Pouring of emotions and resolved issues happen at 24th Star Awards for Movies

Jun 30, 2008
(Top row) Ai-Ai delas Alas and Paolo Contis bag the Movie Actress of the Year and Movie Actor of the Year, respectively. Eugene Domingo (Bottom, left) told the press that her repoted rift with ABS-CBN director Wenn Deramas is not tru, while Ara Mina revealed that her spat with sis Cristine Reyes had been settled. All these happen during the 24th Star Awards for Movies.

Very emotional ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas nang tanggapin niya ang kanyang Movie Actress of the Year trophy sa 24th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para sa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo.

"Pag may intriga, may prize. Prize ko ‘to! Si God talaga parating balance sa buhay. ‘Pag nalulungkot ako, pinapasaya niya ako. Thank you, God," pahayag ni Ai-Ai sa The Buzz kahapon, June 29, Linggo.

Ibinahagi rin ni Paolo Contis ang kanyang damdamin sa The Buzz tungkol sa kanyang pagkakapanalo bilang Movie Actor of the Year para sa pelikulang Banal.

"Masaya, masaya. Karamihan ng awards nakuha ng ano, e, One More Chance. E, feeling ko wala na talaga, e. Pero buti na lang pumunta ako. Buti na lang naghintay ako. I'm very thankful now," lahad ni Paolo.

Sa gabi ng parangal ng 24th Star Awards for Movies na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University, Quezon City, ilang isyu ng tampuhan ang natuldukan din sa pagitan ng ilang artista. Una, ang tampuhan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes dahil diumano kay Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

"After i-air yung sa The Buzz yung text ko, napanood niya. She texted me, then she called. Sabi niya, ‘I'm sorry, and alam mo naman ako, mahal ko yung kapatid ko. Walang kinalaman si Dennis [sa tampuhan namin]. Out sa picture si Dennis."

Nagsalita rin si Giselle Sanchez na isa sa mga presenters that night tungkol sa tampuhan nila ng manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo.

"Nung kinoment ko yun, I was just very happy for them. Pero naintindihan naman ako ni Tito Alfie. Love na love ako nun."

Nilinaw din ng Movie Supporting Actress na si Eugene Domingo na nanalo sa pelikulang Pisay ang balitang nagkatampuhan sila ni Direk Wenn Deramas dahil sa paglipat niya sa GMA-7.

"Wala kaming tampuhan. Nilulutuan niya ako ng macaroni, magtatampo pa ba ako? ‘Eto nga yung macaroni, nasa ulo ko," biro ni Eugene.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top row) Ai-Ai delas Alas and Paolo Contis bag the Movie Actress of the Year and Movie Actor of the Year, respectively. Eugene Domingo (Bottom, left) told the press that her repoted rift with ABS-CBN director Wenn Deramas is not tru, while Ara Mina revealed that her spat with sis Cristine Reyes had been settled. All these happen during the 24th Star Awards for Movies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results