Boy Abunda tells what really happened in the "credit card incident"

IMAGE 0


"Totoo bang hindi in-honor [ang credit card ni Gretchen]?Totoo po yun. Totoo po yun na nangyari sa isang restaurant. Totoong sinubukanpo ng cashier. IIang beses sinubukang i-swipe ang card, hindi po nag-work.Totoo, pero hindi ang dahilan ay pinutol. May problema ang magnetnung machine. Totoo na dumating si Tonyboy. Tinawagan agad ni Gretchen,"explains Boy Abunda about the "credit card incident" that involved his talentand friend Gretc


Sa presscon ng launching ng Boy Abunda For All Sexes ng Aficionado GermanPerfume kahapon, June 25, sa SM San Lazaro, Manila, naitanong kay Boy Abundaang tunay na estado ng relasyon ng kaibigan at talent niya na si GretchenBarretto sa live-in partner nito na si Tonyboy Cojuangco. Nabalita kasi nanaghiwalay ang dalawa pagkatapos ng ‘credit card' incident kamakailan.

"Ang totoo, si Dominique [solong anak ni Gretchen kay TonyBoy] ay ilang taon na lamang at mag-aaral na sa abroad. I'll put itstraight, ‘no. Yung sinasabi na mag-a-abroad si Gretchen at si Tonyboy ay gustotalaga nila, ‘pag halimbawa, nag-boarding school na or nag-aral na sa abroad siDominique, gusto nila ay kasama sila ng anak. Doon nanggaling yungusaping mag-abroad. Pero hindi po ngayon.

"Pero plano talaga nila ang mag-abroad. One or two years,the girl will be studying somewhere at balak talaga ni Gretchen at Tony namangibang bansa kasama si Dominique.

"Nasa Manila ngayon si Gretchen. Hindi totoong magkahiwalaysila ni Tony Boy. Magkasama sila sa bahay. She is in Manila."

Bakit wala si Gretchen sa party ng kaibigan niyang siRuffa Gutierrez last Saturday, June 21?

"Hindi ko masasagot yun. Hindi ko alam. Ah, I think there'sa good reason. Nag-uusap 'yan. Kanina magkausap yung dalawa.

"Just before we start this show kanina,magkausap yung dalawa. Kagabi magkausap sila. Palagay ko si Gretchen,hindi naninisi ng kung sinuman. Kaya tinitumbok ko na ang balitakung totoo o hindi."

Sinadya raw ni Gretchen ang hindi pagpunta sa party ni Ruffa?

"Hindi ko alam. Wala akong dahilan na puwede kongibigay. Pero kung ang implikasyon ay merong problema, wala. They're talking."

BOY SAYS IT'S TRUE! Dahil walang gustong magsalitaeither kina Ruffa or Gretchen sa tunay at buong nangyari sa dinner nilasa Dusit Hotel kasama sina Pops Fernandez at isang non-showbiz girl nanagngangalang Josie (click here forstory), na unang lumabas dito sa PEP, si Boy ang nagbigay-linaw tungkol dito. Tinanong kay Boy kung totoongnagkasamaan ng loob ang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong alam na nagkasamaan ng loob. Alam ko yunglumabas sa diyaryo. Ang isyu dito, hindi yung kung bakit lumabas ang balita, angisyu dito ay kung totoo ba? Totoo ba ang nangyari sa isang restaurant?

"Totoo bang hindi in-honor [ang credit card ni Gretchen]? Totoo po yun. Totoopo yun na nangyari sa isang restaurant. Totoong sinubukan po ng cashier. Ilangbeses sinubukang i-swipe ang card, hindi po nag-work. Totoo,pero hindi ang dahilan ay pinutol. May problema ang magnet nungmachine.

"Totoo na dumating si Tonyboy. Tinawagan agad ni Gretchen. Napakadisenteng tao ni Tonyboy. In about two to three minutes, he wasthere to solve the problem."

Totoo rin ba na nagalit si Tonyboy kay Gretchen dahil ikinumpara siya sa asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas?

"Ah, ‘yan ang hindi ko alam na departamento," sagot ni Boy. "Pero totoong medyo nagalitsi Tonyboy o sumama ang loob dahil una, puwede namang magdala si Gretchen ngcash. Puwedeng magdala ng ibang card.

"Sa aking paningin naman, malapit lang ang bahay nila. Puwede siyang magpakuhang pera. Pero na-realize ni Gretchen na kahit pag-isipan si Tonyboy niGretchen na ipinaputol ang card, it was not fair to Tonyboy because Tonyboy willnever do it.

"Wala sa karakter ni Tonyboy na gawin ang ibinibintang sakanya. So, hindi malayo na nagalit talaga si Tonyboy dahil sa pinag-isipansiya—huwag na nating isali ang ibang tao—ni Gretchen, na ipinaputol angcard. Pero naayos yun.

"Nagkagalit ba sila doon? Nagpalitan ba sila ng nga salita?Possible! Because it was a very tense situation but it is true. Pero anghindi totoo, yung ipinaputol. Hindi totoo ‘yan, Hindi totoong magkahiwalay. Magkasama sila as we talk. Magkasama sila sa bahay."

"WE OWN THE BANK." Totoo rin ba na sinabi ni Gretchenang linyang "That cannot be. We own the bank!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will not confirm that, I will not deny that because I don'tknow. Hindi ko alam kung sinabi niya yun," sagot ni Boy.

May lumabas din kasi na parang sinabi ni Gretchen na"napapagod" na siya.

"Hindi imposible na napapagod, hindi imposible na nasasaktan. E, alam monaman ang buhay natin. Pero minsan gumigising tayo kinabukasan napanibagong lakas na naman ang baon. It is possible."

May balita rin na minura raw ni Gretchen ang editor-in-chief ng PEP at YES! magazinena si Jo-Ann Maglipon dahil sa lumabas na insidente tungkol sa credit card. Totooba?

"'Yan ang hindi ko alam. I am not privy to that because Jo-Ann and Gretchenhave a personal relationship outside of me. Kaibigan ko rin si Jo-Ann. Kaibiganat talent ko si Gretchen. Hindi ako privy sa kung ano nangyayari sa kanila."

THE SOURCE. Ang tinuturong nagkalat ng balita ay ang alalay ni Ruffa nasi Jaye Bautista. Si Jaye nga ba ang source?

"Again, I will go back to the point na immaterial na kung sino angsource. Ang pinag-uusapang isyu, totoo yung pinanggalingan ngbalita. Sobra lang ang detalye. Pero yung card po, ginagamit na ulitngayon. Dahil may problema sa magnet [ang machine ng restaurant]. Kasi doon sakuwento na yun may bahagi na totoo, may bahagi na sobra.

"To me, it's immaterial kung saan ang pinaggalingan, e.Kasi ina-admit na namin na totoong nangyari. Hindi namin idine-deny, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN