Boy Abunda admits Ai-Ai delas Alas "indirectly" involved in Kris-James fight

IMAGE 0


Talent manager and TV host Boy Abunda speaks up about the rumored separation of Kris Aquino and James Yap (main photo) and the involvement of comedienne Ai-Ai delas Alas.



Nagsalita si Boy Abunda sa napabalitang hiwalayan ngkaibigan at co-host niyang si Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa launch ngbago niyang product endorsement na "Boy Abunda For All Sexes" ni Joel Cruz ngAficionado German Perfume na ginanap sa SM San Lazaro kahapon, June 25.

"Hindi totoong hiwalay sina Kris Aquino at James Yap," paunani Boy. "Tatanggapin ko ulit, I mean, ‘Krissy, I'm sorry but I will talk paralamang malinis natin ang mga kuwento-kuwento.' Nag-away sina Kris at James, peronung lumabas ang balita, tapos na ang kuwento, nagkabalikan na, at nagbati na."

Bakit ngayon lang lumabas na nagkahiwalay pala for a whilesina Kris at James?

"Bakit namin itinatahimik ang mga kuwentong ganito?" balik-tanongniya. "Dahil in deference sa kalagayan ni Tita Cory [Aquino], ang ina ni Kris.Kaya hindi maingay ang buhay ni Kris at saka ni James. Kung nag-away man sinaKris at James, personal." (Na-diagnose na may colon cancer ang dating pangulo.)

"Uunahan ko na kayo, totoong umalis sa bahay si Kris," patuloy ni Boy. "Pumuntasiya sa Discovery Suites for a number of days, pero nagkaayos na po, nagkabati,nag-uusap, magkasama na ulit at nagbabalak pumunta ng abroad ang dalawa ngtatlong linggo."

AI-AI DELAS ALAS MOVIE. Bakit sila naghiwalay?

"Okey, tatlo raw sabi sa akin kanina," sabi ni Boy. "Thirdparty, hindi po totoo. May isa pang dahilan na ibinigay, that Kris is a brat?Dyusko naman, in fairness to the girl, she doesn't deny that she is a brat, butshe has evolved into who she is today. Malayo na ang nararating ni Kris.

"Si Ai-Ai [delas Alas] indirectly, yes, may kinalaman. Ganitopo lamang yung paliwanag. Isang araw nag-guest si Wenn Deramas at si Ai-Ai saBoy & Kris [morning talk show hosted by Boy and Kris]. On the spot, live onair, sinabi ni Wenn, ‘Kris, I'm doing a movie called Ang Tanging Ina ng Bayan[Ang Tanging Ina Ninyong Lahat]. May isang eksena, we open the movie with avery important scene na sa aking palagay na ikaw lamang ang makakagawa. Can youdo it?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On the spot, sinabi ni Kris, yes. Bakit? Si Wenn Deramasay...when he was executive producer of Calvento Files, he met the young KrisAquino at doon nag-umpisa ang pagiging magkaibigan nilang mabuti. Naging umpisayun kung bakit nalipat si Kris mula Channel 7. Hindi ko sinasabi na yun angdahilan, isa sa mga dahilan, kung bakit lumipat si Kris mula Channel 7 papuntangChannel 2. Nag-meeting si Kris.

"At nung lumipat na si Kris sa ABS-CBN, nagkaroon ngpagkakataon na nakatrabaho ni Kris si Wenn. They worked together and then becamegood friends. And, isa sa mga dahilan kung bakit hindi puwedeng tumanggi siKris kay Wenn Deramas.

"Ai-Ai is a good friend of Kris, but it was Wenn whoasked Kris," diin ni Boy. "But also Kris will not sayno to a friend. Mahalaga para kay Kris Aquino ang pagiging magkakaibigan,alright. So, on the spot sa Boy & Kris, ‘Yes, I will do it.'

"Ayaw ni James, nagalit si James. Krissy, forgive me forsaying this. Ayaw ni James because merong diperensiya si Ai-Ai at si James,"pag-amin ni Boy, na manager din ni Ai-Ai.

Malinaw na hanggang ngayon ay may gap pa rin si James atAi-Ai na nagsimula noong kasagsagan ng James-Hope Centeno controversy, kungsaan nagbiro si Ai-Ai kay Kris na, "Isoli mo muna si James sa nanay niya."

"Ayoko na idetalye yun, dapat tapos na ‘yon," sabi ni Boy."Dapat tinuldukan na natin yun. Basta at a certain point in their life, hindisila... Because Ai-Ai came out to stand by Kris, di ba? During those dark moments,lumabas si Ai-Ai at pumuwesto siya sa tabi ni Kris at hindi ‘yan ikinatuwa niJames, at naiintindihan ko si James.

"Bakit sumama ang loob ni James kay Kris? Dahil ang feelingni James, sa mga desisyong paggawa ng pellikula, bilang asawa, isinasama siya.Tama naman siya doon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At hindi ko rinmasisisi si Kris dahil bilang kaibigan, Kris will do it for Ai-Ai, Kris will doit for Wenn. But when they realized na yun nga, nagkakagulo at nagkakaproblema,tinawagan ni Kris ang mga dapat tawagan na hindi niya na gagawin kungmagkakaproblema rin lang ang kanyang marriage. Kaya totoo na, indirectly, maykinalaman si Ai-Ai, kahit hindi mismo si Ai-Ai directly ang may kinalaman.

