Sunshine Cruz to her detractors: "Hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na makita kaming magkahiwalay ni Buboy."

IMAGE 0


"Ako pa rin naman ang asawa niya, at kung uuwian niya ako, well, yun lang ang dapat. I see nothing wrong with that. Ang gusto lang namin ay tahimik na buhay kaya doon sa mga gustong manggulo, please lang, tigilan na nila kami," says Sunshine Cruz about husband Cesar Montano.


May magandang epekto sa mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz ang most recent controversies sa buhay nila. Masayang ibinalita ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na lalong tumindi ang suporta niya sa asawa niya dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya sa mga kaanak nito na nakikisawsaw diumano sa kanilang mga problema.

"Ngayon ko napatunayan na may mga tao talagang gusto kaming papaghiwalayin. Kung magpapatalo kami sa mga taong ito, kami rin ang magsa-suffer," sabi ni Sunshine.

Sa mga komentong nababasa ni Sunshine dito sa PEP, naa-analyze niya ang puno't dulo ng lahat.

"Puwes, hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na makita kaming magkahiwalay ni Buboy [palayaw ni Cesar]. Well, ngayon ay nagsasama na uli kami. Unti-unti, nakakapag-adjust kami, at naa-appreciate ko naman ang pagtatanggol ni Buboy sa akin, at pagpapatunay na mahal pa rin niya ang aming pamilya.

"Yun lang naman ang ipinaglalaban ko. And this time, ang problema ay hindi na sa amin ni Buboy talaga kung hindi doon sa ibang tao na kung mananahimik lang ako, e, talagang wala na silang aatupagin kung hindi ang guluhin ang aming pagsasama," diretsahang pahayag ni Sunshine.

CESAR VS. HIS FAMILY. From a reliable source, nalaman naming "kinukuyog" umano ng mga kamag-anakan ni Cesar ang aktor dahil sa hayagan niyang pagsasabi na kasinungalingan ang ipinagkakalat ng kapatid niyang si Mercedes Cantu.

Somebody told us na narindi na diumano si Cesar sa situwayson kaya naghamon na ito ng away sa mga kapatid niyang tutol sa ginawa niyang pagdedepensa sa kanyang misis.

"Naku, I don't want to comment about that!" bulalas niya. "Basta kami ni Buboy, nagsusuportahan kami pagdating sa bagay na ito. Kung anuman ang naging differences namin in the past, unti-unti naming inaayos yun.

"Ako pa rin naman ang asawa niya, at kung uuwian niya ako, well, yun lang ang dapat. I see nothing wrong with that. Ang gusto lang namin ay tahimik na buhay kaya doon sa mga gustong manggulo, please lang, tigilan na nila kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUING A COLUMNIST. Nagiging kumplikado na ang plot dahil napabalitang idinemanda ni Sunshine ang kolumnista na si Jojo Gabinete ng libel dahil sa isinulat nitong artikulo sa isang malaganap na tabloid na mas pumapabor sa mga ipinahayag ng kapatid ni Buboy, na lumalabas na paninira sa aktres.

"Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan. Nakipag-usap naman ako sa kanila, pero ang nangyari kasi, nakita ko ang point ng lawyer ko [Atty. Bonifacio Alentajan], na kung pababayaan kong ganoon, na magbigay sila ng opinyon nila na parang pinalalabas pang totoo ang mga paninira sa akin, para ano pa't inihabla ko ng libel din ang aking sister-in-law, di ba?

"Hindi naman ako namemersonal. Ang sa akin lang, naiintindihan ko ang point ng lawyer ko dahil gusto niya akong matulungan sa kaso ko. Kung palalabasin pa ring totoo ang mga ikinakalat na kasiraan sa akin, lalo na't walang basehan, dapat lang siguro that I make a move," paliwanag ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN