Jinkee Pacquiao says Pacman not retiring soon

by Rose Garcia
Jun 30, 2008
"Nasa sa kanya naman yun. Pero, noong mag-usap kami, siguro raw mga dalawang fights pa. Kasi, ito naman talaga ang dream niya sa lightweight, ang maging champion ulit. Gusto lang din niyang makalaban si [Ricky] Hatton, yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwede na siyang magpahinga. Pero nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang gusto niya," says Jinkee Pacquiao.

Bago nakausap ni John "Sweet" Lapus ang bagong lightweight champion na si Manny "Pacman" Pacquiao sa Showbiz Central, nainterbyu muna via phone patch ni John ang misis ni Manny na si Jinkee.

Hindi maikukubli ang kaligayahan ni Jinkee sa tinamo na namang tagumpay ng asawa. Aniya, "Siyempre, proud na proud ako sa asawa ko, kasi, hindi ako makapaniwala na nakamit na naman niya ito. Thank God, dahil ang bait-bait talaga ng Diyos sa amin at ibinigay na naman niya ito sa amin."

MANNY'S DREAM. Susog naman ni Sweet, ito na raw yata ang pinakamahalagang laban ni Manny dahil inagaw nito kay David Diaz ang titulong lightweight champion of the world. Tinanong ni Sweet si Jinkee kung gaano nga ba kaimportante kay Manny ang laban na ito, was it because dahil sa kagustuhan ni Manny na maagaw kay David ang titulo or dahil sa gusto lang niya talaga na makamit ang title sa apat na weight divisions?

Continue reading below ↓

"Yeah, ito talaga ang pinapangarap niya, na manalo siya ngayon dito at makuha niya ang pang-apat na belt at maging champion ulit. Kasi, siya ang first Asian na nakakuha ng apat na belt. At saka, number one na pound for pound."

Natawa si Jinkee nang sabihin ni John na dahil sa laban ni Manny, nawalan na naman daw ng traffic sa buong Kamaynilaan dahil halos lahat nga kasi ay nakatutok sa laban nito with Diaz.

FOCUSED MANNY. Tinanong din ni John si Jinkee kung may ideya ba ito tungkol sa ipinamalas ni Manny na bagong estilo ng pakikipag-boxing against Diaz. Halos puro kanan na kamao daw kasi ang ginamit this time ni Manny.

Sagot ni Jinkee, "Ako naman, pagdating sa laban ni Manny, alam ko naman na kayang-kaya niya dahil puspusan ang pag-eensanyo niya at hindi ako magtataka na mananalo siya ulit. Pagdating sa training, talagang focused si Manny at concentrate talaga siya. Kaya ako naman, panatag talaga ang loob ko na mananalo talaga siya."

Continue reading below ↓

Although, aminado rin ang misis ni Manny na kahit sa anong laban naman daw ng asawa niya, hindi maaaring mawala ang kaba. "Oo, eh, hindi talaga mawawala yun lalo na kapag nag-start na ang laban."

Nasabi ni John na ang observation daw niya, ang laki ng katawan ni Diaz. Sagot naman ni Jinkee, "Malaki lang ang katawan, pero hindi magaling. Sa first round pa nga lang, akala ko nga, hanggang five rounds lang. Pero matibay rin. Pero, hindi naman talaga siya magaling."

RETIREMENT? Nakaapat na titulo na nga si Manny. Kaya naman naitanong ni Sweet kay Jinkee kung may plano pa bang lumaban si Manny o magre-retire na ito?

"Nasa sa kanya naman yun. Pero, noong mag-usap kami, siguro raw mga dalawang fights pa. Kasi, ito naman talaga ang dream niya sa lightweight, ang maging champion ulit. Gusto lang din niyang makalaban si [Ricky] Hatton, yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwede na siyang magpahinga. Pero nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang gusto niya."

Continue reading below ↓

Si Ricky Hatton ang current International Boxing Organization (IBO) Light Welterweight Champion.

Bilang asawa, nandoon lang naman daw siya palagi kay Manny para magbigay ng moral support.

Sa huli, hiningan ni John si Jinkee ng kanyang mensahe naman para sa mga kababayan nilang Filipino na nanood at nagdasal para sa pagkapanalong muli ni Manny.

Aniya, "Sa lahat po ng mga Kapuso, mga kababayan nating Filipino, nagpapasalamat po kami sa dasal n'yo. At sana, patuloy pa rin nating suportahan at ipagdasal si Manny para sa tagumpay niya. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nasa sa kanya naman yun. Pero, noong mag-usap kami, siguro raw mga dalawang fights pa. Kasi, ito naman talaga ang dream niya sa lightweight, ang maging champion ulit. Gusto lang din niyang makalaban si [Ricky] Hatton, yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwede na siyang magpahinga. Pero nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang gusto niya," says Jinkee Pacquiao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results