Angelica Panganiban does not make expectations on boyfriend Derek Ramsay

IMAGE 0


"Hindi ko pa alam. Kasi never siyang pumasok sa isip ko.Kasi yun ang natutunan ko sa kanya [Derek], never mag-expect. Never kamingmagpaplano. So siguro kung dumating yun, hindi ko rin alam kung ano angmagiging pakiramdam ko, di ba?" replies Angelica Panganiban when asked what she would do if boyfriend Derek Ramsay proposed to her.



Natutuwa ang Kapamilya young actress na si AngelicaPanganiban at nabigyan siya ng opportunity na makasama ang prime artist ngGMA-7 na si Dingdong Dantes sa isang endorsement ng Mario D'boro.

"Nakaka-flatter din dahil marami namang puwedeng iba tapos ikaw yung napili.Masayang-masaya ako," bungad ni Angelica sa launching nila ni Dingdong asendorsers of the local shoe brand.

Bago rin ang haircut ni Angelica nang humarap siya sa launching. May kinalamanba si Dingdong sa pagpapagupit niya ng buhok?

"May konti... Hindi, actually, siya ang dahilan kaya ako nag-ribbon!" biro niya.

Hindi ba nate-threaten ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay nangmalaman nito na si Dingdong ang makakasama niya sa Mario D'boro?

"Hindi. Sabi lang niya, ‘Ingat,'" biro ni Angelica.

Kung hindi depression ang dahilan ng bago niyang hairstyle,hindi kaya senyales ito na magpapakasal na siya kay Derek?

"E, ‘pag wedding, dapat mahaba ang hair," sabi naman niAngelica. "Para sa role ko 'to sa Iisa Pa Lamang. Pinili ko talaga namagpagupit para mag-fit sa character na gagawin ko doon."

Ano ang attraction sa kanya ni Dingdong?

"Yung buong pagkatao niya nakaka-attract. Unang-una, yungattitude niya pagdating sa trabaho. Physically naman, yung mata niya," sagot ngyoung actress.

Hindi raw nakita ni Angelica ang billboard ni Dingdong for Bench, kung saan nakasuot siya ng underwear. Pero minsan daw ay nadadaanan niyasa TV yung programa ni Dingdong.

Dagdag niya, "'Tapos minsan may nagkukuwento sa akin."

Nakasama na ni Angelica sa movie na Mano Po 3 ang girlfriendni Dingdong na si Karylle at nag-shooting pa sila mismo sa China. Magkakasama rin sinaDingdong at Angelica bilang endorsers ng Bench underwear. Ano angmasasabi niya sa pictorial ni Dingdong for Bench?

"Sabi ko, class, Taray!"

ZANJOE & MARIEL. Sa isang interview naman ni Mariel Rodriguez sinabi niya naokey lang sa kanya na ma-attract ang rumored boyfriend niya na si Zanjoe Marudokay Angelica. Magkasama ngayon sina Angelica at Zanjoe sa episode ng Your Songsa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya mahal na mahal ko si Mariel," reaksiyon niAngelica. "E, siyempre mabuting kaibigan kami ni Mariel kaya kayang-kayaniyang sabihin yun. E, siguro bilang ganti, ganun na lang din ako sakanya. Kung sakali man, knock on wood, kung may mangyang hindi maganda sa aminat magka-crush siya [Derek], kay Mariel na lang."

Hindi siya masasaktan?

"Hindi, crush lang naman, e. Kaya nga sabi ko, hanggangcrush lang. ‘Tapos kung huwag naman sana,hindi kami magkatuluyan, mas mabuting si Mariel na lang siya magkagusto."

BREAKUP RUMOR. Tamang-tama naman at may lumabas na balitang nag-break nasila ni Derek. Totoo ba ito?

"Hindi ko nga alam, e," sabi ni Angelica. "May nagtanong ngasa akin niyan. Actually, nitong past few months, wala naman kaming pagtatalona, wala kaming kahit na anong nangyari na para bang nag-away kami ornahiwalay kami. Wala kaming isyung ganun, kaya nakakagulat."

Last week ay naglaro sa isang international Frisbeecompetition si Derek, kung saan nanalo ang team ng boyfriend ni Angelica.

"Oo, sa Shanghai.Sinurprise ko siya sa Shanghai.Siyempre, natuwa siya nung sumunod ako sa kanya. First time niya kasingmag-captain ng isang team. Kaya gusto ko talaga siyang suportahan. Kaya nungna-pack-up yung isang taping ko nung Friday [June 20], kumuha ako ng lastflight out papuntang Shangai.

"Dumating ako nung Monday [June 23], 6 a.m. Nauna parin ako kasi may taping ako ng Monday. ‘Tapos dumiretso ako ng trabaho. Siya[Derek], dumating nung Tuesday morning [June 24]," lahad ni Angelica.

Sobra raw kasi ang pagkahilig ni Derek sa Frisbee.

"Ay, sobra! Iniiyakan na niya yun."

Ilang taon na ba sila ni Derek?

"Magtu-two years. Magtu-two years na kaming magkakilala,pero magwa-one year pa lang kami," sabi niya.

Ano ang planonila?

"Hindi pa namin alam," sabi niya. "Pero sana makapag-out of the country kami kungkakayanin ng schedule."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIBERATED SET-UP. Merong nagsasabi na masyadong liberated ang set-up ngrelasyon nila ni Derek. Ano ang comment ni Angelica rito?

"E, masaya kami. Siguro malungkot sila," natatawang sagot ni Angelica.

Kapag nag-propose sa kanya si Derek nang bonggang-bongga, anoang gagawin niya?

"Hindi ko pa alam. Kasi never siyang pumasok sa isip ko.Kasi yun ang natutunan ko sa kanya [Derek], never mag-expect. Never kamingmagpaplano. So siguro kung dumating yun, hindi ko rin alam kung ano angmagiging pakiramdam ko, di ba?" pagtatapos ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN