Lani Mercado says marriage with Bong Revilla is "still a work in progress"

Jun 27, 2008
"Hindi porke't 22 years kayo, humihinto na ang growth ninyo as a couple. It's still a work in progress. Hindi ko masasabi na hindi kami mag-iiba or what, basta it's a work in progress. Ang importante, nandiyan ang Panginoon. Kasi may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mo, e. Na kaya mong tanggapin at ilaban na nagagawa mo," says Lani Mercado about her marriage with actor-politician Bong Revilla.

Malaki ang naging epekto kay Lani Mercado at sa pagsasama nila ng mister niya na si Bong Revilla ang pagkamatay ng kaibigan nilang si Rudy Fernandez, pati na ang ipinakitang pagmamahal ng misis ng yumaong aktor na si Lorna Tolentino. Ikinuwento ni Lani sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naganap na heart-to-heart talk nila ni Bong last Tuesday, June 24.

"Napag-usapan namin, kumbaga, look at the brighter things in life. Maraming... Actually, habang nanonood kami ng National Geographic niyan, giyera ang pinapanood niya. How romantic, di ba?" natatawang bungad ni Lani sa isang dinner with the entertainment press last Wednesday, June 25.

Patuloy niya, "Hinahalintulad niya ang buhay sa giyera na nararanasan namin ngayon. Kumbaga, we should be more thankful of the beautiful things rather than look at the bad things. Through thick and thin, talagang yung sinumpaan nila [Rudy and Lorna] sa dambana, isinabuhay nila yun na napakahirap na gawin, sa totoo lang."

Continue reading below ↓

LANI AS A WIFE. Pero mas mahirap daw kung tutuusin ang pinagdaanan ni Lani kaysa kay Lorna kung ang pag-uusapan ay ang pagiging asawa.

"Baka ako ang mahimatay dito! Baka malunok ko ang mga tape recorder ninyo!" biro ni Lani.

"Twenty-two years na kami ni Bong. Sina LT, 25 na yesterday. Yun yung [church] wedding nila sa Villa Escudero."

Kung tutuusin, marami rin ang bilib kay Lani for sticking it out with her husband sa kabila ng mga babaeng na-link sa actor-politician.

"Basta si God na lang ang bahala sa amin. Yun na lang. God will take care of everything," sambit ni Lani.

Sa pagkamatay ni Daboy, naging mas maganda at mas tumibay raw ang relasyon nila ni Bong.

"Oo, every day is a work in progress, e," sabi ni Lani. "Hindi porke't 22 years kayo, humihinto na ang growth ninyo as a couple. It's still a work in progress. Hindi ko masasabi na hindi kami mag-iiba or what, basta it's a work in progress. Ang importante, nandiyan ang Panginoon. Kasi may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mo, e. Na kaya mong tanggapin at ilaban na nagagawa mo."

Continue reading below ↓

Kakaibang misis nga raw si Lani dahil natitiis niya kahit ang dami-dami pa rin ang nagtatangkang agawin sa kanya si Senador Bong.

"No choice!" sabay tawa ni Lani.

SILVER WEDDING ANNIVERSARY. Wala ba silang plano ni Senador Bong on their 25th wedding anniversary?

"Kasi dalawa na yung kasal namin, isa sa Amerika nung ‘86. Gusto naman namin mag-travel. Ano yun, papatak ng 2011, after the election, May. Ka-wedding anniversary namin sina Inah, kasi May 28 din sila ikinasal ni Vince [del Rosario]."

By that time, maaaring nakasumpa na si Bong bilang bagong vice-president ng Pilipinas.

"Ano ba ‘yan? Parang dini-declare na mga bagay-bagay!" nangingiting pahayag ni Lani.

Handa na ba siyang maging vice-president's wife in 2010?

"Let's take it one day at a time. Baka atakahin ako!" tawa niya.

JOLO'S LOVE WOES. Hindi rin nakaligtas si Lani sa mga problemang kinakaharap ng kanyang mga anak. Una na si Jolo Revilla na nasa gitna ng intriga ngayon dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Lovi Poe. Very open kasi ang ina ni Lovi na si Rowena Moran sa pagtutol sa pagkakamabutihan ng anak at ni Jolo.

Continue reading below ↓

"Ano lang, siyempre anak ko si Jolo. Minsan naaawa rin ako sa anak ko. Gusto ko man siyang ipagtanggol, ayoko namang ma-misinterpret. Parang ang gagawin kasi, paglalabanin kami ni Rowena. Ayokong ganun. Kasi mahal ko rin si Lovi, e. Mahal ko ang ama ni Lovi [Fernando Poe Jr.] Ama namin ‘yan, e.

"Ayokong magkaroon ng conflict between... Basta ang lagi kong pangaral kay Lovi, ‘Always have a good relationship with your mother. Kasi ang nanay ay nanay.'"

Kung siya ang nasa katayuan ni Rowena, pagbabawalan ba niya si Lovi?

"Ganito na lang, ang ano ko na lang tungkol kina Inah, Gianna, at Loudette. Gusto ko ang suitors ng mga anak ko, dumadalaw sa bahay. Ayokong nagtatago sila, sa labas sila magkikita dahil may takot.

"Ang ideal talaga, open ang bahay mo para at least yung mga suitors ng mga anak mo, nakikilala mo. Yun ay kung gusto mo nang tumanggap ang anak mo ng suitor. Na yun naman ang ginawa namin nung 18 si Ate Inah.

Continue reading below ↓

"Yun nga lang siguro, nagkakaroon ng agam-agam din si Rowena kasi binatang-ama si Jolo. May fear factor din na ganun. Plus, hindi natin maikakaila, may stigma ang Revilla. Yun yung masakit. I do believe, I hope, I think I have raised a good son in Jolo. He has learned from his past mistakes. ‘Pag nagkamali pa siya, sinabi ko sa kanya, mahirap mag-recover kapag nagkamali ulit," pahayag ni Lani.

Pero masasabi ba niya kay Rowena na huwag siyang maging judgmental sa kanyang anak na si Jolo?

"Nakilala niya si Jolo during the first few days or months na nagtatrabaho si Jolo at si Lovi. Siguro huwag lang maging sarado ang heart niya," maingat na sabi ni Lani.

Paano naman nila sinusuportahan si Jolo sa gitna ng pagtutol ng ina ni Lovi sa kanya?

"Pinapangaralan namin, regardless whether gusto o ayaw ni Rowena si Jolo for Lovi. Hindi namin iniisip ang bagay na yun."

Continue reading below ↓

Pero bilang ina, hindi ba siya nasasaktan sa nangyayari kay Jolo?

"Ang akin, every time I would see Lovi... Kasi sa kanilang dalawa yun, e. Personal na ano yun. Every time I would see Lovi, lagi kong kinukumusta, ‘Ang mama mo? Okey ba kayong dalawa? Basta huwag mong kakalimutan always have a have a good relationship with your mother.'"

Sa tingin ba ni Lani ay sobrang nahihirapan sina Jolo at Lovi sa pakikipaglaban ng kanilang relasyon?

"Ay, ayoko nang mag-comment!" tawa niya. "Actually, nakikita ko na ano yun, e, yung naglalaban ang damdamin. Pero sabi ko sa kanila, walang magulang na gustong mapasama ang anak. So lahat ng gagawin ninyo is, abide by the rules and regulations of your parents."

Nakarating na ba si Lovi sa bahay nila?

"Nakasama namin siya," sagot ni Lani. "Nung Valentine's Day, nandun siya. Nakasama namin nung Valentine's date. e. Marami kaming nag-date no'n, e. Kasama namin sila. Nanood kami ng show sa Bellview, sa Apo Hiking Society. Silang dalawa ang alam ko ang magkasama, pero may driver or alalay.

Continue reading below ↓

"Ako, babae ako, kako, nadagit din ang puso ko ng isang Revilla. Sabi ko lang, ‘Maganda kang bata. Maganda ang career mo. So as early as 19 years old, gawin mo muna yung gusto mong gawin, pagkaalabalahan mo muna ang career mo. Ako noon, 17, naging boyfriend ko ito [Bong, na nakaupo sa tabi niya]. So ano, career muna. ‘Pag may asawa ka na, marami ka nang restrictions.' ‘Tsaka, sabi ko, hindi mag-iisip ang magulang na ipahamak ang anak niya. So, nakikita mo naman na may malasakit siya. Naano lang siya, hard lang."

Gusto ba niya si Lovi for Jolo?

"Di ba, nung birthday ko nag-announce-announce kami? Kumbaga, ‘yang dalawa, sabi ko, 'Ang ganda ninyong tingnan, pero huwag ninyong bilisan ikako. Patagal pa kayo. Huwag kayong magmadali. Dahan-dahan lang.' Kasi maganda ang takbo ng career ni Lovi. Pagkaabalahan niya ang career niya. Mabait pa na bata. E, si Jolo naman, alam ko kung paano rin magmahal ang batang yun."

Continue reading below ↓

INAH'S PREGNANCY. Kinumusta rin namin kay Lani ang panganay na anak niyang babae na si Inah, na kamakailan din ay nalagay sa gitna ng kontrobersiya.

"Magho-Hong Kong sila sa Friday. May isa ring couple na kasama sila. Foursome sila, ‘tapos baka sina Wena [Rowena Bautista] at si Andeng [Andrea Bautista-Ynares] pupunta. Pero nagkataon lang yun, hindi planado. So, magkikita sila doon. Okey naman sila, adjusting. Medyo nagpre-prepare na ng nursery for the baby.

"Girl [yung baby], pero titingnan pa kasi, di ba, ‘pag girl may pagkakataon na maging boy? Baka kasi naitatago lang o maliit. Kung girl, Alexa Daniela ang name."

Nagkita na ba sila ng pamilya ng son in-law niya, ang ama ni Vince na si Jorge del Rosario, at stepmom nito na si Patricia del Rosario?

"After the wedding, hindi pa," maikling tugon ni Lani.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi porke't 22 years kayo, humihinto na ang growth ninyo as a couple. It's still a work in progress. Hindi ko masasabi na hindi kami mag-iiba or what, basta it's a work in progress. Ang importante, nandiyan ang Panginoon. Kasi may mga bagay na hindi mo akalain na kaya mo, e. Na kaya mong tanggapin at ilaban na nagagawa mo," says Lani Mercado about her marriage with actor-politician Bong Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results