Sunshine Cruz vehemently denies accusation that she kicked out mother-in-law

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2008
"The truth is matagal na hindi sa amin nakatira ang aking mother in-law. Pumupunta siya sa bahay namin ni Cesar paminsan-minsan. Sobrang mahal na mahal ni Cesar ang aking mother in-law. At masasabi ko na konti lang ang nagmamahal sa akin sa pamilyang yun, at isa diyan si Nanay Emma," explains Sunshine Cruz about report that she kicked out Cesar's mother from their house.

Nagpaunlak sa kauna-unahang pagkakataon na mag-guest nang live on television ang aktres na si Sunshine Cruz sa The Buzz kahapon, June 22. Kasamang humarap ni Sunshine ang kanyang abogado na si Atty. Bonifacio Alentajan upang magsalita kaugnay ng alitan nila ng kanyang sister-in-law na si Ched Manhilot-Cantu.

Bukod sa pagsasampa ng kasong libelo sa kapatid ng kanyang mister na si Cesar Montano, sinampahan din ng libel case ni Sunshine ang kolumnista ng Abante na si Jojo Gabinete dahil sa pag-reprint nito ng mga pahayag ni Ched laban kay Sunshine sa kanyang column noong June 19.

Ipinaliwanag ni Atty. Alentajan kung bakit idenemanda nila pati si Jojo. Ayon sa abogado, inulit daw kasi ni Jojo ang mga sinabi ni Ched sa interview sa kanya ni Ricky Lo sa programa nitong The Ricky Lo Exclusives sa QTV-11. Nakasaad daw sa batas na puwede ring idemanda ang isang manunulat dahil sa pag-ulit ng mga kasiraan na binitawan ng ibang tao laban sa kapwa niya.

Continue reading below ↓

Inilagay rin daw kasi ni Jojo ang sinabi ni Ched na pinalayas ni Sunshine ang ina ni Cesar na si Mrs. Emma Manhilot sa kanilang bahay, na mariin namang pinabulaanan ng aktres.

"Hindi po totoo, Tito Boy," sabi ni Sunshine kay Boy Abunda. "The truth is matagal na hindi sa amin nakatira ang aking mother in-law. Pumupunta siya sa bahay namin ni Cesar paminsan-minsan. Sobrang mahal na mahal ni Cesar ang aking mother in-law. At masasabi ko na konti lang ang nagmamahal sa akin sa pamilyang yun, at isa diyan si Nanay Emma."

Ayon kay Sunshine, mismong ang ina ni Cesar ang umalis sa bahay nila dahil kulang sa ventialton ang bahay nila sa Sct. Rallos sa Quezon City. Kaya sa Las Piñas daw mas pinili ng ina ni Cesar na tumira. Mas gusto raw doon ng ina ni Cesar dahil mas maganda para sa kanyang kalulusgan.

"Medyo bedridden na kasi si Nanay Emma, but not paralyzed. Nung nalaman ni Nanay Emma ang nangyari, nasaktan din siya. She's been crying sabi sa amin ng nanny niya. Sabi pa po niya sa text, through sa kanyang nanny, na sira raw ang ulo ng nagsasabi na pinalayas siya sa bahay. 'Tapos sinabi niya sa akin sa ipinadalang text ng nanny niya na magdasal daw ako at huwag kami magpaapekto na mag-asawa," lahad ni Sunshine.

Continue reading below ↓

SUNSHINE'S STEPDAUGHTER. Nadawit naman ang pangalan ng panganay na anak na babae ni Cesar na si Angela sa gusot sa pagitan ni Sunshine at ng kanyang sister-in law.

"She's been living with us and there was a time na on and off ang relasyon namin. Pero inamin mismo sa akin ni Angela na bini-brainwash siya ng kanyang Tita [Ched]. Pero we're okey now. Nag-apologize na siya sa akin."

YOUNGEST DAUGHTER. Ang pinakahuling isyu na ibinato kay Sunshine ay ang pagdududa na hindi raw anak ni Cesar ang youngest daughter nila.

"Sa totoo lang, sa mga hindi nakakaalam, marami akong nababalitan na hindi nila ako gusto for Cesar bago kami ikasal na mag-asawa. All this time, pinili ko ang manahimik dahil mahal ko si Cesar. Pero hindi ko matitiis na pati anak ko na dalawang taon, ang bata niyan..." sabay ang pagluha ni Sunshine.

"Ako na lang ang babuyin ninyo. Wala ‘yang kalaban-laban," pakiusap ng aktres sa mga naninira sa kanya."

Continue reading below ↓

WHERE IS CESAR? Tinanong ni Boy Abunda kung nasaan si Cesar sa gitna ng laban ni Sunshine at ng kanyang hipag.

"For two weeks, he kept silent because for him, it's a family problem. Naiintindihan ko naman si Cesar doon. But I have to defend myself also," sabi niya.

Na-appreciate din daw ni Sunshine ang pagtatanggol sa kanya ni Cesar na lumabas dito sa PEP noong Biyernes, June 20. (Click here to read related article.)

FORMER BOLD STAR. Ayon Sunshine, nalaman niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isipan ng ilang miyembro ng pamilya ni Cesar na dati siyang bold star.

"I've done sexy films in the past, pero hindi nangangahulugan na puwede na nila akong sirain at akusahan. Matagal na akong may naririnig at alam ni Cesar na mahal ko siya kaya ako nagtiis. But this time, I have to do this para matigil na."

Pagkatapos ay kinunan ng mensahe ni Boy si Sunshine para sa kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

"Kaya ko ginagawa ito, mga anak, para matigil na ang dapat matigil. I'm doing this not only for me but for my family."

Kasunod ang mensahe naman niya sa kanyang mother-in-law.

"Nay, alam n'yo po na mahal na mahal ko kayo. Si Cesar may ipinapagawang bahay sa Tivoli Royale sa may Commonwealth dahil fresh ang air. Alam ninyo po ang sabi ni Nanay Emma, hindi raw siya titira sa bagong bahay kung hindi ako kasama ni Cesar."

Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Ched ay tumangging magsalita si Sunshine.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz, Cesar Montano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The truth is matagal na hindi sa amin nakatira ang aking mother in-law. Pumupunta siya sa bahay namin ni Cesar paminsan-minsan. Sobrang mahal na mahal ni Cesar ang aking mother in-law. At masasabi ko na konti lang ang nagmamahal sa akin sa pamilyang yun, at isa diyan si Nanay Emma," explains Sunshine Cruz about report that she kicked out Cesar's mother from their house.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results