Ryan Agoncillo's manager speaks up about the TV host's engagement to Judy Ann Santos

Jun 29, 2008
"Masaya ako na seryoso sila sa relasyon. Sinabi naman nila from the start na hindi sila naglalaro. So all their plans now are geared towards a permanent relationship and a life together," says Noel Ferrer about the engagement of his talent, Ryan Agoncillo, with Judy Ann Santos.

By this time, maaaring dumating na ang magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo galing sa humigit-kumulang na isang buwang bakasyon sa Europe. Kinumpirma naman ito ng manager ni Ryan na si Noel Ferrer sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kinuha namin ang stand ni Noel sa marriage proposal ni Ryan kay Judy Ann.

"Any serious relationship ought to go there," umpisa niya. "Masaya ako na seryoso sila sa relasyon. Sinabi naman nila from the start na hindi sila naglalaro. So all their plans now are geared towards a permanent relationship and a life together. Umpisa pa lang naman ‘yan, e, yung proposal. They have to secure their future, build a house, ganyan. Tama naman na they won't get into marriage unless they're really ready emotionally, spiritually, financially."

Ano na ang mangyayari sa career ni Ryan?

"Tuloy naman," sagot ng talent manager. "Well, now, I think he's going to do Pieta. He's supposed to host a game show or some show in ABS-CBN also. He's committed to those things. Sana nga, Fear Factor na. Kung mawala yung PDA [Pinoy Dream Academy] sana yung Fear Factor na."

Continue reading below ↓

Tuloy pa rin daw si Ryan sa Kapamilya network kahit na balitang may tampo si Judy Ann sa ABS-CBN.

"Hiwalay naman yung career nila to start with," paglilinaw ni Noel. "Judy Ann has an established career as an actress and, as we all know, Ryan's career gears into hosting talaga. May mga commitments sila separately sa work, and they can work together at the same time. But I don't think kailangang mag-bog down si Juday ng kahit na anong plano ni Ryan.

"In the same way, parang si Ryan din can move on doing some other things. While they will have projects together for Regal sa pelikula, individually ‘ata I think Juday is doing a nurserye, Ryan si doing Pieta. Ito talaga, sana mabalik si Ryan as a host. Yun ang competency niya. He's a host first bago siya naging artrista."

SIDETRIP TO AMSTERDAM. Pinangatawanan ni Noel na nagpunta lang sa Amsterdam si Ryan to meet his parents. Pero si Ryan na lang daw ang magsasalita about that.

Continue reading below ↓

"Siya na lang. Napaka-personal para sagutin ko. Doon kasi sila, e. Yun ang pinakamalapit na i-meet. Kasama naman niya si Ga [Dante Garcia, kaibigan ni Judy Ann] doon. Pagpasok mo ng Europe, yun yung unang gateway. Yun ang pinakamadaling ipag-meet.

"After Juday's commitment, they met up and then continued with their trip. Pero yun nga, inayos muna. He has to fix some things there. Kasama niya si Ga. Ay, yung sinasabing hiwalay sila, no, no..." paglilinaw ni Noel tungkol sa lumabas na balita.

Nabanggit din noon ni Noel na may mga importanteng dokumento rin si Ryan na kailangang ibigay sa kanyang mga magulang noong nakipagkita siya sa Amsterdam. Duda tuloy ng iba, ito ay may kinalaman sa pagpapakasal nila ni Judy Ann sa Europe.

"Ay, siguro kung marriage yun, kasama si Juday, di ba?" reaksiyon naman ni Noel. "It's really more of family emergency on Ryan's part, totoo yun. But they're really coming home together."

Continue reading below ↓

THE MARRIAGE PROPOSAL. Hindi ba siya nagtampo tulad ng manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo dahil wala silang kaalam-alam sa proposal ni Ryan kay Juday?

"Kahit hindi ako kasama doon sa party... Nung nabasa ko at nalaman parang we were just happy for them. I think Tito Alfie and I met after at nalaman na lang namin, ‘Ah, yun pala.' Ako kasi, matanda na sila [Ryan and Juday]."

Nabasa na lang ba niya ang tungkol sa proposal?

"Ah, hindi. Ako naman, I think, paano ba? I knew before they left. Because they were asking already for the YES! interview. Yun nga, kung may alam ako di sana nagpa-interview na ako sa YES!"

Nangyari ang YES! magazine interview before they told you?

"I think they had that interview bago sila umalis," sabi ni Noel. "Ako naman, ang feeling ko, parang ako yung nagdetalye ng ganun. I didn't want to know anymore, let them talk. At lalo na kunwari kapag tinatanong ako, I'd rather let them talk. Kaya pinakamaganda, marinig sa kanila. Kaya nga nung tinanong ako, ‘Totoo ba yung ano?' Naku, hintayin natin sila sa kanilang pagbabalik."

Continue reading below ↓

Paano kung totoo na ikinasal na sa Europe sina Ryan at Judy Ann?

"Ay, ako naman, they're of age," sagot ni Noel. "Pero I don't think so. Marami pang paghahanda. And I think they would want their family members to be there. The people close to them to be there too—Tito Alfie, Mommy Carol [Santos, Juday's mom], and the parents of Ryan."

Puwede naman nauna na ang civil wedding sa Europe at dito na sa Manila ang church wedding, di ba?

"Hindi ko alam. I don't think they're up to it. Ako, yun ang pagkakakilala ko sa kanila. If ever they do it, they are of age. Pero I don't think it happened this trip."

Balita na sunud-sunuran na lang daw ngayon si Judy Ann sa mga desisyon ni Ryan. Totoo ba ito?

"Let's give Juday more credit than that. I think she turned thirty already and even before, she had a mind of her own. Parang hindi lang siguro naha-highlight masyado. But she has her own mind and matalino si Juday," pagtatanggol ni Noel.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masaya ako na seryoso sila sa relasyon. Sinabi naman nila from the start na hindi sila naglalaro. So all their plans now are geared towards a permanent relationship and a life together," says Noel Ferrer about the engagement of his talent, Ryan Agoncillo, with Judy Ann Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results