Lani Mercado speaks up about reported "winking" of Gretchen Barretto at Bong Revilla

Jun 28, 2008
"Pero hindi, in fairness, wala akong nakita. Kung may nakita man ako, ako ang kikindat sa kanya [Gretchen]. Ganun!" says Lani Mercado about a report that Gretchen Barretto winked at her husband, Bong Revilla, at the wake of Rudy Fernandez.

Inaasahan na ng actress-TV host na si Lani Mercado na itatanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ang lumabas na report dito tungkol sa pagkindat-kindat diumano ni Gretchen Barretto sa asawa niya na si Senator Ramon "Bong" Revilla sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

"Ayan na, narinig ko ‘ata ito!" nangingiting bungad ni Lani.

Pero aniya, "Sa totoo lang, wala akong nakita."

Ayon sa kuwento, nakita diumano ni Lani ang pagkindat-kindat ni Gretchen sa mister niya kaya nilapitan niya si Bong bilang babala sa controversial actress, na nagkaroon ng kaugnayan noon sa kanyang asawa.

"Si Ram [bunsong anak nina Lani at Bong] kasi is with us during that night. Talagang nakadikit ang bagets sa akin. Ang memory ko talaga noon, nakatulog siya sa lap ko, so hindi ako makakilos kung saan ako nandun dahil nandun siya. Nakaupo ako. Si Bong, ikut-ikot siya.

"They [Gretchen and company] were seated right in front of me. So they were facing me. Hindi kaya ako ang kinindatan? Joke!" tawa ni Lani.

Continue reading below ↓

"Hindi, kasi nasa harapan ko sila. Baka ako nga ang kinindatan, di kaya?"

Bagong botox daw kasi ang mukha ni Gretchen kaya gusto nitong magpapansin kay Bong. Wala bang plano si Lani na magpa-botox din ng mukha?

"Ay, takot akong magpaturok sa mukha!" tawa niya.

Napansin ba niya na bagong botox si Gretchen?

"Hindi ko alam. Hindi totoong nagpa-botox kasi ngumiti siya."

BONG'S "AGIMAT." Ano feeling na ang lakas pa rin ng sex appeal ng asawa niya sa magagandang babae?

"Wala, e, iba ang ano ng asawa ko...agimat!" tawa niya ulit. "Pero hindi, in fairness, wala akong nakita. Kung may nakita man ako, ako ang kikindat sa kanya [Gretchen]. Ganun!"

Hindi ba siya laging kinakabahan dahil laging ang daming nagkakainteres pa rin sa asawa niya?

"May God bless their soul. Basta ano, kampante na ako kung nasaan na ako. ‘Tsaka tapos na ‘yan. Nagkabati-bati na kami," saad ni Lani.

Pero yung mga babae pa rin ang gustong lumapit kay Bong.

Continue reading below ↓

"Hayaan na lang. Baka ano lang yun, haka-haka.

Kuwento ni Lani, "Actually, nag-uusap kami ng gabing yun, e. Sabi ko nga [kay Gretchen], ‘Did you receive the invitation for the wedding?' Kasi Bong gave me strict instruction to give that invitation, kasi inanak niya si Inah.

"Kasi that was the only time na nagkita kami after the wedding. Sabi ko, ‘Did you receive the invitation? Bakit hindi kayo nag-attend?' Ang sinagot niya sa akin ay isang magandang ngiti. Kaya hindi na ako nagtanong pa," lahad ni Lani.

Tingin ng marami tuloy kay Lani, "winner" talaga siya kay Bong.

"Ano lang kasi, I stand by his word na walang iwanan. Hindi ipagpapalit. Hindi iiwanan."

Mas dapat nga raw mag-alala si Lani kung walang ibang nagkakagusto sa asawa niya.

"Part and parcel na, tanggap ko na. Kahit na hindi senador, kahit hindi si Bong, ultimo hardinero ko nga, dalawa ang asawa, e," nakangiti niyang sabi.

Continue reading below ↓

For sure, may mga nagkakagusto rin kay Lani na ibang lalaki.

"Baka takot. Hindi na aabutin ng umaga!" tawa niya.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero hindi, in fairness, wala akong nakita. Kung may nakita man ako, ako ang kikindat sa kanya [Gretchen]. Ganun!" says Lani Mercado about a report that Gretchen Barretto winked at her husband, Bong Revilla, at the wake of Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results