Ramon Christopher easily handles Central Jury's Killer Question

IMAGE 0


Ramon Christopher answers all the questions dished out by ShowbizCentral's Central Jury.



Nakapanayam nang live si Ramon Christopher ng Central Jury hosts ng ShowbizCentral na sina Mo Twister at Rufa Mae Quinto, monthsafter mapawalang-bisa ang kasal nila ni Lotlot de Leon. Very rare namagpaunlak ng interview ang former matinee idol.

Sa tatlong kategoryang pagpipilian na "sermon, hamon, atlamon," hamon ang lumabas na panggagalingan ng mga tanong para kay RamonChristopher. Biro naman niya, personally ay lamon category raw ang gusto niyakung siya ang papipiliin.

REASON BEHIND SEPARATION. Unang tanong niRufa Mae kay Monching (nickname ni Ramon Christopher), ano ba talaga ang nagingdahilan ng paghihiwalay nila ng dati nang asawa ngayon na si Lotlot de Leon?

"Siguro, marami...very laid-back kasi ang pagkatao ko. Hindi konaman sasabihing tamad, pero kapag wala akong trabaho, very laid-back ako. Nasabahay lang ako, nanonood ako ng TV, nag-aayos ng kotse. Hindi ko sinasabing yunang dahilan, pero siguro, eventually, after so many years, it became like aboring routine," sagot naman ni Monching.

Follow-up question ni Rufa Mae, hindi ba dahil sa financialproblems kaya sila nagkahiwalay?

"Financial, of course, nagkakaroon kami ng mga problemang pinansiyal. Siguro, kahit sino namang mag-asawa like, struggling actor andactress, or kahit anumang trabaho nila, nagkakaroon talaga ng problemangpinansiyal."

LOTLOT AND MARCO ALCARAZ. Mo asked Monching'sreaction sa nababalitang madalas na nakikitang lumalabas si Lotlot, kasama angbaguhang aktor na si Marco Alcaraz, at mismong mga anak pa raw nila angdiumano'y nanunukso pa kay Lotlot para sa baguhang aktor.

"I haven't heard about it. Ngayon ko lang narinig," sagot niMonching. "Me and Lotlot, over the years, we became very good friends. But Idon't ask her yung mga bagay na ganoon. Gayundin siya sa akin. She doesn't askme. Parang respect na lang for each other."

Wala naman daw jealous factor kung may mga balita man naganoon tungkol kay Lotlot, although, aminado siyang weird ang nararamdaman niyasa ganoong balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rufa Mae then asked about Monching's love life.

"Si Love life ko, e, hindi ko pa nahahanap," natatawa niyangsagot. "Well, marami akong friends. I have a lot of friends. I go out with alot of friends. Pero most of the time na hindi ako busy, I spend it with mykids."

Ang sumunod na kinamusta naman ni Rufa Mae kay RamonChristopher ay ang ina nito na si Pilita Corrales. Nagalit daw ba ito nangma-annul ang kasal nila ni Lotlot?

"Si Mamita... noong ma-annul, hindi na. Pero noong maghiwalaykami, parang naano siya sa akin, she was defending me all the time. Perowith all due respect to Lotlot, she's always been a good wife. She's alwaysbeen a good mother. Kung anuman yung pinaghiwalayan namin, I don't think my momhas anything to do with it. If she may have said some things hurtful, siguronga, e, ang dating sa kanya, nasaktan ang anak niya," sagot ni Monching.

Diretsuhan naman siyang tinanong ni Mo na bagamat naitanggina niya in the past yung mga isyu linking him to Eula Valdez, ano'tmagpahanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang naturang isyu?

"Siguro kasi, we're seen together. Magkakasamakami. We're friends. And because dati kaming may relationship noong mgabata pa kami. Right now, we're just good friends, barkada lang."

THE KILLER QUESTION. Ayon kay Rufa Mae, mukhang sisiwlang daw kay Monching ang mga naging katanungan nila. Pero maging sisiw langdin daw kaya kay Monching ang Killer Question from their jury box?

Hindi naman nagpatinag si Monching. The choice was "seal it"or "reveal it." Buong tapang na "reveal it" ang pinili ni Monching para saKiller Question ng Showbiz Central's Central Jury.

Ang Killer Question: Sa isang showbiz event daw, maynakakita sa kanilang dalawa ni Lotlot na nagtatalo. Pagkatapos nito aynaglasing pa raw si Monching. Totoo raw ba na kaya naglasing si RamonChristopher ay sa dahilang hindi niya matanggap ang gagawing pagpapa-nullify niLotlot sa kanilang kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kung may showbiz event man na nakitang nagtatalokami, I think, matagal na yun at bagong hiwalay pa lang kami," cool na coolmunang sagot ni Monching.

"Tungkol naman doon sa paglalasing at hindi matanggap angannulment, that's not true. Kasi, even before she filed for the annulment,napag-usapan na namin yun. Sinabi na niya sa akin and I am ready. So, beforethe annulment came out, two months ago, alam na namin na lalabas yun. Kasi,I've signed all the papers na kailangan kong pirmahan tungkol doon."

Sa huli, inamin ni Monching na tuwing umaga raw aypinapakinggan niya ang radio show ni Mo at ipinaalala rin nito ang kanyangbagong show sa GMA-7, ang Codename: Asero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN