Cherry Pie Picache cites "plastikan" and politics as things she hates in showbiz

IMAGE 0


"Gusto kong natatandaan ako dahil sa mga ginawa kongpelikula, at hindi yung kung sinu-sino ba ang naka-affair ko. I believe thatthe people deserve more than just that. I don't want to create my life asa circus. Ayos na ako sa tawag sa akin as an actress, sila na lang ang stars."Words of wisdom from Cherry Pie Picache.



Akala ng marami, komo premyadong aktres na si Cherry PiePicache, hindi na siya nagwi-wish ng roles na mas marami ang magpapahalaga ritobukod sa humahanga na sa kanyang mga kritiko.

"I want to be in a love story, yung project na babagaysa edad ko," sabi pa ni Cherry Pie. "Yung parang sa Bridges ofMadison County ni Meryl Streep, ganoong tipo. Happy ako nang kumita ang ALove Story kasi, sa status ni Maricel Soriano, puwede pa rin pala yungganoong love story, na ang feeling ko, okey rin lang for me, di ba?

"Gusto ko sanang gawin noon ang Mga Pusang Gala,pero hindi talaga pumuwede. I could have adjusted, pero may mga eksena roon namedyo hindi ko pa kakayanin, at that time. Kasi, may plans din naman ako toendorse products.

"Alam mo, yung kahit paano, may image consciousness na.Kaya talagang mapili rin ako. Like yung sa Serbis, dapat ay ako roon,but the role was given to Jane [Jaclyn Jose]. Yung tema ng pelikula, tungkol sapagbebenta ng sex sa loob ng sinehan, risky na rin sa akin yun, at thispoint," pahayag ni Cherry Pie.

Sa puntong ito ay halos wala na talagang dapat patunayan angaktres. Kaya lang, gusto niyang magtagal pa sa business na ito by enhancing herimage as a personality. Ito ang binibigyan din nila ng focus ng kanyang managerna si Ed Instrella.

WHAT SHE HATES IN SHOWBIZ. Naitanong namin kay Pie,sa tinagal-tagal na rin niya sa industriya, ano angpinaka-hate niya rito?

"Politics," mabilis niyang sagot. "At sakayung plastikan. Parang lahat, nag-i-stem out doon.

"Sa awards na lang, may pulitika kadalasan diyan. Sagrants na ibinibigay, hindi yung worth talaga, papasukan pa rin 'yan ngpulitika. Sa networks, may politics, diyan nag-i-stem out lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi talaga lahat ay naibibigay roon sa deserving.You can't do it without a clout. Ganoon, di ba? Pero, I'm not saying that Ican't live without it. Yun ang realidad, kaya yun ang haharapin ko.

"Sana lang, kung puwede, wala na lang ganoon. Pero,kahit saan naman, nahahaluan ng politics. Kahit anong trabaho, mayroon niyan,e," sabi na lang ni Pie.

Sa kabila ng ganitong sistema, hayan si Pie, at very muchin-demand, kahit sa TV. Katatapos lang niyang mag-taping for Florinda aspart of The Susan Roces Cinema Collectionsna magtatampok kay Maricel Soriano, at kasamasiya sa magsisimulang teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang natatampukan nina Claudine Barretto at Gabby Concepcion.

ACTRESS NOT A STAR. Pero, kahit na sa ganitongstatus, hindi pa rin basta sumasakay si Pie sa kung anu-anong kagimikan nanagbibigay ng kulay sa buhay ng isang artistang gaya niya.

"Choice ko kasi yun, kasi, gusto kong bigyan ngdignidad ang pag-aartista ko," sabi pa ni Pie. "Pati ang pagkatao ko.May mga tsismis din sa akin before, pero ayokong patulan.

"Kahit naman artista ako at public figure, I am alsoentitled to my private life. At nasa akin yun kung paano ko mapoprotektahan angprivate life ko.

"Gusto kong natatandaan ako dahil sa mga ginawa kongpelikula, at hindi yung kung sinu-sino ba ang naka-affair ko. Na matatandaanako dahil sinampal ko si Ganito o si Ganyan, na magkagalit kami.

"I believe that the people deserve more than justthat. I don't want to create my life as a circus. Ayokong ma-compromise.Ayos na ako sa tawag sa akin as an actress, sila na lang ang stars.

"Kuntento na rin akong mapag-usapan ang tungkol satrabaho ko," pagwawakas ni Pie sa interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN