Philippines' Finest Marian Rivera willing to pose for FHM but with limitations

IMAGE 0


"Basta sa lahat ng bagay, ready ako. Pero yung pagpo-pose nangsobrang sexy, hindi pa namin napag-uusapan ng manager ko. At saka palagi kongsinasabi, may limitation pa rin. Kung maganda yung concept, bakit hindi? Peromay limitation pa rin," says Marian Rivera about posing for FHM.



Ipinahayag na officially ng mismong editor-in-chief ngFHM Philippines na si Allan Madrilejos ang pagkakaboto kay Marian Rivera bilangPhilippines' Finest sa 100 Sexiest Women in The World 2008. Ginawa ni Allan angannouncement sa panayam sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, June 29,

Ayon kay Allan, "Para siya [Marian] na ngayon ang sexiestFilipina sa bansa."

Record-breaking ang pagiging No. 1 ni Marian dahil siya palang ang kauna-unahang non-cover girl na naging Philippines' Finest ng FHM.

Binigyang-linaw naman ng editor-in-chief ng FHM na porke'thindi pa nakakapag-pose for cover ang isang artista sa FHM ay hindi na puwedeng i-nominate. Paliwanag ni Allan, "Hindi rin naman kailangang maging activesa lahat ng events ng FHM, e, puntahan mo. Lahat ng gusto nilang [fansi-nominate is welcome. The fact na siguro, si Marian ang nanguna, isangindikasyon siguro na yung [pag-ilanlang] ng kanyang career."

Nagbigay naman ng kanyang pahayag si Marian sa pagkakahirangniya bilang Sexiest Woman.

"Sobrang saya ko!" bulalas ni Marian. "Kasi hindi ko rinine-expect. Kasi hindi pa ako nagko-cover, ‘tapos naging number one ako. Nakakagulat din at saka doon ko rin lalongnalaman na yung mga fans ko at nagmamahal sa akin, sobrang mahal na mahal akoat wala silang sawa sa pagboto sa akin."

Binanggit din ng Showbiz Central ang total votes na nakuhani Marian na inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Si Marian aynakakuha ng kabuuang boto na 316, 135 kumpara sa 123,239 ni Katrina Halili, nasiyang pumangalawa.

Kung matatandaan, for two consecutive years ay si Katrinaang nag-top bilang Philippines' Finest ng FHM. Dahil dito, muling naungkat ang datingisyu sa dalawa, pero mabilis naman itong itinanggi ni Katrina nang makapanayamsiya ng Showbiz Central.

"Okey lang yun, ganoon talaga ang mga fans. Yun nga angnakakatuwa sa kanila, di ba? Sinusuportahan nila kami. Pero sana huwag natinggawing dahilan na pag-away-awayin kami. Hindi kami magkakaaway nila Marian.Hindi kami naglalaban do'n. Ano lang yun, boto ng tao. Yun ang gusto ng tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "At saka nag-number one na rin naman ako. Hindina rin naman nakaka-sad yung rank ko, number two rin naman ako. Hindi namansiguro puwedeng for life, mag-number one!"

Inamin ni Allan na kahit noong nasa afternoon soaps pa langng TAPE Inc. si Marian ay ilang beses na rin silang nag-usap ng manager ng youngactress na si Popoy Caritativo kung paano, kailan, at ano ang dapat naisaalang-alang para matuloy ang pagku-cover ni Marian sa FHM. Hanggang ngayon,ongoing pa rin daw ang imbitasyon ng FHM kay Marian na mag-cover kung kailan siyamagiging ready.

Ito naman ang naging tugon ni Marian sa imbitasyon ng FHMsa kanya: "Basta sa lahat ng bagay, ready ako. Pero yung pagpo-pose nangsobrang sexy, hindi pa namin napag-uusapan ng manager ko. At saka palagi kongsinasabi, may limitation pa rin. Kung maganda yung concept, bakit hindi? Peromay limitation pa rin.

"At saka, yun nga, may mga contracts akong inaalagaan sa mgacommercials ko na hindi puwedeng ganito, hindi puwedeng ganoon. So, kailanganko pa ring alagaan ang image ko as wholesome pa rin tayo."

Nagpasalamat din si Marian sa lahat ng mga bumoto sa kanya.

Aniya, "Kukuhanin ko na po ang pagkakataong ito paramagpasalamat sa lahat ng bumoto sa akin. Utang na loob ko po ito sa inyo atpara sa akin, kayo po talaga ang tunay na number one. Salamat po sa pagboton'yo. At kung hindi po dahil sa inyo, wala po ako sa posisyong ito kayamaraming-maraming salamat po. At sana po, huwag po kayong magsawa sa akin. Parasa inyo po ang lahat ng ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN