Lovi Poe to Jolo Revilla: "I am very, very sorry that I dragged him into this mess...."

IMAGE 0


"Ang gusto kong sabihin kay Jolo is that I'm sorry... Walakang ginagawang masama. But you're here right now, I'm here right now. Atleast, I myself, I'm speaking already in front of everybody that you're notdoing anything bad at all. But, of course, there are people that really mattersto me. And he knows naman how I really feel, he knows..." says Lovi Poe.



Fresh from her vacation in Thailand, humarap sakauna-unahang pagkakataon ang young actress na si Lovi Poe sa Showbiz Centralkahapon, June 22, upang sagutin ang mga isyu na kinasasangkutan niya at ng rumored boyfriend niyana si Jolo Revilla. Si Lovi ang umupo sa Central Jury, kung saan inusisa siyanina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister.

Halata sa mga mata ni Lovi ang hindi maikublingkalungkutan, na napansin din ni Rufa Mae nang tanungin niyaang dalaga kung bakit seryoso siya ngayon.

"There's just so much big circus around me," saad ni Lovi.

Ang una namang tanong ni Mo kay Lovi ay ngayong tapos na angkanilang Kaputol ng Isang Awit, how true na mapuputol na rin ang love teamnilang dalawa ni Jolo dahil hindi pabor ang ina niyang si Rowena Moran sabinata at sa sobrang closeness nila?

"Well, I don't think when it comes to the love team betweenme and Jolo... My mom, hindi naman siya nakikialam sa mga career moves ko. Idon't think she would want to break anything like that. It's just the loveteam, so I don't think she will do anything against it," pahayag ni Lovi.

Nag-follow-up question agad si Mo sa naging tugon ni Lovi.Kung ganoon daw pala, against lang ang mommy niya sa totoong love team?

"All I can say about that is my mom never failed to give meany advice. Not only when it comes to Jolo, but to other men also in the pastor whoever. Any mother will protect their child," pahayag ni Lovi.

LOVE TEAM OFF-CAM. Sinundan agad ito ng direktang tanong ni Rufa Mae kung mayseryosong love team na namumuo off-cam. Sinabi ni Lovi na hindi niyaitinatanggi na close silang dalawa ni Jolo.

Hindi na napigilan ni Lovi ang maiyak when Mo asked her kungdahil ba sa pagiging protective ng mommy niya sa kanya kaya nadamay ang loveteam nila ni Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Jolo and I inKaputol ng Isang Awit...we were working so hard to make the show good. It's not...I mean, it's not right na pati yung personal lumalabas ngayon. It's just veryhard working that I'm in the middle of this...especially with my mom,"paputol-putol na sabi ng young actress.

Nadala si Rufa Mae sa ipinakitang emosyon ni Lovi dahilbigla itong naka-relate sa sitwasyon ni Lovi. Sinabi ni Rufa Mae na ganito raw talagasa showbiz, may pagkakataon na wala kang choice but to tell the truth. Ito rawang dahilan kung bakit napaiyak ang sexy comedienne sa last episode ng Showbiz Centralnang sagutin niya ang mga naging pahayag ng dating nakarelasyon na si DingdongAvanzado.

Balita na mahal ni Lovi si Jolo at maging ang anak nito kayGrace Adriano na si Gab. Kung sino raw ang mahal ni Jolo ay mahal niya rin kungkaya't mommy na mommy rin daw ang dalaga sa anak ng young actor.

Umiiyak pa rin na sinabi ni Lovi ang reaksiyon niya rito.Aniya, "Si Jolo kasi, I can't deny the fact na malapit talaga siya sa akin. Ofcourse, naging mabuti siyang tao sa akin. And I would like to clear rin thatnever, never niya akong na-B.I. [bad influence]. There was never such thing.Hindi ako nagpapasaway because of him.

"I don't know why all the blame on him but then, all I cansay, lahat naman ng tao mahal ko. I'm not holding any grudges to anybody.Kahit na nasasaktan ako ng ganito, mas gusto ko pang ako ang nasasaktan kesa sanasasaktan ang ibang mga tao. Kaya ako naririto ngayon at nakaupo sa harapanninyong lahat."

