Annabelle Rama talks about love affairs of children Ruffa and Richard

Jun 26, 2008
Annabelle Rama is known to be a very protective mother. In an interview with PEP, the Gutierrez matriarch speaks about the love affairs of daughter Ruffa and son Richard.

Desidido na si Annabelle Rama na mag-produce ulit ng mga pelikula after her comeback movie with her daughter Ruffa Gutierrez, ang My Monster Mom.

Pagbibidahan ng anak niyang si Richard Gutierrez ang gustong i-produce na horror-suspense movie ni Annabelle. Gusto raw sana nila pang-filmfest, pero hindi na aabot. Pero target nila ang maipalabas din yun this year at hindi makakaapekto sa first moviet team-up nina Richard at KC Concepcion.

"Iniiwasan namin ‘yon. Eto naman, hindi love story. Naiiba ito, pero under negotiation pa. Supposed to be pang-festival [MMFF], pero hindi aabot. Kasi tinatanong namin ang GMA [Films], hindi raw aabot talaga," lahad ni Annabelle.

Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang magkasintahan na raw sina KC at Richard?

"Ay, hindi pa!" tanggi ni Annabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sure ako na hindi pa talaga. Magkaibigan lang silang dalawa talaga. Kasi hindi naman si Richard nagmamadali, e.

"Kasi sabi ko, lagi naming sinasabi sa kanya, ng daddy niya, ako at si Ruffa na, ‘Pagdating kay KC, Chard, pag-isipan mo mabuti, ha. Huwag ka basta-basta manligaw kung hindi ka pa ready. Kasi nakakahiya kay Sharon [Cuneta, KC's mother], nakakahiya kay Kiko [Pangilinan]. Gusto namin kapag talagang manligaw ka, ready ka na. Serious ka na sa kanya.'

Continue reading below ↓

"Hindi serious, ibig [kong] sabihin, hindi naman siya yung pakakasalan. Hindi na siya mag-double-double ba na may KC, ‘tapos may ibang ganyan. Ibig sabihin, stick to one," paliwanag ng ina ni Richard.

Nagsabay na ba ng girlfriend si Richard?

"Hindi naman," tanggi ni Annabelle. "Hindi ko rin sinasabi na pakasal. Basta kapag nanligaw ka kay KC, kailangan manligaw ka kung ready ka na."

RUFFA'S NEW SUITOR. Ano naman ang masasabi niya sa bagong manliligaw raw ni Ruffa na hawig daw sa mister nitong si Yilmaz Bektas? Basketball player daw ang naturang guy, na import ng Purefoods TJ Hotdogs at ka-teammate ni James Yap (asawa ni Kris Aquino).

"Ang alam ko ano...taga-ibang country. Hawig kay Yilmaz? Hindi naman siguro. Ang nagpakilala nun, si Kris. Si Kris ang nagpakilala sa kanya. At saka sila ni Kris ang magkakasama-sama.

Na-meet na ba niya yung guy na sinasabing nanliligaw kay Ruffa?

"Hindi naman. Marami akong na-meet doon sa party niya, pero hindi ko alam kung sino doon ang nanlilgaw sa kanya."

Continue reading below ↓

Worried ba siya kapag na-in love ulit si Ruffa?

"Kailangan niyang ma-in love ulit dahil siyempre boring kung wala naman siyang boyfriend. Bata pa naman siya, maganda pa. Sabi ko lang sa kanya, ‘This time, be wise of choosing the guy na makasama mo ulit dahil siyempre, may dalawang anak ka na. Kailangan yung guy magustuhan, mamahalin yung anak mo, at i-provide ang mga anak mo ng lahat ng pangangailangan. Yun lang naman ang kailangan ko sa kanya. Hindi ko pinangarap na mag-boyfriend siya ulit, ‘tapos siya ang magpapakain, siya ang magtratrabaho. Ayoko ng ganun."

HER GRANDAUGHTERS' WISH. Sa huling interview ng PEP kay Ruffa naiyak siya sa wish ng kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Sana raw ikasal ulit ang kanilang Mommy at "Bubba" na si Yilmaz.

"Oo nga, yun na nga. Na-shocked nga ako kay Lorin at Venice kasi bago pumunta ng ABS-CBN, sabi ko, ‘Lorin, make a wish for your mom. Make a wish that your mommy will be healthy, happy.' Lahat ng sinabi ko sa kanya, hindi naman niya sinabi. ‘Tapos nung nasa stage na sila, iba ang sinabi. Kaya ako'y super-shocked sa dalawang batang ‘yan."

Continue reading below ↓

May kumurot ba sa puso niya?

"Oo, siyempre naman," sagot ni Annabelle. "Kaya naman ako naging malambot na rin kay Yilmaz dahil na rin sa mga bata. Dahil lagi nilang sinasabi sa akin, ‘Lola, I miss Bubba.' Hindi mo puwedeng kontrahin yun, bata yun, e, di ba?

"Kaya ako naman, ‘Okay, Lorin, tell your Bubba to come to visit you.' Kaya lagi nilang kinakausap ang tatay nila sa phone dahil lagi nilang sinasabi sa tatay nila na, ‘Bubba, are you coming to the Philippines?' Pinababayaan ko sila. Kung pupunta si Yilmaz dalawin ang mga bata, hindi ako kokontra."

Kung magkabalikan sina Ruffa at Yilmaz, okey rin ba sa kanya?

"Ang sabi ko lang kay Ruffa, ‘Bago mo gagawin ulit ang bumalik kay Yilmaz, pag-isipan mo ng one thousand times. Tingnan mong mabuti kung yung pinaggagagawa niya hindi na maulit. Pero I doubt, mahirap na," pahayag ni Annabelle.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama is known to be a very protective mother. In an interview with PEP, the Gutierrez matriarch speaks about the love affairs of daughter Ruffa and son Richard.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results