Annabelle Rama tells daughter Ruffa Gutierrez to choose a better man

by Julie E. Bonifacio
Jun 24, 2008
"Sabi ko nga kay Ruffa, ‘Ruffa, nadapa ka na minsan. Ngayon nakabangon ka na, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Yung lalaki na magmamahal sa ‘yo at papakainin ka, pati dalawang anak mo. Hindi ka maghahanap-buhay para sa kanya,'" says Annabelle Rama.

Sa birthday celebration ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz last Sunday, June 22, personal siyang binati ng kanyang ina na si Annabelle Rama at dalawang anak niya na sina Lorin at Venice. At the same time, nag-promote na rin si Annabelle para sa kanyang comeback movie na My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMA Films, kung saan kasama rin niya si Ruffa who is actually celebrating her 34th birthday today, June 24.

Nakilala si Annabelle sa mapusok at seksing pelikula noong dekada 70. After 39 years, nagbabalik siya bilang si Esmeralda Fajardo sa My Monster Mom. In real life, ibinuking si Annabelle ng ilang malalapit sa kanya, gaya ng kanyang mister na si Eddie Gutierrez.

"Monster wife rin siya. Si Annabelle kasi sa bahay, nagsisimba ‘yan. Every morning, nagsisimba. Pagkatapos magsimba, sasabunin naman lahat yung mga driver, kaya ang tawag ng mga apo ko sa kanya ‘Monster Lola,'" pahayag ni Eddie.

Continue reading below ↓

"Monster talent manager" din daw si Annabelle sa kanyang mga alaga.

Ayon kay JC de Vera, "Lagi siyang nakikipag-away kay Ruffa. Pagagalitan si Ruffa. Kumbaga, e, lagi niyang sinasabi, ‘Memorize your lines. Concentrate on your work.' Pati ako nasasabihan ng ganun, e."

Sabi naman ni Michelle Madrigal, "'Pag nakita niya na may pimple ka, ‘Naku, Day, pangit ang skin mo. Magpa-derma tayo.' Gawin mo lang ang trabaho mo, hindi ka niya mamansterin."

Kinuha rin ng The Buzz ang reaksiyon ng iba pang mga anak ni Annabelle, bukod kay Ruffa, sa comeback movie niya.

Ayon kay Richard Gutierrez, "Nakakagulat lang para sa akin na makita siyang nasa pelikula, umaarte, kasi hindi ako sanay. Hindi kami kasi sanay na magkakapatid, pero nakakatuwa. Nakakatuwa dahil finally, comeback movie niya. Feeling ko, mas in-demand pa siya, e."

HOT MAMA. Hindi lang daw monster mom si Annabelle kundi "hot mom" din para sa asawa niyang si Eddie.

Continue reading below ↓

"Hot na hot!" sabi ni Eddie. "Oo naman. We still enjoy our life together. You know, yung sex life namin, e, tuluy-tuloy naman."

Kasunod nito ang nagulat na reaksiyon ni Ruffa habang pinapanood ang VTR para sa kanyang ina sa The Buzz.

"My God! That's too much information!" bulalas niya.

Inamin naman ni Annabelle na naging emosyonal siya habang pinapanood ang VTR sa The Buzz.

"Oo nga, kasi hindi ko akalain na ang asawa ko, ibinubulgar ako sa TV, ‘no!" natatawang sabi ng matriarch ng Gutierrez family.

Pagkatapos ay kinuha ni Boy ang reaksiyon ni Annabelle sa sinabi ni Eddie na hot mama rin siya.

"Siyempre naman napakasarap, di ba?" sabi niya, habang si Ruffa naman ay nagtatakip ng tenga.

RUFFA'S SUITORS. Bilang ina ni Ruffa, inamin ni Annabelle na madalas talaga nilang pag-awayan noon ng panganay niya ang lalaki na lumalapit sa ina nina Lorin at Venice.

"Totoo naman talaga, Boy ,‘no," sabi ni Annabelle sa co-host ng The Buzz na si Boy Abunda. "Kasi siyempre naman, ngayon sabi ko nga kay Ruffa, ‘Ruffa, nadapa ka na minsan. Ngayon nakabangon ka na, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Yung lalaki na magmamahal sa ‘yo at papakainin ka, pati dalawang anak mo. Hindi ka maghahanap-buhay para sa kanya.'

Continue reading below ↓

"Sabi kong ganun, ‘Piliin mong mabuti dahil marami diyang nag-aano sa ‘yo, maraming umaaligid sa kanya ngayon na wala pa akong naaprubahan pa as of now. Wala pa."

Tinanong siya ni Boy kung bakit wala pa siyang naaaprubahan.

"Sa tingin ko ano, e..." umpisa ni Annabelle, pero pinigil siya ni Ruffa. "O, o, Ma..." babala ni Ruffa sa ina.

"Ruffa, ang tingin ko kasi hindi pa sila mga serious pa. Para bang laru-laro, ayaw ko ng ganyan," pagpapatuloy ni Annabelle.

ANNABELLE'S COMEBACK MOVIE. Sa huli, inilahad ni Annabelle sa The Buzz kung anong mga paghahanda ang ginawa niya sa kanyang comeback movie.

"Alam mo, Boy, ang nerbiyos ko grabe, hanggang langit! Bago mag-shoot, nagpa-plantsa ako ng mukha ko para gumanda ako. Yung plantsa, yung laser tenor. Hindi naman ‘yan ano, hindi naman ‘yan hiwa-hiwa. Ano lang ‘yan, laser lang. ‘Tapos nagpa-injection pa ako.

"Sabi ko, ‘Doc, gusto ko talaga lumiit ang akin dito, ganyan-ganyan.' Ang pagkakamali ko lang kasi, nagpaganyan ako two days before the shooting. Nung araw ng shooting, lumolobo ang aking mukha. Sabi ko, ‘Ruffa, para akong kumakain ng lollipop, ang laki-laki ng mukha ko!' Lahat ng klaseng blush on, nilagay ko na, talagang hindi siya puwede.

Continue reading below ↓

"‘Tapos nung first day shooting ko talaga, napakahirap. Kasi unang-una ko humarap sa kamera, si Direk Joey Reyes, natatakot ako. Sabi ni Ruffa sa akin, ‘Mommy, huwag kang mag-take five, ha. Alam mo naman si Direk Joey, ayaw niya ng take five.'

"Kaya nag-memorize ako ng lines ko. Kailangan loud reading ako kasi nga ang aking Tagalog, nahirapan ako. Kung hindi ako mag-loud reading, magbubulol-bulol ang aking Tagalog. Kaya nahirapan ako first day.

"Napakapangit ko. ‘Pag manood ka ng pelikula ko, Boy, ‘pag meron akong pangit na eksena, first day ko yun. Napakapangit ng mukha ko," mahabang kuwento ni Annabelle.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga kay Ruffa, ‘Ruffa, nadapa ka na minsan. Ngayon nakabangon ka na, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Yung lalaki na magmamahal sa ‘yo at papakainin ka, pati dalawang anak mo. Hindi ka maghahanap-buhay para sa kanya,'" says Annabelle Rama.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results