Para ipagtanggol si Jolo?

"Para ipagtanggol ang mom ko. Para ipagtanggol si Jolo.Hayaan n'yo na lang ako, kung lalabas akong pasaway, hindi naman—" Hindi nanatapos ni Lovi ang kanyang sasabihin at napailing na lang dahil hindi natalaga niya mapigil ang emosyon at patuloy pa rin ang buhos ng luha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REAL SCORE. Once and for all, naging mag-on ba talaga silang dalawa niJolo?

Napabuntong-hininga muna si Lovi bago niya nasagot angtanong. Aniya, "Whatever it is that's going on between me and Jolo, I thinkit's best that we keep it private. I mean, he hasn't been speaking about us andI admire him for that. Doon pa lang, makikita mo na ang respeto niya sa akin atsa mommy ko."

Dagdag niya, "So I would like to give back that respect tohim. Malaki ang respeto ko kay Jolo and to his family. Naging mabuti sila saakin. Naging mabuti si Jolo sa akin."

Tinanong ni Rufa Mae si Lovi if she thinks Jolo is worthfighting for.

"You know, in this business, we do not know what we arefighting for anymore. Because there are three things kasi—your career, yourfamily, and the person you love. So akala ko, it's easy to juggle all up, butit's not. So it's never easy. Nothing is easy in this world," pahayag ni Lovi.

Pagkatapos ng lahat ng isyung lumabas tungkol sa kanilangdalawa, nag-uusap ba sila ni Jolo? Ano na ang mangyayari sa friendship orcloseness na meron silang dalawa?

"Jolo and I, of course, hindi mawawala yung communication saaming dalawa. In terms of love team, it's really up to my manager, or hismanager also, if we'll team up again. It's just that for me, I am very, verysorry that I dragged him into this mess, in this circus when it's not supposedto happen."

AGAINST ALL ODDS. Sa kabila ba ng lahat ng mga intriga sa kanila, sa tinginkaya niya, sila pa rin nila ni Jolo ang magkakatuluyan at kung patuloy pa basiyang ipaglalaban ng binata, sa kabila ng mga pressure sa paligid nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Lovi na never siyang iniwan ni Jolo.

Mahal ba niya si Jolo?

"My answer wouldn't matter naman na to anyone else...andJolo," sagot ni Lovi.

Napaiyak na naman si Lovi nang hingan siya ng mensahe parakay Jolo.

"Ang gusto kong sabihin kay Jolo is that I'm sorry... Walakang ginagawang masama. But you're here right now, I'm here right now. Atleast, I myself, I'm speaking already in front of everybody that you're notdoing anything bad at all. But of course, there are people that really mattersto me. And he knows naman how I really feel, he knows..." mariin niyang pahayag.

Nagbigay rin ng mensahe si Lovi para sa kanyang ina.

"Well, I could easily speak to my mom right now. But then, Iwould like to clear things up that I wouldn't do anything to break my mom'sheart.

"Right from the very beginning, since I was born, happinessko na napapasaya ko ang mga magulang ko. It's my fulfillment in life that's whyI'm studying and working at the same time because I know, yun ang nagpapasayasa kanila. At yun talaga ang goal ko sa buhay ko, para maging proud sa akin angmga magulang ko," saad ni Lovi.

Napangiti rin si Lovi nang sabihin nina Rufa Mae at DJ Mo nadahil si Lovi ang nakaupo sa hot seat ng Central Jury, kailangan nang i-seal orreveal ni Lovi ang nakahandang "Killer Question" sa kanya ng Showbiz Central. Butinstead of revealing the "Killer Question," Lovi decided na i-seal na lang muliang tanong na nasa loob ng envelope.

Katuwiran ni Lovi, "I think ayoko na kasing magulo ang kamponila. I think, it's too much that I dragged Jolo in this circus, so I don'twant to drag his family also. So I think it's best na i-seal ko na lang ‘to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN