Carlene Aguilar reveals it was Angel Locsin who made her jealous

IMAGE 0


Former beauty queen and mother of Dennis Trillo's child, Carlene Aguilar, revealed it was not Rufa Mae Quinto, but Angel Locsin that gother jealous. She took the seat in Showbiz Central's "Don't Lie To Me"portion of John "Sweet" Lapus.



Two out of five ang nakuhang tamang sagot ng controversialbeauty queen na si Carlene Aguilar nang sumalangito sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus noong Linggo sa ShowbizCentral.

CARLENE TAKES THE SEAT. Ang unang nagbato ng tanongkay Carlene ay ang kino-consider daw niyang kaibigan sa showbiz at tumtulongdin sa kanya na si Manay Lolit Solis. Direktangtinanong ni Manay Lolit kay Carlene kung hindi raw kaya kaplastikan lang angginawa niyang pakikipagbati sa ama ng kanyang anak na si Calix na si DennisTrillo?

"No" ang naging sagot ni Carlene na tumugma naman sa resultang lie-detector test na truth ang naging resulta. Hindi na nag-follow-upquestion pa si John dahil pareho naman daw ang naging result. Sinang-ayunan nalang ni Carlene ang sinabi ni John na sa ngayon, may communication,nagtatawagan, at nagte-text na rin sila ni Dennis. At napag-usapan na rin nilaang sustentong financial ni Dennis para sa anak.

Si John na ang nagbigay ng ikalawang tanong para kayCarlene. Kung sa lahat daw ba ng babaeng na-link kay Dennis, si Rufa Mae Quinto ang pinaka-pinagselosan niya sa lahat?

"No" pa rin ang sagot ni Carlene na once again, nag-match saresulta ng lie detector.

Ayon kay John, na-witness daw nila sa Showbiz Centralang unang pagkikita ng dalawa (Carlene at Rufa Mae) sa mismong studio at okeyna naman daw ang mga ito na nagkabesohan at chikahan. Then, John asked Carlenekung sino nga bang talaga ang pinakapinagselosan ni Carlene since past na namandaw yun?

Prangka at diretso pa rin sinagot ni Carlene na si AngelLocsin daw yun. That was the time daw na sila pa ni Dennis atnali-link ang dalawa.

Sumang-ayon pa rin ang lie-detector test sa ikatlong sagotni Carlene na "Yes." Ito ay para sa tanong na, kung may time bang ipinagkaitniyang talaga ang anak na si Calix sa ama nito na si Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag naman ni Carlene kung bakit niya nagawangipagkait ang anak sa ama nito. Aniya, "'Yun ang time na nagkakagulo pa kami andsobrang confused din ako kung ano ang gagawin ko talaga. So, buti na langnaayos na ngayon. Anytime now that he wants to see Calix, walang problema."

Sa ikaapat na tanong, nag-lie na ang resulta sa sagot niCarlene na "No." Ito ay kung may feelings pa rin ba siya hanggang ngayon kayDennis. Pero nag-reason out si Carlene sa naging result.

Aniya, "'Yung feelingskasi, parang napaka-big noon. Parang maraming ibig sabihin. So, yung feelingsna sinasabi riyan, yung love na romantic love, wala na talaga, e. Perosiguro yung love na dahil siya ang daddy ng anak ko and concerned pa rin ako sawelfare niya kasi, siyempre, dad pa rin siya ni Calix. So, kailangan siyempre,may care ka pa rin sa kanya. Pero yung romanticlove, wala na talaga. At saka, may sari-sarili na kaming buhay."

SEEING SOMEONE. Another "lie" na naman ang result nglie-detector machine when Carlene said na hindi totoong may non-showbizboyfriend na siya at minsang may nakakita pa sa kanilang nag-date sa isangcoffee shop.

"Maloloka ko rito!" ang natatawang reaction ni Carlenepagkatapos ng buwis-buhay dance ni Sweet. Sabi pa rin niya, "Meron akongnagugustuhan."

Follow-up ni Sweet, kung ito raw ba yung nakita ngang kasamaniya sa coffee shop?

Natatawa pa rin sinagot ito ni Carlene ng, "Siguro.Ha-ha-ha! Hindi ko alam kung nag-coffee ba kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN