Sarah Geronimo's suitors can woo her only at home, advises her mom

Jun 25, 2008
"Ay, hindi po naman namin siya hinihigpitan. Magiging twenty na po siya sa birthday niya sa July 25. Ang gusto lamang namin kung may manliligaw man sa kanya, dapat po ay aakyat sila ng ligaw sa bahay namin. Ayaw po namin na kung saan-saan lamang siya liligawan," says Mommy Divine regarding daughter Sarah Geronimo's suitors.

Medyo nagulat si Mommy Divine, mother ng "Popstar Princess" na si Sarah Geronimo, nang i-reveal ni Sarah sa presscon ng launching movie nito na A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films kung sino ang sinasabi nito noong nagparamdam na nais manligaw, na kasamahan pa mandin nito sa ASAP ‘08. Ito'y walang iba kundi ang itinuturing pa naman nitong "Kuya" na si Mark Bautista.

"Akala ko kasi ay ayaw niyang ipaalam kung sino ang tinutukoy niya," sabi ni Mommy Divine na ayaw mang magsalita ay napilitan na ring sumagot sa mga tanong ng press people at ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Siya naman kasi ang hinarap ng press matapos ang mismong presscon na ginanap sa Burgoo restaurant at Tomas Morato, Quezon City, kahapon, June 24.

"Ang katwiran kasi ni Sarah, parang nakatatanda niyang kapatid si Mark at hindi nga niya matanggal ang tawag dito na 'kuya,' kaya nga kinausap na niya."

Continue reading below ↓

Pero kung si Mommy Divine ba, halimbawang manligaw nga si Mark kay Sarah, tutol ba siya?

"Hindi po problema sa amin ng daddy niya kung manliligaw si Mark sa kanya, nakilala na po namin si Mark at napakabait naman niya. Mapagmahal din siya sa kanyang pamilya," nakangiting sagot ni Mommy Divine.

"Naintindihan po naman niya ang desisyon ni Sarah at sa huli, si Sarah pa rin po naman ang masusunod tungkol doon. Natutuwa nga po kami na naintindihan din naman ni Mark si Sarah. Kami naman ng daddy niya ay nagbibigay lang sa kanya ng advice."

Baka naman masyado nilang hinihigpitan si Sarah at ayaw nila itong maligawan?

"Ay, hindi po naman namin siya hinihigpitan. Magiging twenty na po siya sa birthday niya sa July 25. Ang gusto lamang namin kung may manliligaw man sa kanya, dapat po ay aakyat sila ng ligaw sa bahay namin. Ayaw po namin na kung saan-saan lamang siya liligawan.

Continue reading below ↓

"Ganoon din po naman ang bilin namin sa dalawa pa naming anak na babae na mas matanda sa kanya; sina Rizzi, 22, at Sunshine, 21. Gusto po namin, sabihin nila kung may nanliligaw na sa kanila at kailangang pumunta sila sa bahay namin. Likas pa rin po sa amin ang pagkaprobinsyano at pagka-conservative pagdating sa bagay na iyan. Hindi po namin nakakalimutang ipaalaala iyon sa kanila."

Si Erik Santos, hindi ba nagtangkang ligawan si Sarah?

"Hindi po, kasi iisa ang relatives namin, kahit po hindi naman kami magkamag-anak sa dugo. Iyon po kasing uncle ni Erik ay asawa ng lola ni Sarah sa side ng daddy niya, kaya po parang magkamag-anak na rin sila dahil magkakalapit sila."

KISSING SCENE QUESTION. Ang big question sa presscon ng A Very Special Love ay kung papayag ba si Sarah na magpahalik sa movie. Ayon kasi ng direktor nila na si Cathy Garcia-Molina, may kissing scene si Sarah with her leading man na si John Lloyd Cruz. Hindi pa nga lang nila nasu-shoot ang eksenang ito at hindi pa niya masabi kung sa lips, sa cheeks, o sa forehead ba ang halik ni John Lloyd kay Sarah.

Continue reading below ↓

"Sa palagay ko po kasi, hindi pa ready si Sarah sa kissing scene, tulad din ng hindi pa siya ready na makipag-boyfriend," tila pagsagot naman ni Mommy Divine for Sarah. "Ang focus po niya talaga ay ang kanyang trabaho dahil marami pa siyang gagawin, bukod dito sa pagsu-shooting ng movie nila."

OTHER ACTIVITIES. Tuloy pa rin daw si Sarah sa studies nito sa University of the Philippines Open University. Two subjects ang kinukuha nito ngayon, ang Communications 3 at Philosophy 1.

"Kapag may time po siya, itinutuloy din niya ang kanyang piano lessons. This month din, ilo-launch ang kanyang new album sa Viva Records, hinihintay lamang yatang dumating dito iyong singer na naka-duet niya sa isang song sa album para makasama niyang mag-promote.

"Nagdesisyon na rin po si Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment's big boss] na wala muna siyang concert abroad dahil gusto nilang paghandaan ang kanyang special Christmas concert by November or December 2008.

Continue reading below ↓

"Early this year naman po ay almost two months na rin silang nagkaroon ng concert series sa Canada and U.S.A. ng mga champions, with Mark, Rachelle Ann Go and Christian Bautista. Wala pa kaming alam kung may bago siyang gagawing teleserye sa ABS-CBN, pero baka mag-concentrate na po muna siya sa paggawa ng movies," nakangiting pagtatapos ni Mommy Divine.

Read Next
Read More Stories About
Mommy Divine, Sarah Geronimo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ay, hindi po naman namin siya hinihigpitan. Magiging twenty na po siya sa birthday niya sa July 25. Ang gusto lamang namin kung may manliligaw man sa kanya, dapat po ay aakyat sila ng ligaw sa bahay namin. Ayaw po namin na kung saan-saan lamang siya liligawan," says Mommy Divine regarding daughter Sarah Geronimo's suitors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results