Jericho Rosales on Heart Evangelista's claims: "Kung ano na lang ang sinabi ni Heart, siguro, ganoon na lang yun."

Jun 23, 2008
"I don't want to answer back. Kasi, hahaba at lalaki pa ang isyu," says Jericho Rosales about ex-girlfriend Heart Evangelista's claims that Echo had affairs with his foreign co-stars, which led to their breakup.

There's a warmer welcome for Jericho Rosales. Kaya raw gustung-gusto niyang umiikot sa loob ng ABS-CBN compound dahil lahat ng mga tao roon ay parang na-miss siya at nangungumusta. For Echo, this is a good sign.

"Ang daming lumalapit sa akin, like sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, and almost everybody, they tell me how much they miss me raw. Wow! I feel so loved.

"I even made rounds sa radio stations promoting my album, di ba? Sa DWLS [GMA-7 FM radio station] nga, grabe yung pangungumusta nila roon, and I feel tuloy, nawala nga ako for a time, and they're so glad to see me around once again," sabi ni Echo.

DEFENDING THE LADIES. Lately, umiingay na naman ang mundo ni Echo at muling isinasangkot ang pangalan ni Heart Evangelista rito. Ang leading lady niyang si Carmen Soo sa teleseryeng tinapos ni Echo sa Malaysia ay ang itinuturong third party involved sa split nila ni Heart na nasa Kapuso Network na.

Continue reading below ↓

"Kung ano na lang ang sinabi ni Heart, siguro, ganoon na lang yun, and I don't want to answer back," sabi pa ni Echo. "Kasi, hahaba at lalaki pa ang isyu. Basta, ang masasabi ko lang, kung anuman yung namagitan sa amin ni Carmen while we were working together, purely professional lang yun.

"Nagulat nga siya when I told her about the rumors. Pero, natawa lang siya. Naiintindihan niyang ganoon daw pala sa show business natin. Feeling niya, na-victimize lang talaga siya," paliwanag ni Echo.

Next thing na puwedeng maganap, sila naman ni Briana Evigan, ang kapareha niya sa Hollywood movie na I Love You Virus, ang tiyak na mali-link.

"Yeah, I heard nga, siya raw ang dahilan din ng split-up. Gusto ko lang sabihin na tapusin na yung isyu, kasi, wala namang katotohanan yung pagme-mention sa foreign actresses na nakakapareha ko.

"Si Briana nga, ang tagal ko nang hindi nakakausap. Nagkaroon lang kami ng interaction nang mag-shoot kami," napapailing na lang na sabi ng aktor.

Continue reading below ↓

PULLING EACH OTHER DOWN. Aware si Echo na ang obserbasyon noong magkasama pa sila ni Heart, masyadong mabigat sila para sa isa't isa, na para bang naghilahan pa silang paibaba.

"Hindi naman kasi totoo 'yan. Ang nangyari kasi sa amin ni Heart noon, nag-uusap kami sa projects na gagawin namin. Masyado rin kaming mapili kaya marami kaming natanggihan.

"May convictions din si Heart, na hindi siya yung tipong tatanggap na lang ng kung anu-ano. Nakadagdag pa ng pagiging nega sa amin yung issue sa parents, na ayaw sa akin ng parents niya, and all that.

"It was a matter of timing. At saka masama yung lagay ng sitwasyon namin noon, kaya siguro nagkaganoon," sabi na lang ni Echo.

MOVING ON...WITH KRISTINE. Wala na ring magagawa si Echo, but to move on. By chance, nagkita rin sila ni Kristine Hermosa.

"Natutuwa ako kay Tintin dahil enthusiastic na rin siyang magkatrabaho uli kami," sabi pa ng binata. "Nakakapagbiro nga siya sa akin. Ako lang daw ang mabagal.

Continue reading below ↓

"Pero, inaayos na talaga ang mga plano tungkol sa amin ni Tintin sa ABS-CBN. We have projects, including another movie together.

May chance pa kayang ma-rekindle ang dati nilang pagtitinginan ni Tintin?

"Sa totoo lang, ayoko munang isipin ang bagay na 'yan," at saka natawa si Echo. "This time, I have to concentrate on my career. I have a lot of catching up to do.

"Iba na kasi yung level ng friendship namin ni Tintin. Palagay ko, nag-mature na talaga kami, na we can really work na walang hassles ng kung anumang personal matters na nasasama pa.

"I just have to be happy with what has been going on with her career and personal life. Pabayaan na muna natin siyang ganoon. Matutuwa naman siguro ang fans namin, na it's about time, magkasama uli kami sa isang teleserye, o project," pagwawakas ni Echo.

Read Next
Read More Stories About
Heart Evangelista
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I don't want to answer back. Kasi, hahaba at lalaki pa ang isyu," says Jericho Rosales about ex-girlfriend Heart Evangelista's claims that Echo had affairs with his foreign co-stars, which led to their breakup.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results