PEP EXCLUSIVE: Pokwang promises to refrain from spoofing Richard and Raymond Gutierrez

IMAGE 0


Pokwang humbly issued a public apology to Annabelle Rama andto the entire Gutierrez family, who were reportedly turned off by Pokwang’sspoofing of Richard and Raymond (inset) during a recent show at the Music Museum.



Kagabi, June 29, sa 16th anniversary ball ngStar Magic na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel ay personal na nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang comedienne na si Pokwang.

Tinanong agad namin si Pokwang kung ano ang reaksiyon niya sa mgasinabi ni Annabelle Rama laban sa kanya. Matatandaang pinagsabihanni Annabelle si Pokwang dahil hindi raw nagustuhan ng pamilya Gutierrez angginawang pang-i-ispoof nito kina Richard at Raymond sa show ng comedienne, na kasama si Pooh.

"Ako naman kay Pokwang, okay naman na ilang years mo naakong ginagaya. Natutuwa ako at least ginagaya mo ako. Pero ako na lang. Huwagmo nang pakialaman ang mga anak ko, sina Richard and Raymond," matapang napakiusap ni Annabelle sa komedyante.

"Kasi ako talaga, basta anak ko ang na-involve, nag-iibatalaga ako. Kasi nananahimik yung mga bata. Nananahimik sila, nagtatrabaho,tapos bababuyin? Ayoko ng ganun. Hayaan mo na akong babuyin, okey lang sa akin.Matatanggap ko lahat ‘yan," dagdag pa ni Annabelle nang makausap ng PEP noong June 18.

NO MORE SPOOFING. Aminado si Pokwang na nalungkotsiya nang malaman niya na na-offend ang pamilya Gutierrez sa ginawa niyang spoofsa kambal.

"Wala na ‘yon, okay na ‘yon," sabi naman ni Pokwang nangkumustahin namin ito matapos ang insidente.

Bagamat hindi pa niya nakakausap nang personal si Annabelleay humingi naman na raw siya ng public apology sa pamilya Gutierrez saisang interview kamakailan.

"Siyempre naman, e, alam naman natin kung paano magalit siTita Annabelle," sambit ng komedyante nang tanungin kung nakaramdam din ba siyang kahit konting takot nang malamang galit sa kanya ang matapang na Gutierrezmatriarch.

Patuloy niya, "Pero okay na ‘yon. Humihingi po ako ulit ng pasensiya kayTita Annabelle at kay Richard at Raymond kung nasaktan man sila sa pagku-comedyko. Hindi ko talaga sinasadya.

"Alam n'yo naman din sa trabaho namin, kasamakasi sa pagpapatawa 'yong nang-i-ispoof kami ng artista. Siyempre, ini-exaggerate namin pero ayaw naman din namin talagang nakakasakit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may plano pa ba siyang i-spoof sina Richard and Raymond samga upcoming shows niya?

"Ay hindi na," ngiti ni Pokwang, "hindi na talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN