Ruffa Gutierrez keeps faith that reconciliation with Yilmaz may happen someday

IMAGE 0


“Hay, alam ninyo, there’s still, while you’re still alive… Imean, there’s always hope. Siyempre may chance. Yung ibang tao nga after 15years nagkakabalikan,” says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas.



Very emotional si Ruffa Gutierrez nung birthday niya lastTuesday, June 24. Gusto na raw kasi niyang mag-move on sa episode ngbuhay niya kung saan dumaan siya ng labis na sakit, especially sa kanyang lovelife. Kaya ayaw na raw muna niyang mag-entertain ng admirers na dumatingnung birthday party niya last Saturday, June 21, courtesy of Dr. Vicki Belo.

ONLY GENTLEMEN ALLOWED. “Actually, ang peg ko para sa aking future na magigingbagong malapit na kaibigan, ang peg ko talaga will be my dad [EddieGutierrez]. Kailangan isa siyang parang isang tunay na gentlemankatulad ni Eddie Gutierrez. So, ‘pag hindi po kayo gentleman, huwag na pokayong pumorma dahil basted agad kayo,” natatawang sabi ni Ruffa habangkausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Binati ba siya ng mister niyang si YilmazBektas nung birthday niya?

“Oo, grineet na niya ako ng happy birthday.”

Ano regalo sa kanya ni Yilmaz?

“Naku, ang gusto ko lang gift mula sa kanya, sanapeace. Sana huwag niya akong awayin.”

UPSET BY YILMAZ. Inaaway pa rin daw siya ni Yilmaz dahil sa mga nababalitaanniya sa mga news through TFC (The Filipino Channel) at sa Internet.

“Dahil sa news, lagi pa rin niya akong inaaway. Sana huwagna niya akong awayin. Sana he’ll find peace in his heart and ‘ayun, yun angwish ko for him.”

Nag-react na ba si Yilmaz sa bago niya diumanong manliligaw na basketball player, si Reda Rhalimi, nakasamahan ni James Yap sa Purefoods TJ Giants?

“Nag-react na! Kaya upset ako. Oo, ang daming stress fromall angles. May stress mula doon sa malayo, may stress sa bahay. Kaya siguromagtatrabaho na lang ako.”

Kaya ba naikuwento niya na napaiyak siya kamakailan, dahilba yun sa reaction ni Yilmaz sa bago niyang manliligaw?

“Hindi, napaluha ako dahil lagi akong pinapahiya ngmommy ko. Binubuking-buking ako lagi," sabi ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang assurance na ibinigay niya kay Yilmaz?

“Ang assurance ko sa kanya is I’m still not ready to open myheart, dahil ang nasa puso ko lang ngayon ay talagang wala—it’s empty and it’s dark.Buti na lang marami akong trabaho. So, kahit na minsan [‘pag] nalulungkot ako,my kids are still with me.”

Bakit siya napaluha?

“Ay, napaluha ako nung ka-chat ko siya. Kasi nagre-reminiscesiya. Hindi, kasi nagre-reminisce kami ng mga old times namin. Yungginawa niyang pagsu-surprise sa akin three years ago and sabi niya, twoyears na tayong hindi magkasama.

“Actually, three years na kaming hindi magkasama sa birthdayko. This year, last year na ginawa sa Alchemy [Pasig City] atsaka three years ago. Kasi during that time he was held in custody, di ba?

“So, yun ang pinakamalungkot kong birthday. So, parangnaisip ko lang yung mga nangyari noon,” kasunod ang hindi na napigilang pagluhani Ruffa.

“Ayun, naging emotional lang ako. Hindi pa talaga akoready,” naiiyak pa rin na sabi ni Ruffa.

“Ayun, saka yung wish ni Lorin and Vince na, ‘I wish my Momand my Dad will get married again.’ Hindi ko ma-explain sa kanila kung bakithindi puwede,” hagulgol na ni Ruffa.

“Ayun, kaya ako nagiging emosyunal. My God! Bakit ba ‘ko napaiyak?” Bawi naman bigla ni Ruffana tila kino-compose ang sarili. “Siguro birthday ko, di ba? Hayaan ninyo na,”tila pakiusap naman niya pagkatapos.

CHANCE FOR RUFFA AND YILMAZ. Kuwento pa ni Ruffa, recently raw ay nagpunta ng SaudiArabia si Yilmaz. Naalaala ni Ruffa na noong magkasama pa sila, madalas siyangniyayaya nito na pumunta sila sa Saudi. Gusto rin daw niya sanang sumama kung hindi lang sa kanyang mga commitments.

Sabi pa nga raw niya kay Yilmaz, “‘Malaymo, this will be a good start para maging happy na tayo.’ Matagal na yung lagisiyang nagagalit. I’m just so happy na natuloy siya without me. At least,natuloy pa rin siya kahit late. Yun nga lang, nakakalungkot dahil hindi na akokasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish kaya niya na magkabalikan sila ni Yilmaz?

“Hay, alam ninyo, there’s still, while you’re still alive… Imean, there’s always hope. Siyempre may chance. Yung ibang tao nga after 15years nagkakabalikan.”

Ibig sabihin, hoping pa rin talaga siya na magkabalikan silani Yilmaz?

“I’m not hoping anymore. Kumbaga, isinara ko na yungchapter [na yun] sa buhay ko, but siguro kailangan ko lang mag-heal nangtuluyan. Kasi siyempre, may pamilya kami. May mga anak kami, so kailangangmag-heal fully yung mga wounds from the past.

“And I think with him din, nothing makes me happy. Kahitanong gawin niya, sabi niya, he’s building his dream house now. Angnakakalungkot, hindi niya kami kapiling. So, nandiyan yung mga instances namalungkot pa rin.

“And then, sabi niya na, you know, birthday mo, angdami mong mga kaibigan dahil you’re successful now. Pero ang importante, sinongkasama mo when you’re on your way down. Sabi ko, ‘I don’t want to go on myway down. Bakit napaka-negative mo naman?’

“So yun, I just hope and pray na maging peaceful at maayospa rin yung relationship namin for the sake of my husband.”

MISSING EACH OTHER. Nagsabi ba sa kanya ng "I love you" si Yilmaz pagkatapossiyang i-greet?

“Hindi naman. Pero nag-‘I miss you’ siya sa akin.”

Nami-miss din ba niya si Yilmaz?

“Ewan ko. Basta nalulungkot lang ako. Alam mo kasi kapaggalit siya sa akin, I hate him. ‘Pag mabait siya…naiiyak ako,” kasunod angpagtulo ng luha ulit ni Ruffa.

“Ano ba ‘yan? Bakit siya ang naging topic. ‘Di ba, dapat MyMonster Mom? Hay naku, ano bang nangyari? Mula sa manliligaw konagpunta sa ex and everything? Ayokong umiyak, ha.”

SPENDING BIRTHDAY WITH MOM. Noong eve daw ng kanyang birthday, nasa bahay lang si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nag-asalto sa akin kagabi, mommy ko.Kaming dalawa, kumakain ng ice cream sa sofa. So kamingdalawa ang magkatabi sa birthday ko.”

Takot ba ang mommy niya na magkabalikan sila ni Yilmaz?

“Ewan ko sa kanya kung ano ang fear niya. Ayaw niya akongtumanggap ng admirers. Ayaw din niya akong makipagbalikan. Gusto niya ‘ata siyalang ang love ko, ‘no. Nakakaloka!

“Ayaw niya akong magkamali ulit. There’s no time to makemistakes, pero you still have time to think of anything else, di ba? Focus munasa work,” pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN