Lorna Tolentino admits offer from ABS-CBN, but she's not yet ready to work

IMAGE 0


"Totoong may offer sila sa akin, peroayaw ko munang pag-usapan ‘yon. Lahat ng tungkol sa pagbabalik ko satrabaho, pag-uusapan namin ‘yan pagkatapos ng forty days ni Papa," says Lorna Tolentino about ABS-CBN's offer.



First public appearance ng aktres na si Lorna Tolentino,after the death of her husband Rudy Fernandez, ang pag-attend niya ng 5thGolden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) last Tuesday,June 24, sa ZirkohGreenhills.

A week before the awards night, nagpunta siLorna sa Boracay to unwind pagkatapos ng libing ni Daboy. Kasama ng aktres na nagpunta roon ang dalawa niyang anak na sinaRalphe at Renz, pati ang mga kaibigang sina Precy Ejercito and her daughter Jel,ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn and their daughter Djanin, Isabel Rivas,Amy Austria, at ilang non-showbiz friends. Sumunod din si JinggoyEstrada, pero bumalik din ito kinabukasan sa Manila.

Inabutan daw sila ng bagyong Frank sa Boracay, kaya yung balak sana ni Lorna na magbilad sa araw ay hindi natupad. Nag-swimming na lang sila sa pool ng hotel na tinuluyan nila habang bumabagyo. Si Precy nadapat ay mauunang umuwi ng Saturday ay stranded kaya sabay-sabay na silangbumalik ng Manila noong Monday afternoon, June 23.

Iyon pala ay nag-decide si Lorna na um-attend ng awardsnight ng Golden Screen Awards last Tuesday dahil may tribute at binigyan ng posthumousaward ang kanyang namayapang mister. Bukod dito, nanalo rin si Lorna sakategoryang Best Performance of an Actress in a Musical/Comedy para sa pelikulanila ni Jinggoy, ang Katas ng Saudi—her first acting award in a comedy movie.

Hindi raw niya puwedeng biguin ang mga kaibigan na patuloyna sumusuporta sa kanila sa kabila ng mganangyari. Hindi rin niya puwedeng biguin sina Jinggoy, Bong Revilla,at Phillip Salvador na pumayag na mag-perform noong gabing iyon para kayRudy.

Si Bong ay pupunta dapat sa U.S. for a vacation, pero hindimuna tumuloy. Ang mag-asawang Tirso at Lynn, dapat ay umalis din nung arawna ‘yon for a series of shows sa Canada with German Moreno. Hindi muna sila tumuloydahil nakasagot na si Pip na ire-rehearse niya sina Bong, Jinggoy, at Phillipsa kantang na "Paalam, Daboy" na siya ang nagpalit ng ilang lyrics sasong na "Doon Lang" ni Nonoy Zuñiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, nakasagot na rin pala si Pip nasiya naman ang kakanta para kay Christopher de Leon sa tribute naman dito as the recipient of the Lino BrockaLifetime Achievement Award. Kaya during the awards night ay sinamahan pa rin si Lorna ninaPrecy at Lynn.

Maraming nagsabing very composed pa rin ni Lorna kahithalatang malungkot ang aktres. Nakakatawa na rin siya sa pagbibiruannina Jinggoy, Bong, at Ipe bago sila kumanta dahil pinalayo pa ni Jinggoy siIpe para may space dahil doon daw nakatayo si Rudy.

Medyo bumigay si Lorna nang tanggapin niya ang posthumousaward mula sa tatlong pinakamatalik na kaibigan ni Rudy dahil kahit sila aymedyo napaiyak na rin.

Sa thank-you speech ni Lorna, sinabing: "Mahalaga angaward na ito dahil alam ko, hindi naman talaga nawala si Rudy. Narito langsiya, kasama natin siya at alam ko, natutuwa siya sa tinanggap kong award.

"Ngayon nga po [June 24)] ang church wedding anniversarynamin. Mananatili siyang buhay sa alaaala ng lahat ng mga tao na nagmamahal sa kanya. Kayamuli akong nagpapasalamat sa inyong lahat, sa inyong suporta atpagmamahal."

Pagkatapos ng awards night ay nakausap ng PEP at iba pangentertainment press si Lorna. Medyo napangiti ang aktres nang maalaala angthank-you speech niya.

"Ayaw ni Papa [Rudy] na umiyak ako, ayaw niya ngmadrama, kaya nagpigil ako sa pag-iyak kanina," sabi ni Lorna. "Hindiko na natandaan kung anu-ano ang sinabi ko, pero alam ko siya ang gumabay saakin kung ano ang sasabihin ko."

Tinanong na rin si Lorna kung kailan siya babalik as one of the co-hosts of StarTalk ng GMA-7.

"Wala pa, hindi pa muna ako magtatrabaho," sagot niya. "Kailanganko munang tapusin lahat ng mga ibinilin sa akin ni Papa. Marami pa akongaayusin. Pinaghahandaan ko na rin muna ang forty days niya next month."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang lilipat na siya sa ABS-CBN?

"Wala pa rin. Totoong may offer sila sa akin, peroayaw ko munang pag-usapan ‘yon. Lahat ng tungkol sa pagbabalik ko satrabaho, pag-uusapan namin ‘yan pagkatapos ng forty days ni Papa,"nakangiting sagot ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN