Sarah Geronimo wants her first boyfriend to be the man she'll marry

Jun 26, 2008
"Well, if I were to fall in love, siguro po, labas na nga po roon ang pagiging ready. Pero, tingin ko, hindi pa ‘ko ready. Kasi nga, palagi ko nga pong sinasabi na gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, siya na talaga ang pakakasalan ko. Yun po talaga ang aking mentality," says Sarah Geronimo.

Sa presscon ng A Very Special Love sa Burgoo restaurant, Quezon City, noong June 24, marami sa mga naroong press ang nag-iisip na dahil hindi pa nga nagkaka-boyfriend ang female lead na si Sarah Geronimo, mahihirapan siyang ibigay ang hinihinging papel niya bilang lovestruck girl sa isang masungit pero cute na male boss.

Pero ani Sarah, malaking factor daw na isang magaling na aktor na tulad ni John Lloyd Cruz ang kapareha niya. Isa pa, wala na raw siyang anumang pagkailang na nararamdaman kay John Lloyd dahil magkakilala na sila noon pa't nagkatrabaho na raw sila.

"Ano po, e, kumbaga, it came out naturally as we worked together. Nangyari na lang. Siguro kasi, ganoon na siya, e. Nahiya na lang din ako na hindi siya pansinin. Kasi dati, hindi ko talaga siya pinapansin dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

"So, tinanggal ko na lang ang hiya ko, kaya okey na kami."

Continue reading below ↓

NO "BOYCOTT" PLAN. Tungkol sa balitang pagbo-boycott ng mga fans nina John Lloyd at Bea Alonzo, ayon kay Sarah, natuwa raw siya na hindi naman daw pala totoo ang isyung yun.

"Nagsalita na po kasi ang mga fans ni Bea at John Lloyd at pinatunayan nila na mali ang rumor na yun. Susuportahan daw po nila si John Lloyd sa kahit anong proyektong gagawin nito.

"Nanood po ako ng The Buzz noong Linggo. So, yun po, at siyempre po, pinagpi-pray ko po na magustuhan ng mga fans nina Bea at John Lloyd at lahat po ng manonood yung movie."

Hindi ba siya na-offend sa ginawing ito ng mga fans nina John Lloyd? Hindi ba't kung fans din lang, marami rin naman siyang fans.

"Hmm....well, sa totoo lang po, hindi ko na po kasi naiisip yun. Kumbaga, pareho naman po kami na kahit paano, may mga sumusuporta. Kaya sana po, lahat sila manood at suportahan na lang po ang movie namin."

Continue reading below ↓

LOVE QUESTIONS. May nag-suggest mula sa press people na kapanayam niya, bakit daw hindi pa niya subukang magkaroon ng romantic inspiration para maging makulay ang buhay niya. Dagdag pa ng mga nambubuyong press, tutal ay 20 years old na siya.

"Meron naman po akong ina-admire na tao at okey na po ako ro'n," palihim na tugon ni Sarah.

Tinanong na si John Lloyd kung magkakagusto ba siya kay Sarah kung wala siyang girlfriend. "Yes!" naman agad ang sagot ni John Lloyd. How about Sarah, kung single and available nga si Lloydie, would she fall in love with him?

"Well, if I were to fall in love, siguro po, labas na nga po roon ang pagiging ready. Pero, tingin ko, hindi pa ‘ko ready. Kasi nga, palagi ko nga pong sinasabi na gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, siya na talaga ang pakakasalan ko. Yun po talaga ang aking mentality.

"At kung loveless naman si John Lloyd ngayon, bakit naman hindi," sagot ni Sarah kung mai-in love ba siya rito. "E, nasa kanya rin naman po yung mga qualities na hinahanap ko sa isang guy. Pero still...hindi mo pa rin masasabi yun kasi, hindi ko pa rin naman siya lubusang kilala."

Continue reading below ↓

Napa- "uuuyyy!" naman ang mga entertainment press nang aminin ni Sarah na nung ginagawa raw nila ni John Lloyd ang MMK episode nila ay nakaramdam din siya ng kilig sa leading man.

"Naku, ‘yan na nga ba ang sinasabi ko! Walang maidudulot na maganda ‘yang ‘uy-uy' na ‘yan, e," natatawa't nahihiyang biro naman ni Sarah. "E, kasi po, iba po siya. Yun nga po, kumbaga, less effort po sa akin.

"Mahirap kasi, pressured din po ako nung time na yun dahil first time kong mag-MMK at makatrabaho pa po ang isang John Lloyd Cruz, so, doble-doble na po ang pressure ko."

Read Next
Read More Stories About
Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, if I were to fall in love, siguro po, labas na nga po roon ang pagiging ready. Pero, tingin ko, hindi pa ‘ko ready. Kasi nga, palagi ko nga pong sinasabi na gusto ko, kapag nagka-boyfriend ako, siya na talaga ang pakakasalan ko. Yun po talaga ang aking mentality," says Sarah Geronimo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results