Jennica Garcia wants her mom Jean Garcia to marry

IMAGE 0


"Ako po, gusto ko talaga na magkaroon ng asawa ang mommy ko.Gusto ko na meron siyang companion. Siyempre, iba yung pakiramdam na meron kangpartner," says Jennica Garcia about her mother actress Jean Garcia.



Sabi ni Jennica Garcia, hindi niya raw talaga kayangmagsinungaling. Kaya nakiusap siya sa mga nag-iinterbyu sa kanya na i-offthe record na lang ang iba niyang sinabi sa kanyang interbyu.

But when asked about the real score sa kanila ng ka-loveteam na si Mart Escudero, hindi raw totoo ang obserbasyon ng iba na paranghindi na sila sweet sa isa't isa ngayon gaya ng dati.

"No, we're still the same. Yung status, we're continuouslydating. Every time na magkasama kami, sinusulit namin yun. Sa trabaho, ganyan.Compared before, sa Impostora, mas masasabi ko na mas naggo-grow pa yungcloseness namin," pahayag niya nang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Medyo matagal din daw kasi silang napahinga ni Mart after ngImpostora. Ngayo'y sila nga uli ang magkasama sa Ako si Kim Samsoon kunsaan gumaganap si Jennica as Regine's youngest sister.

"Sabay kasi naming nakuha yung Impostora at BoysNext Door, pero sabay naming nakuha, sabay rin nawala! Kasi nga, di ba,three months-three months. Pero nakapag-Babangon Ako't Dudurugin Kita,pero sandaling-sandali lang yun."

WORKSHOP. While preparing for her nextproject, nagkaroon daw siya ng chance na makapag-acting workshop naman under Gina Alajar.

Tiyempo rin ang pagkakataon sa press conference ng Ako siKim Samsoon sa Glass Garden na matanong si Jennica regarding the issueabout her mom, Jean Garcia and Polo Ravales. Alam nglahat na malapit silang mag-ina sa isa't isa.

"Ako po kasi, yung sa kanila ni Polo, siguro po ang dapat nalang talagang sumagot niyan, yung nanay ko. Kumbaga, respeto ko na rin yun parasa kanya. Privacy niya siguro. Hindi ko rin alam yung mga bagay na puwede kong sabihinat hindi ko dapat sabihin. Siguro, siya na lang [ang tanungin] para sigurado."

POLO IS OK. But PEP asked Jennica na kung sakali,okey naman ba sa kanya si Polo for her mom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, si Polo...bilang si Polo, e, okey siya! Nakatrabaho kosiya sa Pasan Ko Ang Daigdig, masaya siyang kasama. Mabait siyang tao.Pero, pagdating sa...hayun nga...ako naman kasi, hindi lang kay Polo, sa lahat nglalaki na naliligaw sa mom ko, may gusto sa mom ko...marami sila. Ako, kung saanmasaya ang mommy ko at kung saan ko nakikita... Ako kasi sa ngayon, nakikita konaman, she is happy."

Dugtong pa niya, "Palagi naman siyang happy. Every time nakasama niya ako at saka yung kapatid ko."

E, with Polo, nakikita ba niyang happy ang mommy niya?

"Hindi ko pa siya nakikita...totoo ‘to, hindi ko pa silanakikita na silang dalawa lang."

STILL WITH MOM. Pinabigyang-linaw rin ng PEP kayJennica ang intrigang kesyo nagli-live in na raw ang kanyang ina at si Polo.Pero ayon sa young star, magkasama raw sila ng mommy niya sa bahay nila.

"Magkasama po kami ng mommy ko. Umuuwi ang nanay ko sa bahaynamin. Kanina lang, pagdating ko, kumakain siya ng sinigang!" natatawa niyangsabi.

"Hindi po totoo yun. Kasi ako, sa pagkakaalam ko, umuuwi sabahay namin ang mommy ko. So, bakit naman siya mapupunta sa ibang bahay, diba?"

NO PROBLEM WITH JENNICA. Sa huli, walaraw problema sa kanya kung magkaroon muli ng sariling karelasyon ang ina.

"Ako po, gusto ko talaga na magkaroon ng asawa ang mommy ko.Gusto ko na meron siyang companion. Siyempre, iba yung pakiramdam na meronkang partner.

"Basta ako, kahit sino. Basta no one in particular. Akonaman kasi, palagi naman akong nag-a-adjust. Palagi kong iniintindi. Kunwari,ayaw ko man, pero gusto niya at dahil nanay ko siya at bilang anak lang ako,mas matanda siya sa akin. Kailangan kong respetuhin kung ano ang desisyonniya."

Pero may diin din nitong dugtong, "Pero kapag may nakikitana kong mali, nagsasalita na ko. Pero hanggang wala akong nakikitang mali,hindi naman ako nakikialam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN