Pooh denies rumor that Maricel Soriano suddenly yelled at him

IMAGE 0


"Actually, nagulat nga po ako nung ikuwento sa akinni Allan K na naka-blind item nga raw ako. Hindi po totoo yun at saka hindi poganun ang kuwento," clarifies Pooh about entering Maricel Soriano's dressing room during "Florinda" taping simply to apologize.



Madiing itinanggi ng komedyanteng si Pooh angkumalat na balitang sinigaw-sigawan siya ni Maricel Soriano sa taping ngsineseryeng Florinda ng ABS-CBNkamakailan.

Ayon sa kuwento, bigla raw pumasok si Pooh sa improviseddressing room ni Maricel. Location daw kasi ang taping ng Florinda at hindi ganoon kalamig ang portable aircon na nakakabitsa dressing room ng aktres. Nabigla raw ang aktres sa pagpasok ni Pooh nagustong magpalamig sa dressing room niya, na ikinairita ng aktres. Bigla tuloy nasigawan diumano si Pooh ni Maricel ng, "Bakit ka pumasok dito?" kasunodng pagtataray pang feeling daw ba ni Pooh ay close sila. Dali-dali raw nalumabas si Pooh matapos na matarayan.

"Actually, nagulat nga po ako nung ikuwento sa akinni Allan K na naka-blind item nga raw ako. Hindi po totoo yun at saka hindi poganun ang kuwento.

"May eksena po kami ni Ms. Maricel Soriano atnaka-take-three ako kaya hiyang-hiya ako sa kanya kasi nung araw na yun, ‘lutang'ako. Kaya ginawa ko, nagpaalam ako sa staff ng Florinda kung puwede akong pumasok [sa dressing room ni Maricel] paramag-sorry kay Ms. Maricel at pinayagan naman po ako.

"Nung nasa loob na ako, humingi ako ng sorry atsabi ni Ms. Maricel sa akin, ‘Oo nga, bakit nga ba wala ka sa sarili mo? Anong nangyari sa ‘yo?' Ganun lang po ang sinabi, baka mali ang dinig nungnagkalat ng isyu.

"Tinawagan nga tuloy ako ng EP namin tungkol saisyung ‘yan, kasi wala siyang alam at ikinuwento ko po," esplika ni Pooh.

Ipinagtanggol pa ni Pooh si Maricel dahil nagingmabait daw ang aktres sa kanya pati na sa lahat ng staff and crew ng Florinda. Parati nga raw nakangiti siMaricel at talagang okey na okey sila sa set.

OFFENDED BY POOHKWANG. Samantala, walapalang alam si Pooh sa pang-i-spoof ni Pokwang sa kambal na Richard at RaymondGutierrez sa show nilang Poohkwanglast week sa Music Museum. Nasa dressing room daw kasi siya noong time na sinasabingginaya ni Pokwang sina Raymond at Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbibihis po kasi ako no'n at nalaman ko na langyung isyu after the show. Marami po kasing nag-i-email sa amin na dagdagannamin yung spoof namin, tulad ko, si Manny Poohquiao at si Pookie [tawag niyakay Pokwang] ay si Annabelle Rama.

"Spontaneous kasi si Pookie kaya hindi ko alam kungano na yung mga pinagsasabi niya, kasi wala ako sa stage. Siyemprenakakalungkot na may nagalit, kasi nga show yun.

"Nataon na sensitibo yung bagay na yun at maramingnag-react kaya lumaki. Ako naman po ay walang ganun, very safe naman akosa mga ganyang bagay," pagtatapos ni Pooh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN