fans if they don't want to support his screen team-up with Sarah Geronimo. He also gives opinion on breast exposure rumor about ex-girlfriend Ciara Sotto (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results