Ciara Sotto on breast exposure write-up: "It's obviously something fabricated."

Jun 22, 2008
"I'm not going to do that [breast exposure]. I hope those people will learn to write facts and not things that are made up to destroy a person or a celebrity. That's very impossible to happen," declares Ciara Sotto about her rumored breast exposure in Vegas.
Nakarating agad kay Ciara Sotto ang balitang nagkaroon daw siya ng breast exposure sa isang show niya sa Las Vegas, Nevada, U.S. Ilan sa mga concerned friends ni Ciara ang nagparating sa kanya ng naturang balita. Nabasa naman daw niya kaagad through a Philippine tabloid's website ang naisulat at naitanong sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz during his press conference.

REACTING TO THE RUMOR. Minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na huwag nang ibalita kung anuman ang naging saloobin ni Ciara sa naging reaction naman ng kanyang ex-boyfriend sa diumano'y breast exposure niya. Pero sa part ni Ciara, obvious daw na nabastos siya sa naturang write-up tungkol sa reaksyon nga ni John Lloyd.

Si Ciara rin ang nag-inform halos sa PEP writer na ito about the said issue nang mag-iwan siya ng message sa kanyang Facebook account bago siya nakausap ng PEP. Ayon kay Ciara, paano raw mangyayari ang sinasabing "breast exposure" niya at saan daw nanggaling ang ganoong news gayong hindi pa nga raw sila talaga nag-i-start ng show nila sa Las Vegas.

Continue reading below ↓

Bulalas ni Ciara sa amin, "Hindi pa nga nag-uumpisa ang show ko, may breast exposure na??!!! At anung breasts??! Wala ako nun!"

Kung iisipin nga naman, paanong magagawa ni Ciara ang mag-breast exposure? Alam naman niyang posibleng hindi siya mapatawad ng kanyang pamilya kung gagawin niya nga ang ganoong bagay.

Aniya pa, "I don't know where that [breast exposure rumor] is coming from, but... First, my show hasn't started yet, so, what show are they talking about. Second, I wouldn't dare show that [breasts]! It's impossible. I wouldn't be able to go home to my parents if I did that. Ha-ha!

"I'm not going to do that. I hope those people will learn to write facts and not things that are made up to destroy a person or a celebrity. That's very impossible to happen, and it's obviously something fabricated."

Nagpapasalamat naman si Ciara sa mga taong nag-inform kaagad sa kanya ng naturang isyu na kahit malayo raw siya, ramdam na ramdam pa rin daw niya na marami pa rin talaga ang nagmamalasakit sa kanya.

Continue reading below ↓

HOMECOMING. Samantala, kinumpirma naman ni Ciara sa PEP na tuloy na tuloy na ang pag-uwi niya sa bansa this coming July 2, eksaktong birthday pa niya. She considers her coming home as her birthday gift to herself dahil since April of last year, ngayon pa lang nga siya makakauwi ng Pilipinas.

Pero ayon pa sa kanya, baka 12 days lang daw ang ilalagi niya sa bansa at kailangan din niyang bumalik agad ng Las Vegas. Habang nasa Pilipinas, she will promote her new album under Sony-BMG.

Ang naturang album ay ginawa ni Ciara habang nasa Las Vegas with the help na rin ng mismong daddy niya na si dating Senator Tito Sotto.

Halos lahat daw ay nami-miss ni Ciara sa bansa—her family, friends, her room, her fans, and her school. Kaya naman daw she's counting the days already at excited na kahit ilang araw lang ang bakasyon na naibigay sa kanya.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ciara Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm not going to do that [breast exposure]. I hope those people will learn to write facts and not things that are made up to destroy a person or a celebrity. That's very impossible to happen," declares Ciara Sotto about her rumored breast exposure in Vegas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results