Ruffa Gutierrez on Yilmaz Bektas: "I will always love him."

IMAGE 0


"Para akong widow, kapagnamatayan ka, matagal bago mag-heal. Iiyak ka, you know, parang magiging galitka minsan. Mahaba yung process. Sabi ko nga kay Yilmaz, ‘Let's just pretend I'm one widow. Mahal kita, pero hindikita makakasama, hindi kita puwedeng makapiling," says Ruffa Gutierrez.



Nagpaliwanag si Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, June 29, tungkol sa dahilan ngkanyang pag-iyak nang mapag-usapan ang asawang si Yilmaz Bektas sa second presscon ng My Monster Mom noong mismong araw ng birthday niya, June 24. Maganda na naman daw kasi ulit ang relasyon ni Ruffa sakanyang Turkish husband.

"Yeah, I think it's okay to have a very nice relationshipwith people," umpisa niya. "Siyempre you have kids, di ba? At hindi maiiwasanna mag-usap kami. Siguro nung time na yun, nung ini-interview ako, araw ngbirthday ko. Di ba, ‘pag araw ng birthday mo very emotional tayo? Butit doesn't mean anything."

Pero kaya rin daw emosyonal si Ruffa ay dahil mahal pa rinniya si Yilmaz. Totoo ba ito?

"I will always love him," pag-amin ni Ruffa. "Para akong widow, kapagnamatayan ka, matagal bago mag-heal. Iiyak ka, you know, parang magiging galitka minsan. Mahaba yung process. Sabi ko nga kay Yilmaz, ‘Let's just pretend I'm one widow. Mahal kita, pero hindikita makakasama, hindi kita puwedeng makapiling."

Nagkabalitaan daw sila nang mabuti ni Yilmaz noong birthdayniya last June 24.

"Malungkot kasi siyempre kapag naaalala mo yung nakaraan,yung mga pictures, yung past, nandiyan pa rin yung pain. So, sabi ko, ‘pag nandiyanpa rin ang pain, there's still something even though na wala namang masama ‘pagnaaalala mo ang nakaraan ninyo.

"You have two kids. I mean, eight years kaming nagsama. It'snormal naman, kasi kung isa-shut-off mo yun, one day ‘pag nandiyan siya, sakanaman iiyak. Mabuti na yung umiyak na ako ngayon para pagdating ng araw, nakahandana ako."

HER CHILDREN'S WISH. Sa pagtatapos ng birthday episode ni Ruffa sa The Buzz noongisang Linggo, June 22, naantig ang damdamin ng TV host sa binitiwang hiling ngkanyang mga anak na sina Lorin at Venice na magpakasal at mag-hug ulit ang "Mommyat Bubba (Yilmaz)" nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga bata ‘yan, e. Actually, kaya ako naging emotional, hindidahil nag-chat kami ni Yilmaz. Naging emotional ako because of their wish. Paanomo i-explain sa kanila kung bakit?

"Hindi ko pa nai-explain sa kanila. So siguro, kailangan kohingin yung advice nina Pops [Fernandez], ni Kris [Aquino]. Anong sasabihin mopaglaki ng mga bata? Hindi ko pa naiisip yun. So siguro, I will ask the adviceof my friends who have been in that situation," lahad niya.

JUST AN ADMIRER. Naging sentro naman ng usapan noong birthday party ni RuffaGutierrez last June 21 ang pagdating ng seven-footer basketball player na siReda Rhalimi, na ipinakilala ni Kris Aquino sa kanya. Kasunod nito ang balitangnanliligaw na kay Ruffa ang Moroccan import ng Purefoods.

"Admirer lang siya, hindi pa siya manliligaw. Kasi yungmanliligaw, yung nagdi-date kayo, tumatanggap ka na sa panliligaw niya.Tinatanggap ko ang pagiging friend niya sa akin. Admirer lang siya. At leastmahaba ang hair ko, di ba?" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN