Jennylyn Mercado: "Kung may ibibigay ka, hindi mo naman kailangang i-broadcast."

by Rose Garcia
Jun 23, 2008
"Ama pa rin ng dinadala ko si Patrick. Pero kailangan magkaroon sila ng kusa. Ako naman kasi, nandito lang ako. Kasama ko rin ang pamilya ko. Tinutulungan din ako ng pamilya ko. So hindi naman ako namomroblema ngayon. Hindi ko naman kailangan ng kahit na anong tulong," says Jennylyn Mercado about the help that Patrick Garcia's family is offering.

Sa wakas ay lumabas na sa Showbiz Central ang sinasabing Good Samaritan na nag-offer sa young actress na si Jennylyn Mercado na sa Amerika na lang siya manganak. Bagamat hindi nagpabanggit ng kanyang pangalan at iba pang identity sa kanyang pagkatao, may file video naman na ipinakita ang Showbiz Central na kuha sa isang show ni Jennylyn, kung saan may isang babae na bumati sa young actress.

Pinabulaanan ng Good Samaritan ang naging pahayag ng ina ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia last Sunday, June 22, sa Showbiz Central din na kamag-anak siya ng manager ni Patrick na si Arnold Vegafria.

"I am a private person and I don't want any publicity. Just to clear up what Bing said last Sunday sa Showbiz Central, first of all, Bing mentioned that I am related to Arnold. That's not true.

"I am not related to Arnold. Arnold's sister happens to be my high school friend and we are like sisters. I only had good intentions when I offered her [Jennylyn] to give birth here and she never sweet talked me. She rejected my offer because she knows that giving birth in the U.S. would cost a lot of money.

Continue reading below ↓

"Lastly, I don't have anything against Patrick and Bing. I don't know them personally. I hope this issue has been cleared up because I don't want Jen to have a bad reputation due to this offer. I did not expect this situation to get blasted negatively all over TV."

THE OFFER. Pagkatapos nito ay nakapanayam naman ng Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus si Jennylyn. Sinagot na rin ng pregnant young actress ang naging pahayag ng ina ni Patrick last week, partikular na ang offer nilang tulong kay Jennylyn.

Ang unang tanong ni Sweet sa young actress ay kung bakit tinanggihan niya ang offer ng kanyang Good Samaritan na manganak sa U.S.

"Siyempre, thankful ako sa offer na yun. Pero mahirap kasi first time kong manganganak. ‘Tapos hindi ko pa kasama yung mom ko, hindi ko kasama yung family ko. Wala akong alam, lalo na at first baby ko ‘to, hindi pa ako marunong magbuhat ng baby. Maraming adjustment, so kailangan ko ang support ng family ko, ng friends ko around me.

Continue reading below ↓

"Kaya hindi ko rin natanggap ang offer. But of course, I wanna thank Tita Marlene [the name of the Good Samaritan] dahil yung sa offer na yun, sobrang-sobrang thank you na may mga tao pa pala na ganoon kababait. May mga natitira pa palang taong ganoon. So, I feel so blessed."

Ano naman ang reaction ni Jennylyn sa sinabi ni Mrs. Garcia na nandiyan pa rin ang offer nilang tulong sa dalaga, provided lang na sasabihin ni Jennylyn in public na kailangan niya at tinatanggap na niya ang naturang offer. Ayon sa ina Patrick, "Knock and the door shall be opened, ask and it shall be given to you."

Sagot naman ni Jennylyn, "Well, kasi, di ba, kung willing ka naman talagang tumulong, like si Tita Marlene, willing siyang tumulong without... Hindi naman ako nanghingi. Hindi naman ako nag-offer na parang, "Please, tulungan n'yo naman ako.' Kumbaga, kung willing ka naman talagang tumulong at bukal sa loob mong tumulong at magbibigay ka, ibibigay mo namang talaga nang bukal sa puso mo, di ba? Hindi kailangan yung manghingi pa.

Continue reading below ↓

"Siyempre, kumbaga, ama pa rin ng dinadala ko si Patrick. Pero kailangan magkaroon sila ng kusa. Ako naman kasi, nandito lang ako. Kasama ko rin ang pamilya ko. Tinutulungan din ako ng pamilya ko. So hindi naman ako namomroblema ngayon. Hindi ko naman kailangan ng kahit na anong tulong."

Kung sakaling magbigay nang kusa ang pamilya ni Patrick, tatanggapin ba ito ni Jennylyn?

"Well, siyempre, kung may ibibigay ka, hindi mo naman kailangang i-broadcast or hindi mo naman kailangang ipagmalaki sa lahat ng tao. Kung talagang gusto mong tumulong, ibibigay mo. Siyempre, hindi ko naman tatanggihan lahat ng mga tumutulong basta nasa lugar, at alam ko na tama at wala namang masama, di ba?" pahayag ng young actress.

Sinabi rin ni Jennylyn na walang problema sa aspetong pinansiyal kaugnay ng kanyang panganganak.

"Yes of course, pinaghandaan namin ‘yan. Pinaghandaan ko at ng pamilya ko. Ina-assure ko sa kanila na siyempre, mabibigyan ko ng magandang future ang bata, yung magiging anak ko," diin ni Jennylyn.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ama pa rin ng dinadala ko si Patrick. Pero kailangan magkaroon sila ng kusa. Ako naman kasi, nandito lang ako. Kasama ko rin ang pamilya ko. Tinutulungan din ako ng pamilya ko. So hindi naman ako namomroblema ngayon. Hindi ko naman kailangan ng kahit na anong tulong," says Jennylyn Mercado about the help that Patrick Garcia's family is offering.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results