MARRIAGE COUNSELING. "Pero eto lang, i-set natin ang record, hindi po naghiwalay.Nag-away, nagpalamig, nagkabalikan, nagkaayos na. And right now, para wala nangtanong, they are into marriage counseling. Why? Because James and Kris want toknow each other better. Alam ng mgamag-aasawa po ‘yan na ang pagsasama is a journey. They want to know each other.Gusto nilang ayusin at mapatibay ang kanilang relasyon. But it was not aperfect marriage. Whose marriage is perfect, anyway?"

Hindi ba't nabalita rin noon na nagpa-marriage counselingsila after magkabati dahil sa unang hiwalayan nila nung ipinagbubuntis pa langni Kris ang bunsong anak na si Baby James?

"No, nag-umpisa na," paglilinaw ni Boy. "Pero mas pursigidosila, si Father Jun Siscon pa rin. Mas pursigido sila ngayon. Katulad halimbawathe other day, Kris was talking to me about making decisions as a couple, yunyung mga natutunan niya ngayon na may mga desisyon na dapat talagangpinag-uusapan ng dalawa, di ba?

"Pero I will be surprised about it dahil wala namangkamuwang-muwang si Ai-Ai sa mga kaganapang ito. Kaya magdadagdag ako dahil akonaman ang manager ni Ai-Ai. Kung tatanungin ninyo today si Ai-Ai about allthese things, sasabihin niya, ‘I still stand by what I said. Kaibigan ko siKris and I take the side of Kris.' Ganun lang kasimple yun.

"Pero umaasa ako na isang araw, mapag-usapan din ‘yan atmagkabati [sina Ai-Ai at James]. Dahil wala naman silang pinag-awayan. Kumampilang naman si Ai-Ai kay Kris."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHO MADE THE FIRST MOVE? Pagkatapos ng ilang araw sa Discovery Suites ay bigla nalang daw nagdesisyon si Kris na bumalik na sa bahay nila ni James sa Pasig.

"Wala, natapos lang," sabi ni Boy.

Sinuyo ba ni James si Kris?

"Nagpalipas lang ng sama ng loob. Di ba kasi kapag mainitkayong dalawa, walang mangyayari?"

So, si Kris ang nag-give in?

"Does it matter? I don't think it does, no," sagot ni Boy.

Sa pagkakaalam ng marami,napakalakas at napakatapang ng personality ni Kris kaya nabuo sa isipan nila nahindi siya basta-basta makikipagkasundo, lalo na't alam niyang nasa tama siya.At para sa isang ‘tulad ni Kris, mataas din ang expectations sa kanya pagdatingsa mga decisions in life.

"No, James also is a strong person," pagtatama ni Boy. "In amarriage, dapat bigayan yun... Ayoko nang palakihin kung sino ang nanunuyo, butnakita ko si James nandun na sa set ng Boy & Kris. They started to talk.Who made the first move, I really don't know. They have babies, they havechildren. Regardless who made the first move, maayos silang nag-uusap ngayon at masaya.

"Pero tinatanggap ko, totoo, nag-away. Well, umalis ngbahay. Pero nagkaayos, nagpalamig, at away. Pero okey na sila ngayon," diin ngmanager at TV host.

Sa gitna ng isyung ito, aware ba ang ina ni Kris na siex-President Cory Aquino?

"Kaya nga kami tumatahimik, hindi katulad noon na 'pag bawatkilos ni Kris lumalabas at napapag-usapan. Napansin ninyo, lumabas ang balitangito, tapos na ang kuwento. Ngayon alam na dahil nagsasalita ako."

PEACE BETWEEN AI-AI & JAMES. Wala bang effort si Kris na pagbatiin sina Ai-Ai at James?

"Wala pa, dapat kami may effort, pero hindi napipilit yun,e. Dahil maninindigan naman si Ai-Ai sa kanyang sinabi na naninindigan ako kunganuman. Ako, I'm speaking as a manager, kung anuman ang namutawi sa aking bibig, paninindigan ko ‘yan because I did itfor Kris, my friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagsabi naman na parang napakababaw naman daw ni Jamespara awayin si Kris sa isang proyekto na gagawin niya para sa kanyang kaibigan.

"Ayokong mag-judge," iwas ni Boy. "Ayokong magsabi kung sinoang mababaw at sino ang malalim. We are involved in relationships, so kungmaayos, okey ako."

Final na raw ang stand ni Kris na wala muna siyang projectna gagawin na makakasakit sa damdamin ni James, and for sure, maiintindihan itonina Ai-Ai at Direk Wenn.

"Dadagdagan ko ‘yan, may mga bagay na mas mahalaga saproject," sabi ni Boy. "At isa na dito ang pamilya, ang pag-aasawa. Kasi hindinaman ‘yan choice, e, between your marriage and a movie project. ‘Wenn, Ai-Ai, I will understand if Kriswouldn't be able to do it.'

"Pelikula lang ‘yan. Maiintindihan namin ‘yan kung angnakasalalay naman ay ang katahimikan ninyo sa bahay. It's not even a debate.You know your choice. Pero yung pipilitin natin si James at si Ai-Ai namagtagpo ngayon, huwag muna. I mean, maaayos din ‘yan. Dadating din ang araw namaaayos ‘yan. Bakit kamo, emosonal yun, e. ‘Hindi ko makakalimutan at onepoint, kinampihan mo ang asawa ko.' And I don't blame James, but neither will Iblame Ai-Ai," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN