Phillip Salvador prays for the marriage of Kris Aquino and James Yap

by Julie E. Bonifacio
Jun 27, 2008
"Ang gusto ko, maging happy na siya [Kris] nang tuluy-tuloy. And God is very good, like what you said, they're back. Ako, hindi ko alam na may nangyaring ganun. Pero tingnan mo si Lord pa rin ang gumagalaw," says Phillip Salvador about former live-in partner Kris Aquino and her husband James Yap (inset).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Phillip Salvador noong araw mismo na pumutok ang balitang naghiwalay ang ex-live-in partner niya na si Kris Aquino at ang mister nito na si James Yap noong Miyerkules, June 25. Si Phillip ang ama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua.

Gulat ang unang reaksiyon ni Phillip nang kunan namin siya ng reaksiyon.

"Wala akong alam. I always pray for them and huwag naman sana," sabi niya.

Pero natuwa naman ang aktor nang malaman niya na nagkabati na sina Kris at James.

"Well, God is good. Ayaw niya ng sira ang pamilya."

Nalungkot ba si Phillip?

"Siyempre, kasi ang gusto ko, maging happy na siya [Kris] nang tuluy-tuloy. And God is very good, like what you said, they're back. Ako, hindi ko alam na may nangyaring ganun. Pero tingnan mo si Lord pa rin ang gumagalaw.

"Okey na yun. Basta ang gusto ko, maging fruitful sila. That's what I want, maging fruitful sila because she deserves to be happy."

Continue reading below ↓


Sa kasalukuyan ay dumadaan daw ngayon sa marriage counseling sina Kris at James.

"Well, if that will do good for them, okey yun. Basta ako, every day I pray for them. Kami ni Emma [Ledesma, Phillip's wife]."

Hindi raw talaga maiiwasan na dumarating ang problema sa isang mag-asawa.

"Oo, ganun ang buhay may-asawa. There will always be yung tampuhan, yung ganun. Pero ako, I believe kasi when you put God first, He will do the rest. E, kasi si Kris, paladasal," pagtatapos ni Phillip.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang gusto ko, maging happy na siya [Kris] nang tuluy-tuloy. And God is very good, like what you said, they're back. Ako, hindi ko alam na may nangyaring ganun. Pero tingnan mo si Lord pa rin ang gumagalaw," says Phillip Salvador about former live-in partner Kris Aquino and her husband James Yap (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results