Mark Herras clueless on fans' hatred of his love team with Rhian Ramos

IMAGE 0


"Ewan ko nga po, kung bakit ayaw nilang tumigil. Hindipo namin maintindihan ni Rhian kung bakit nagagalit sila sa team-up namin.Hindi ko po maintindihan kung bakit gustung-gusto nilang siraan si Rhian, walanamang ginagawa sa kanila. Saka nagtatrabaho lang naman po kami," complainsMark Herras.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tapingng Joaquin Bordado, sa Town & Country sa Cainta City, at pinag-reactang isa sa stars nito na si Mark Herras tungkol sa nasulat noon na sinabi niyaraw na sasamahan niya si si Jennylyn Mercado sa panganganak nito, either salast week of August or first week of September 2008.

"Hindi po ganoon ang sinabi ko," naiiling na wikani Mark. "Ang sabi ko po, dadalawin namin siya ng mga kasamahan namin saStarStruck once na nakapagsilang na siya.

"Ang sabi din namin kay Jen, asahan niya ang suporta namingmagkakaibigan, huwag siyang mahiyang magsabi kung may kailangan siya sa amin,dahil lahat naman kami, sina Rainier [Castillo], Yasmien [Kurdi], Nadine[Samonte], at iba pa sa barkada, handa siyang tulungan."

JOAQUIN, BINOE, KYLIE. Sa ngayon, halos araw-araw dawang taping nila ng Joaquin Bordado.

"Malapit na po kasi itong matapos at sa July 8 na anglast taping day namin pero live po raw ang grand finale namin sa July 11. Sangayon po, normal na ang character ko sa story, wala na akong power, pero maymga action scenes pa rin akong gagawin hanggang sa pagtatapos nito."

Kumusta namang katrabaho si Robin Padilla na halos araw-arawniyang kasama sa may 22 weeks na itinagal ng kanilang action-dramatelefantasiya?

"Iba po siyang katrabaho, malalim siya kayahangang-hanga ako sa kanya. Sa mga action scenes hindi siya bara-barangmagtrabaho. Ang katuwiran niya, ang mga action scenes, hindi dapat madaliindahil puwede naman itong ayusin sa editing. Kahit po sa mga dramatic moments,maingat din siya, kaya po siguro naiintindihang mabuti ng mga nanonood sa aminang story ng Joaquin Bordado.

Nabiro tuloy namin si Mark sa naging issue noon na mahiligdaw siyang manligaw ng bata, na matapos niyang ma-link kay Ynna Asistio nanakatambal niya noon sa Mga Mata ni Anghelita, ngayon naman ay gusto rawniyang ligawan ang second daughter ni Robin, na kasama rin nila sa show, siKylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Takot ko lang po kay Kuya Binoe," sagot ni Mark."Hindi po totoo iyon. Wala po akong love life ngayon dahil sakit lamangiyon sa ulo. Na-trauma na po ako, mas gusto ko na lang magtrabaho."

MARK-RHIAN LOVE TEAM. Wala pa raw siyang alam nasusunod na TV project pagkatapos ng Joaquin Bordado.

"May coming movie po naman ako, at may one shooting day pa kami ng I.T.A.L.Y.(I Love And Trust You) ng GMA at Viva Films, dahil may additional scene pana gustong i-shoot si Direk Mark Reyes."

Sila muli ni Rhian Ramos ang magkatambal sa movie, shotaboard a luxury liner to Europe. Handa ba sila sa mga intriga na tiyak namuling bubuhayin ng mga may galit sa love team nila, lalo na yung mga galit kayRhian?

"Ewan ko nga po, kung bakit ayaw nilang tumigil. Hindipo namin maintindihan ni Rhian kung bakit nagagalit sila sa team-up namin. Ayawdaw nila dahil ang team-up namin ni Rhian. Ginawa ng GMA Network, dapat daw,iyong binuo ng mga fans, tulad po ng love team namin ni Jennylyn ‘tapos anglove team daw nina Rhian at Richard Gutierrez. Ano po ba ang magagawa naminkung gusto ng GMA na kami ang pagtambalin ni Rhian? Sino po naman kami paratumanggi, trabaho po iyon, hindi ko tatanggihan."

Stalker daw siya ni Rhian, sabi ng mga fans. Kahit dawnasaan si Rhian, nandoon din siya.

"Paano po ako magiging stalker? Ang ikinagugulat ko ngapo, kung nagkikita kami ni Rhian, sa mga showbiz functions o nagsu-shootingkami, may nagti-text na agad sa amin na bakit daw magkasama na naman kami?

"Kahit po sa Internet, kung anu-ano ang ginagawa nila,gumagamit sila ng pangalan ng mga taga-GMA, ‘tapos sasabihin nilang kay Rhiandaw iyon.

"Kung minsan nga po sa inis ko, sinasagot ko na ang textnila. Hindi ko po maintindihan kung bakit gustung-gusto nilang siraan si Rhian,wala namang ginagawa sa kanila. Saka nagtatrabaho lang naman po kami. At hindiko po niligawan o naging girlfriend si Rhian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Mark nang tanungin siya kung may kissing scene basila ni Rhian sa I.T.A.L.Y. Ano ba ang role niya sa movie na mayplaydate na sa August 6, 2008?

"Smack lang po, once, sa buong pelikula. Ulila po akongnagtrabaho sa barko, para matulungan at tumanaw ng utang na loob sa mganagpalaki sa akin. Si Rhian naman, graduation gift ng mommy niya ang cruiseniya sa barko. Pero may problema pala sila ng mommy niya at nagrerebelde siya.Naging close kami during the cruise at nag-advise ako sa kanya na dapat aymahalin niya ang mommy niya dahil ako, hindi ko nakilala at nakasama ang mommyko.

"Feel-good po ang movie at tiyak na magugustuhan ng mgamanonood dahil kami nina Ate Jolina [Magdangal], Dennis [Trillo], Rufa Mae[Quinto] at Ate Eugene, nag-enjoy sa shooting dahil pare-pareho kaming firsttime na nakapag-cruise at libre pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN