Angel Locsin laughs off non-issue of rivalry with Marian Rivera in FHM's Sexiest list

Jun 24, 2008
"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start. Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even before pa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, di ba?" says Angel Locsin.

Mixed emotions si Angel Locsin sa nalalapit na pagtatapos ng kauna-unahan niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo. By this time maaaring nakunan na ang mga huling eksena nina Angel at Piolo Pascual para sa huling dalawang linggo ng Lobo.

"Masaya ako na... actually, masaya ako na matatapos kami dahil ito yung masasabi ko na after ten years na binalikan ko, magiging proud pa rin talaga ako na natapos namin yung ganito kagandang show at naaliw ako dahil natuwa talaga ang mga tao," lahad ni Angel nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GAP WITH PIOLO? Kahit matatapos na ang Lobo hinahabol pa rin ng intriga sina Angel at Piolo. This time, dahil sa sunud-sunod ang magagandang eksena sa last two weeks ng show, iniintrigang nagkaroon daw sila ng gap ni Piolo. Diumano, nagbibilangan daw sila ng eksena ni Piolo sa Lobo. Kumbaga, nag-aagawan ng exposure at magandang eksena sa Lobo.

Continue reading below ↓

"Kanina magkasama kami, ‘tsaka sa Entertainment Live!. Parang...paano? Yung sa akin...how? Para sa akin, parang hindi ko na dapat sagutin, kasi nakikita ninyo naman kapag nanonood kayo ng Lobo. Kayo na po ang bahalang mag-isip at mahirap po yung mga eksena namin."

Kung sakali man, isyu ba sa kanila ni Piolo ang paramihan ng eksena sa Lobo?

"Hindi isyu sa amin kung sino ang mas maraming eksena. Actually, mas okey nga dahil nakakapag-rest ka kapag wala ka nang masyadong eksena. Kung sinuman yung gumagawa ng isyu, kung kaninuman nanggagaling yun, e, bahala na sila."

Ano ang gagawin niya pagkatapos ng Lobo?

"Right after Lobo may flight ako papuntang Bangkok. May trabaho lang ako doon. Ewan ko kung makakakuha ako ng a week's rest kasi kailangan na nilang [Star Cinema] mag-start para sa bagong pelikula na gagawin ko with Piolo."

FHM'S SEXIEST. May intriga tungkol sa pagkakaungos sa kanya ni Marian Rivera para sa number one slot ng Philippines' Sexiest ng FHM magazine. May palagay si Angel tungkol dito.

Continue reading below ↓

"Ewan ko po. Hindi naman po natin kontrolado, di ba? Kung sino ang mananalo, kung sino ang iboboto ng mga tao? Basta ako, masaya ako. Parang ano yun, e, parang kailangan ba kunin ko lahat?"

Masaya at nagpapasalamat naman daw siya sa pagtitiwalang ibinigay naman sa kanya ng isa pang men's magazine. Hinirang kasi siya nito bilang kanilang pinakaseksing babae sa Pinas. Pero hindi naman ibig sabihin nito'y kakalimutan na niyang magpasalamat din sa FHM.

"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start. Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even before pa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, di ba?"

Hindi ba niya inaambisyong maging number one ulit sa FHM?

"Hindi na. Para sa akin mas importante yung mga taong naniniwala sa akin. Mas may importansya sa akin."

Pero okey lang ba sa kanya kung si Marian ang hiranging number one sa sexiest list ng FHM Philippines?

Continue reading below ↓
"Okay lang. Kaya natawa lang ako kasi feeling ko wala namang isyu, at sa kanya, hindi rin naman isyu yun. Parang nakakatuwa lang na yung mga fans ang talagang ano sa aming dalawa. Pero salamat po sa lahat ng bumoto."
Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa FHM, nagpapasalamat ako. Kasi doon ako nag-start. Pero nagawa ko na ‘yan [being hailed as the Philippines' sexiest] even before pa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, di ba?" says Angel Locsin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results