Dingdong Dantes on Marian's FHM victory: "She deserves it because she worked hard for it."

Jun 27, 2008
"Siguro naman, alam ng lahat kung sino ang number one talaga. Marian has the number one show ngayon on primetime and she's the hottest leading lady for everybody," says Dingdong Dantes about Dyesebel leading lady Marian Rivera (inset).

Para kay Dingdong Dantes, deserving na maging number one ang leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera sa taunang talaan ng FHM's Sexiest Women in the Philippines.

Nakarating na kay Dingdong ang nangyayaring patutsadahan ng mga fans nina Marian at Angel Locsin dahil sa titulong Philippines' Finest ng FHM. Wala naman daw alam si Dingdong kung ilang boto na ang nakukuha ng dalawa. Pero para sa young actor, mas pipiliin niya si Marian bilang number one.

Isang araw bago itanghal si Marian bilang Philippines' Finest ng FHM ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng Mario D'boro kagabi, June 26, sa Annabel's restaurant. Dito ay inihayag ng young actor ang kanyang opinyon tungkol sa taunang Sexiest Women list ng FHM.

Aniya, "Siguro naman, alam ng lahat kung sino ang number one talaga. Marian has the number one show ngayon on primetime and she's the hottest leading lady for everybody. Marian deserves it because she worked hard for it.

Continue reading below ↓

"Noong magkasama kami for the first time sa Marimar, dama mo na that she really wants things to happen na maganda, lalo na sa career niya. Hindi naman siya nabigo because nangyari nga, and I am very happy for her success.

"Kaya kung siya man ang mahirang na number one sa FHM, hindi na ako magugulat because deserve niya ang position na ‘yon. Marian worked for it and dapat lang siguro na ibigay sa kanya ‘yon," pahayag ni Dingdong.

Sinabi noon ni Marian na kung sakaling siya nga ang tanghaling Philippines' Finest ng FHM, baka pumayag na siya na magpa-cover sa naturang men's magazine. Pero para kay Dingdong, hindi siya pabor na mag-pictorial pa si Marian sa FHM.

"Para lang naman sa akin, huwag na lang sana siyang magpa-cover sa FHM," sabi ni Dingdong. "For me, tama na yung nakikita mo si Marian on TV, movies, and in her commercials. She is sexy as it is. Hindi na niya kailangan pang mag-pose to be sexy. She is sexy enough para ma-appreciate mo.

Continue reading below ↓

"But that is only my opinion," paglilinaw niya. "Nasa sa kanila naman ‘yon if she wants to go and do it. I know naman na lalabas pa rin na maganda si Marian. Sa akin naman, maganda yung may mystery pa rin ang kaseksihan niya sa aming mga lalake."

TV COMMERCIAL WITH MARIAN. Dahil sa pareho sila ni Marian na magkakasunod ang product endorsements, sinabi ni Dingdong na natuloy na rin ang pagsasama nila ni Marian sa isang TV commercial. Na-shoot na raw nila ito at abangan na lang daw ang paglabas nito sa TV, pati na ang mga billboard nila.

"I cannot divulge it, not until nai-launch na," ngiti ni Dingdong. "Natupad na rin ang wish ng marami na magsama kami sa isang product at tiyak na maraming matutuwa. Abangan na lang nila 'yon."

Ang latest endorsement ni Dingdong ay ang Mario D'boro shoes kunsaan kasama niya si Angelica Panganiban. Ito na ang second year ni Dingdong na mag-sign ulit sa Mario D'boro at nagpapasalamat siya dahil nandoon pa rin ang tiwala ng mga may-ari sa kanya para i-promote ang kanilang produkto.
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro naman, alam ng lahat kung sino ang number one talaga. Marian has the number one show ngayon on primetime and she's the hottest leading lady for everybody," says Dingdong Dantes about Dyesebel leading lady Marian Rivera (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results