John Lloyd Cruz on relationship with girlfriend Liz Uy: "Going more mature."

IMAGE 0


JohnLloyd Cruz, who celebrated his birthday yesterday (June 24), proudly wears the watch (inset) that his girlfriend Liz Uy gave him during the presscon of A Very Special Love.



Suut-suot at buong pagmamalaki na ipinakita ni JohnLloyd Cruz sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang birthday gift sa kanya ng girlfriend niyang si Liz Uy sapresscon ng A Very Special Love kahapon, June 24, sa Burgoo restaurant, Tomas Morato, Quezon City. John Lloyd turned 25 yesterday.

Sa birthday presscon pa lang ni John Lloyd, courtesy ofABS-CBN Star Magic na siyang nagha-handle ng career ng young actor, naikuwentoniya na nagparinig siya kay Liz na gusto niyang birthday gift ay relo, kayabinigyan siya ni Liz ng Japan-made watch na red leather TW Steel.

Abalang-abala si John Lloyd sa mismong araw ng birthday niyakahapon. Nag-guest host siya ng Wowowee, pagkatapos ay dumalo siya sapresscon ng A Very Special Love, saka nag-dinner siya with his whole family at sila ni Liz sa isang restaurant sa Podium. Pagkatapos ay tinanggap ni John Lloydang trophy niya as Best Actor for One More Chance mula sa Golden Screen Awardsng Entertainment Press (EnPress).

Kumusta ang relasyon nila ni Liz?

"Going more mature," sagot ni John Lloyd.

May marriage plans na ba sila?

"No, pareho kaming busy, pareho kaming nasa peak ng careernamin. Kailangang ma-maximize namin ang potentials namin sa aming craft, yungfulfillment mo as an individual. Kasi hindi naman porke nasa isang relasyon ka,titigil na yung hunger mo na ma-achieve ang dapat mong ma-achieve as anindividual."

THE DOWNSIDE. Sa relasyon nila ni Liz, meron daw downside tulad ng ibangordinaryong magkarelasyon.

"Kasi sinasabi nila, kapag parehong artista, mahirap. Ganundinkahit hindi kayo parehong artista.," sabi ni John Lloyd.

Ano ang pinag-aawayan nila?

"Madalang kaming mag-away, pero siguro oras."

Sino ang mas walang oras?

"Hindi kasi minsan nagmi-meet yung schedule namin. Ako nagte-taping,‘tapos siya rin may mga ginagawang shoot. May mga raket din siya," saad ni JohnLloyd tungkol kay Liz, na associate fashion editor ng Preview magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses silang nagkikita in a week ni Liz?

"Wala kaming regular, kung kailan puwede," sabi ng youngactor. "Siyempre nasa edad kami na nasastage kami ng buhay namin na kailangan naming i-prioritize ang aming mgatrabaho. Kailangan naming i-prioritize ang mga career namin."

NOT THE JEALOUS TYPE. Hindi ba nagseselos si Liz sa mga leading lady ni John Lloyd, tuladni Sarah Geronimo na ka-partner niya sa A Very Special Love?

"She's too busy to be jealous," sagot ni John Lloyd. "‘Tsakaano siya, e, matalino siyang tao. Alam niya na kung para saan itong ginagawako. ‘Tsaka bukod doon, may tiwala yung tao sa ‘yo."

Si John Lloyd ba ay seloso?

"Ako seloso, pero hindi niya [Liz] ako bibigyan ng dahilan paramagselos."

Very open daw ang line of communication nila ni Liz kahitpareho silang busy.

"Through text, call every day, ganun," banggit ni JohnLloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN