Dingdong Dantes says he and girlfriend Karylle have not yet discussed their future

Jun 29, 2008
"The future is ano, I think it's nice. Pero mas nakikita ko ngayon na ang future namin talaga kung paano siya magiging successful sa kanyang singing career at ako sa pag-arte. Yun muna ang pinagkakabalahan naming dalawa. We support each other talaga sa respective careers namin," says Dingdong Dantes about girlfriend Karylle.

Aminado si Dingdong Dantes na matagal na niyang gustong makilala nang personal si Angelica Panganiban. Kaya dream come true para sa kanya ang makasama ang young actress mula sa ABS-CBN sa Mario D'boro bilang co-endorser ng naturang local shoe brand.

"Totoo yun!" pagkumpirma ni Dingdong. "Kaya nga nung nagkaroon ng opportunity sa Mario D'boro na magkita kami as endorsers, kung hindi man sa TV matuloy, at least dito, di ba?"

Hindi kaya magselos ang girlfriend niyang si Karylle kay Angelica Panganiban?

"Ano naman yun, given naman na maaring magkaroon talaga ng partner dahil ang sapatos, may pambabae, may panglalaki. So kailangan naman, open dapat sa lahat ng bagay. So definitely, hindi siya problema. Isa nga siyang magandang bagay, e."

Ano ang nakakapag-attract sa kanya kay Angelica?

"Sa akin, buong mukha niya."

Bukod sa pagiging endorsers nila ng Mario D'boro, pareho ring endorsers sina Dingdong at Angelica ng Bench underwear.

"Si Angelica, hindi naman siya kukunin kung hindi siya sexy."

Continue reading below ↓

KISSING SCENE. May kissing scene si Karylle with Christian Bautista sa musical play na West Side Story. Sinabi ni Christian na kakabahan siya dahil hindi pa niya nami-meet nang personal si Dingdong.

"Na-meet na niya ako, e. Baka hindi lang niya naaalala," sabi naman ng young actor.

Sinabi ba sa kanya ni Karylle na may kissing scene sila ni Christian?

"Hindi, pero manonod ako."

Pag-aawayan ba nila ni Karylle ang tungkol dito?

"Hindi, wala yun. Manonood ako," natatawang ulit ni Dingdong.

Isyu ba sa kanila yun ni Karylle?

"Hindi. Ginagawa ko rin naman yun, e."

May limistasyon ba siya kay Karylle?

"Wala, wala. Puwede niyang gawin kung ano ang gusto niyang gawin."

Payag ba siya na mag-pose si Karylle sa FHM?

"Ewan ko, hindi pa naman, e. Kung meron na [offer], ‘tsaka na lang niya ako tanungin. Hindi ko talaga ako makasagot. Pero kung maganda naman ang konsepto, why not?"

Continue reading below ↓

FUTURE PLANS. Kapag tinatanong daw si Karylle about their plans gaya ng engagement at wedding, hindi raw sumasagot ang dalaga.

"Hindi, kasi wala talagang napapag-usapan."

Ano nga ba ang nakikita ni Dingdong sa future nila ni Krylle?

"The future is ano, I think it's nice," sabi ni Dingdong. "Pero mas nakikita ko ngayon na ang future namin talaga kung paano siya magiging successful sa kanyang singing career at ako sa pag-arte. Yun muna ang pinagkakabalahan naming dalawa. We support each other talaga sa respective career namin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The future is ano, I think it's nice. Pero mas nakikita ko ngayon na ang future namin talaga kung paano siya magiging successful sa kanyang singing career at ako sa pag-arte. Yun muna ang pinagkakabalahan naming dalawa. We support each other talaga sa respective careers namin," says Dingdong Dantes about girlfriend Karylle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results