Anne Curtis denies Sam Milby and Luis Manzano are fighting over her

IMAGE 0


"Wala naman, ah. Si Luis, mayroon na ‘yang love life. Ijust don't want to comment, kasi, personal na niya 'yan. Kasi, kahit ganoon,may kanya-kanya kaming buhay ni Manzano, hindi na matatanggal yung closeness na'yan. Sobrang understanding si Sam pagdating diyan. Walang basehan parapagselosan pa 'yan ni Sam," says Anne Curtis when asked if "Diyosa"leading men Sam Milby and Luis Manzano are indeed fighting over her.



Sa set ng latest fantaserye ng ABS-CBN na Dyosa, tampulan ng tukso angbida ritong si Anne Curtis dahil nga sa parang pinag-aagawan siya—maski in reallife—ng dalawa sa tatlong leading men niya ritong sina LuisManzano at Sam Milby. Ang isa pang leading man ditong si Zanjoe Marudoay nali-link na kay Mariel Rodriguez.

SAM VS. LUIS. Napapangiti si Anne kapag natatanong sakanya ang anggulong may kinalaman kina Sam at Luis na parang nahulaan namingmay nagaganap ngang agawan ng atensiyon sa kanya sa taping ng nabanggit nafantaseryeng dinidirek ni Wenn Deramas.

"Wala naman, ah," sabi pa ni Anne. "Si Luis,mayroon na ‘yang love life. I just don't want to comment, kasi, personal naniya 'yan.

"Kasi, kahit ganoon, may kanya-kanya kaming buhay niManzano, hindi na matatanggal yung closeness na 'yan. Malalim talaga. Kunganuman yung sa amin ni Manzano, sa amin na lang talaga yun, and it will remain.

"At saka wala namang epekto yun doon sa closeness naminni Sam. Sobrang understanding si Sam pagdating diyan. Walang basehan parapagselosan pa 'yan ni Sam," pahayag pa ng young actress.

LUIS AND ANGEL. Parang may alam na kasi si Annetungkol sa namamagitan naman kina Angel Locsin at Luis. Mukhang happy si Annesa anggulong ito.

"Kung mayroon man," nangingiting banggit pa niAnne, "hindi ko alam, pero walang dahilan para hindi ako mag-agree. Kasi,ibig sabihin, masaya na si Luis, and he has finally found someone, for thelongest time.

"We all know kung gaano siya katagal na naghihintay forsomeone, 'di ba? Para malaman natin na mayroon na nga, kung mayroon man, weshould all be happy," at lalong natawa si Anne sa kanyang nasabi.

Natawa lang si Anne nang sabihin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na kaya namannag-decide na si Luis ng ganoon ay sa dahilang parang gumawa na rin ng sariliniyang desisyon at choice si Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang ganyanan," natatawang pahayag niAnne. "Hindi ganoon yun. Walang issue between Sam and Manzano over me.Nag-uusap sila."

JUST THANKFUL. Sobrang atensyon ang ibinibigay ngABS-CBN kay Anne, considering the fact na isa siya sa tuluyang binigyan ngsariling teleserye o fantaserye na siya mismo ang magdadala.

"May ganoon? Naku, I'm just thankful that they gave methis project. Fulfilling, kasi, it's such a big project. What more can I askfor? Wala akong karapatang magreklamo.

"Nagsisimula pa lang ako, nagdarasal na ako para saganitong opportunities. Ngayong dumating na, wala na akong dapat pang gawin kunghindi ang magpasalamat.

"Noon, nagwi-wish ako na mayroon sana akong ganito, oganyan. 'Tapos, 'pag ibinigay na , ang tendency, mapapagod ka. Which is wrong.I can't even put into words how thankful I am sa blessing, at sa atensiyon naibinibigay ng ABS-CBN sa akin. Sana, hindi ko sila mabigo, and I'm doing mybest," banggit niya.

"DIYOSA!" Higit sa lahat, tinatawag na siya ngpubliko bilang "Diyosa", and this is music to her ears.

"Grabe! Ang mga bakla, lalapit sa akin, ang ganda-gandako raw talaga. Isa akong diyosa. Mga ganoon! Siyempre, nakakataba ng puso!

"Fulfilling! Imagine, tawagin ka ba namang 'Diyosa',sino ang may ayaw?" kuwento pa ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN