Manny Pacquiao expresses desire to help recent typhoon victims

IMAGE 0


"Sa ngayon, bakasyon muna. Uuwi muna ko diyan sa Pilipinas. Gusto ko ngang madalaw kaagad yung mganaapektuhan ng bagyo [Frank]. Mga kababayan kong Filipino...Gusto ko silangmadalaw at kahit paano, napasaya ko sila ngayon at nabawasan ang kalungkutannila. Nangangailangan sila ng tulong at kahit paano, gagawa ako ng paraan paramakatulong naman sa kanila kahit konti," says new WBC Lightweight ChampionManny "Pacman" Pacquiao.



Ilang oras matapos ang WBC Lightweight Championship fight niManny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., nakausap naman siya sa ShowbizCentral via phone patch ni John "Sweet" Lapus. Binati agad ni John angpambansang kamao na kampeon naman ngayon sa panibagong weight division ngboxing. Ani John, ipinagmamalaki na namang muli ng buong bansa angpagkapanalo ni Manny.

Dinig through phone ang magulo at maingay na background niManny na maaaring nang mga oras na yun ay nasa kalagitnaan ng victory party saVegas.

Pasasalamat ang unang binitiwang salita ni Manny. Aniya,"Maraming-maraming salamat sa walang sawang pagsuporta n'yo. Kung hindirin dahil sa inyo at sa mahal na Panginoon, hindi rin ako makakaabot saganitong kinalalagyan ko."

CELEBS CHEERING FOR PACMAN. Diniretso na ni Sweet angtanong kay Manny, saan nga ba excited ang boxer from General Santos City, sapagkakaagaw ng korona mula sa Mehikanong si David Diaz o sa katotohanang siyaang kauna-unahang Asyanong boksingero na mayroong apat na titulo samagkakaibang weight division?

"Lahat excited ako ako!" masayang tugon naman ni Manny."Excited ako dahil ako ang kauna-unahang Asian na nag-capture ng apat nabelt. At excited din ako dahil naimbitahan ko ang buong [Boston] Celticsteam over my fight tonight."

Natatawang inamin ni Manny na idol daw niya ang Celtics peroayon kay John, idol naman daw siya ng mga ito pagdating sa boxing dahilbalitang nagpapa-picture daw ang mga ito kay Manny.

"Masaya ako, kumpleto yung ano ko...habang-buhay,magpapasalamat ako sa Mahal na Panginoon."

Ibinalita rin ni John na maging si Mike Tyson, ang formerworld heavyweight boxing champion, daw ay nagtsi-cheer for him. Hindi naman dawito nakita ni Manny dahil sa dami na rin ng tao sa audience.

STRATEGY. Animo boxing analyst, nabanggit din habanginiinterbyu ni John si Manny ang strategy na ginamit ni Pambansang Kamao paramatalo ang 1996 Olympian na si David Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Manny, turo raw ng kanyangcoach na distansiya muna siya sa 1st and 2nd round. Pasoknaman ni Sweet, kapasin-pansin na from 3rd to 9th rounday sinunod-sunod na ni Manny si Diaz.

Tinanong din ni Sweet kung part din daw ba ng strategy niManny yung pagkakagamit niya ng kanang kamao. Kilalang kaliwete kasi si Manny.Dahil sa pangyayaring yun, sinabi ni Sweet kay Manny na marami ang nasurpresa sa kanya.

"Maraming-maraming salamat, talagang pinaghirapan ko angtraining. Nagsakripisyo ako sa training. Talagang focused ako sa training kayamaganda yung naipakita ko ngayong gabi na ito. At awa ng Diyos, nabigyanako ng malakas na katawan."

FOR THE FILIPINOS. After this fight, wala pa namandaw nakaplano kay Manny kung anong division ang susunod niyang lalabanan atkung sino naman ang bago niyang kakalabanin.

Aniya, "Sa ngayon, bakasyon muna. Uuwi muna ko diyan sa Pilipinas. Gusto ko ngang madalaw kaagad yung mganaapektuhan ng bagyo [Frank]. Mga kababayan kong Filipino...Gusto ko silangmadalaw at kahit paano, napasaya ko sila ngayon at nabawasan ang kalungkutannila. Pero gusto ko talaga silang puntahan at kamustahin pagdating ko."

Dugtong pa niya, "Kawawa naman sila. Nangangailangan sila ngtulong at kahit paano, gagawa ako ng paraan para makatulong naman sa kanilakahit konti. Ang laban na ito, iniaalay ko naman sa kanila at salamat saDiyos at narinig Niya ang mensahe ko."

Sa huli, nagpasalamat nga si Manny sa mga kapwa niyaFilipino.

"Maraming-maraming salamat sa mga kababayan ko nawalang sawang sumusuporta at nagdarasal para sa laban ko. Lalung-lalo nangayong gabi na napanalo ko ang laban. Nakagawa na naman ako ng history sabuong Asia at sa Pilipinas. Ang tagumpay ko, tagumpay nating lahat. Masaya ‘ko.Kung hindi dahil sa mga fans ko at sa mahal na Panginoon, walang MannyPacquiao, hindi ako magiging ganito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Manny, July 2 ang alis niya from Las Vegas pauwi ngbansa. Siguradong another hero's welcome na naman ang magaganap sa pagdating sabansa ng Pambansang Kamao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN