Pauleen Luna and boyfriend Sherwin Gatchalian celebrate first anniversary

Jun 22, 2008
"Little stuff lang naman...hindi naman kasi talaga sa gift, ang mahalaga yung magkasama kaming dalawa. At saka, si Win [boyfriend's nickname] naman, palagi naman siyang nagbibigay ng gift kahit walang occasion," replies Pauleen Luna when asked about Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian's gift.

"Stable, or more or less, perfect!" ang eksaktong description ni Pauleen Luna sa one year relationship nila ng politician boyfriend na si Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City.

Last June 19 nga ay ipinagdiwang nina Pauleen at Sherwin ang kanilang 1st anniversary. Ayon kay Pauleen, nag-dinner lang daw sila pero masaya na sila dahil ang pinakaimportante ay yung magkasama sila.

Naulit lang daw ang pagdi-dinner nila sa Antonio's naman sa Tagaytay kagabi, June 21 bilang bahagi pa rin ng kanilang 1st anniversary.

Sa kakapilit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pauleen, napaamin din ito kung ano ang naging anniversary gift ng boyfriend niya. Noong una kasi, "secret" ang isinasagot ni Pauleen, kahit sa ibang entertainment press na nagtatanong din.

Aniya, "Little stuff lang naman...hindi naman kasi talaga sa gift, ang mahalaga yung magkasama kaming dalawa. At saka, si Win naman, palagi naman siyang nagbibigay ng gift kahit walang occasion."

Yung little stuff pala na tinutukoy ni Pauleen ay "bag" na iniregalo sa kanya. Ayaw pang sabihin ni Pauleen kung ano ang brand ng bag. Pero dahil kasama siya sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Kim Samsoon, hindi malayong mapaamin din si Pauleen ‘pag nagpa-press conference na itong series.

Continue reading below ↓

As for her gift, isang pinasadya pa niyang miniature caricature statue naman daw ni Sherwin ang naging anniversary gift niya sa boyfriend.

Sa huli, itinanggi naman ni Pauleen na isang engagement ring na ang naging anniversary gift sa kanya ni Sherwin. Maagap itong sumagot na napakaaga pa raw para sa bagay na yun at matagal pa bago ma-engage na sila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Little stuff lang naman...hindi naman kasi talaga sa gift, ang mahalaga yung magkasama kaming dalawa. At saka, si Win [boyfriend's nickname] naman, palagi naman siyang nagbibigay ng gift kahit walang occasion," replies Pauleen Luna when asked about Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian's gift.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results