Ara Mina confirms peace with sister Cristine Reyes

Jun 30, 2008
"Ako talaga, ayoko na talagang palakihin yung issue kasi parang away-bati, away-bati na lang yung nangyayari sa amin. Nakakapagod na," says Ara Mina about her rocky relationship with sister Cristine Reyes.

Pagkatapos ng unang tampuhan at pagkakabati na namagitan sa magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes, nasundan uli ito ng panibagong tampuhan. Malaking palaisipan sa lahat kung anong dahilan ng bagong tampuhan ng magkapatid. Wala rin namang gustong magsalita sa dalawa kung ano talaga ang ugat ng kanilang pagtatampuhan.

Samu't saring ispekulasyon ang lumabas tungkol sa kanilang pagkakagalit. Isa na rito ang patuloy na pakikipagmabutihan umano ni Cristine sa aktor na si Dennis Trillo, na diumano'y inaayawan ni Ara para kay Cristine.

PEACE AGAIN. Pero kasabihan nang "Blood is thicker than water." Patunay nito ang pagkakaayos kamakailan ng magkapatid, as confirmed by Ara herself, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang 24th Star Awards for Movies na ginanap sa Ateneo De Manila University's Henry Lee Irwin Theater.

Ayon kay Ara, dalawang linggo na raw ang nakalilipas nang magkabati sila ng nakababatang kapatid.

"Okey na kami ni Cristine. Ayoko nang mag-expect na gagawa siya ng move. Na-touch yata siya sa text message na pinadala ko sa The Buzz. Right after that, she texted me and then she called me. Parang wala na akong choice kundi sagutin. Hindi ko alam ang magiging reaction ko, she said sorry, and...alam mo naman, na mahal ko ang kapatid ko.

Continue reading below ↓

"Ako talaga, ayoko na talagang palakihin yung issue kasi parang away-bati, away-bati na lang yung nangyayari sa amin. Nakakapagod na."

Nang tanungin ng PEP kung ano ba ang naging takbo ng pag-uusap nila ni Cristine, heto ang senaryong kinuwento ni Ara.

"Kinumusta niya kung ano raw ang latest sa akin. Sabi ko, heto okey lang. Tinanong niya ako kung ano raw ang ginagawa ko nung araw na yun. Sabi ko, nandito lang sa bahay, nagpapahinga. Actually, di pa kami nagkikita ni Cristine."

NO ISSUE WITH DENNIS. May isyu umano si Ara kay Dennis. Ito nga ang itinuturong isa sa dahilan ng tampuhan ng magkapatid. Inamin kasi mismo ni Cristine na lumalabas pa rin sila paminsan-minsan ng actor na isang binatang ama. Nagbigay-linaw naman si Ara hinggil sa isyung ayaw niya raw kay Dennis for Cristine.

"Hindi, out sa picture si Dennis. Sa akin wala namang masama doon. Kung ako nga, nakakasama ko pa sa TV show yung ex ko, di ba? There's nothing wrong with that. At least, friends sila, pero yung tipong pag-ibig o love life, di na ako nakikialam diyan mula nang mag-away kami before. Kumbaga ayokong pakialaman yung personal life niya."

Continue reading below ↓

CO-MANAGER. Nung pumirma si Cristine ng kontrata sa ABS, kasama nito si Ara kung saan inamin niya na ang nakakatandang kapatid ang tumatayo niyang manager. Pero recently, pumirma sa Viva si Cristine at ang mismong Vic del Rosario-owned movie company na ang manager o humahawak ng career sa ngayon ng young actress. Pero sa kabila nito, co-manager pa rin ni Cristine si Ara .

"Yeah, co-manager pa rin niya ako, pero ‘pag may mga bookings, rakets, pino-forward ko na kay Veronique [del Rosario, Viva Artists Agency head]. Mahirap kasi ‘pag manager ka, ‘tapos kapatid mo pa. Nagkakaroon ng conflict kasi mayroon siyang mga gusto o mayroon akong mga gusto na ayaw niya, kasi siyempre di naman kami pareho ng ugali. Di parehas ang pananaw namin pagdating sa work, magkaiba kami kahit magkapatid kami."

Sa paulit-ulit na tampuhan nila ng kapatid na si Cristine, may natutunan na raw si Ara sa mga nangyari.

Continue reading below ↓

"Siguro minsan, ayoko nang maging masyadong mabait."

Sa ngayon ay regular na napapanood si Ara sa sineseryeng Ligaw na Bulaklak ng ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako talaga, ayoko na talagang palakihin yung issue kasi parang away-bati, away-bati na lang yung nangyayari sa amin. Nakakapagod na," says Ara Mina about her rocky relationship with sister Cristine Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results