Bea Alonzo refuses to answer questions about rumored boyfriend Jake Cuenca

IMAGE 0


"Wala pa, wala pang special someone. Maraming friends andI'm enjoying it. Ang dami-daming nangyayaring bago sa buhay ko ngayon. Angdami-dami kong natutunan," declares ni Bea Alonzo when asked about her lovelife.



Certified singer na ngayon ang Box-Office Queen na si BeaAlonzo.

Nakausap ng The Buzz si Bea Alonzo sa shoot ngkanyang first music video para sa newly-released album niyang Bea Alonzo: TheReal Me.

Kasabay nito, maraming nakakapansin na blooming siya these days. May kinalaman ba rito si Jake Cuenca.

"Wala pa, wala pang special someone. Maraming friends andI'm enjoying it. Ang dami-daming nangyayaring bago sa buhay ko ngayon. Angdami-dami kong natutunan," lahad ni Bea.

Pero maugong ang balita na sila na ni Jake. Ang nasabing Coverboys member din ang isa sa matunog na pangalan na umaalingawngawna gaganap bilang si Armando sa I Love Betty La Fea , napagbibidahan ni Bea.

Nung tinanong na kay Bea si Jake, tumanggi namang magsalita ang Box-OfficeQueen tungkol sa kanila ni Jake.

"Huwag ninyo na akong tanungin niyan," pakiusap niya sa TheBuzz.

"Tama na. Di ba album ‘to? I'm happy and I'm single.Very, very single."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN