Krista Ranillo's director-boyfriend supports her daring career move

Jun 24, 2008
Krista Ranillo had a spat with her dad Matt Ranillo III because of her decision to go sexy in her comeback movie. On the other hand, Director Dominic Zapata—Krista's boyfriend of seven years—totally supports her move to go daring.

Sa presscon ng bagong GMA-7 soap na Ako si Kim Samsoon, starring Regine Velasquez, nakausap namin ang boyfriend ni Krista Ranillo na si Dominic Zapata. Isa siya sa dalawang director ng Kim Samsoon, the other director is Khryss Adalia.

Tinanong namin kay Direk Dom kung ano ang masasabi niya sa sexy image ng kanyang girlfriend. Sagot ni Direk Dom, wala naman daw masama sa gustong gawin ni Krista. Pinag-usapan naman daw nila iyon bago pinasok ni Krista ang bagong image

"When Krista told me na may ganito siyang offer and it was a daring and sexy image, I asked her kung ready na ba siya to do something like this Sinabi naman niya na she's ready.

"Ako naman, I have always supported Krista sa mga gusto niyang gawin. When she asked me if it's a good move for her to finish her studies first at iwan ang showbiz career niya, I backed her up. Maganda kasi ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.

Continue reading below ↓

"Now that she has graduated, she is mature enough to make decisions. I don't make that for her. Nagtatanong lang siya for advice from me since we've been in a relationship for almost seven years na.

"In everything that she gets into, ang importante ay masaya siya sa choice niya at paninindigan niya. I can see naman in Krista that she wants to explore and she wants to dare herself to doing different things na hindi niya ginagawa before."

IF HE WERE MATT. Nakarating nga kay Direk Dominic ang naging tampo ng ama ni Krista na si Mat Ranillo III. Naiintindihan naman daw ni Direk Dom ang damdamin ng isang ama na gusto lang ay protektahan ang kanyang anak na babae.

"Kung alam lang nila how close sina Krista at ang father niya, you would understand how Matt would feel. Kinukuwento nga ni Krista na very close sila ng daddy niya. Kaya siya nasasaktan ngayon is because hindi sila nag-uusap noong malaman nga ni Matt about the sexy image.

Continue reading below ↓

"If I were in Matt's shoes, siguro I would feel the same way din. But the issue is between them, kaya let's leave them to solve their problem. Siguro nga nagtampo lang si Matt because he wasn't aware how sexy Krista would be in the movie. Natural na reaction lang ng isang ama na very protective sa kanyang mga anak."

PLANS BEFORE SETTLING DOWN. Sa tagal na nga ng relasyon nila Direk Dom at Krista, hindi pa ba nila napag-uusapan ang pagpapakasal? Nasa tamang edad naman si Krista at mukhang prepared na si Direk Dom na mag-settle down.

"Wala pa naman diyan ang pag-uusap namin ni Krista. She just turned 24 and kakatapos lang niya ng course niya sa Ateneo de Manila. Marami pang goals na gustong tuparin si Krista. One of them is to make a good comeback sa showbiz and she did naman. Kita n'yo naman, naging kontrobersyal kaagad, di ba?

Continue reading below ↓

"Krista has big plans for herself at gano'n din naman ako. Sometimes in between biruan namin, name-mention ko ang tungkol sa kasal and starting our own family. We just laugh at ourselves. Kasi parang hindi pa yun ang goal naming pareho.

"That day will come naman and if it does, it means that both Krista and I are ready to embark on a new phase in our lives as husband and wife," pagtatapos ni Direk Dominic.

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo, Dominic Zapata
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Ranillo had a spat with her dad Matt Ranillo III because of her decision to go sexy in her comeback movie. On the other hand, Director Dominic Zapata—Krista's boyfriend of seven years—totally supports her move to go daring.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results