Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos not avoiding the media —Ryan's manager

IMAGE 0


"Yun naman ang sinabini Ryan, as much as possible... Well, as much as sharing the whole thing to thepublic for some details kasi nasabi na nila sa YES!, ‘tapos kay Sharon. Siguroyun, hanggang maaari, parang wala silang oras to savor the moment. After sigurothe vacation and after the trip to Paris, siguro yun, mas magiging work modena," explains Noel Ferrer about allegations that his ward, Ryan Agoncillo, and Judy Ann Santos



Walang maisagot na kumpirmasyon ang manager ni Ryan Agoncillona si Noel Ferrer sa eksaktong araw ng pagdating sa bansa ng kanyang talentlast week kasama ang girlfriend nito na si Judy Ann Santos. Balitang-balitakasi na on a weekday, hindi noong Sabado (June 28), gaya ng sinabi ni Noel,dumating sina Judy Ann at Ryan mula Europe.

"Saturday, kinausap ni Juday si Tito Alfie [Lorenzo, JudyAnn's manager] at Saturday silanagparamdam sa amin. So, yun. Ako naman, ang requirement ko lang talaga, Ryanis supposed to be here for the activity nung Sunday [June 29]," lahadni Noel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Renee Saludfor Natasha last Monday, June 30, sa Sulo Hotel.

Hindi siya aware na dumating ng Pilipinas nung Miyerkulessina Ryan at Juday?

"Ang requirement ko lang talaga, dumating sila ng beforeSunday kasi may nakakompormiso kami ng Sunday," ulit ng talent manager niRyan.

Wala man lang bang sinabi sa kanya si Ryan na darating sila niJudy Ann ng weekday?

"Hindi ako nagtanong. Kasi ang dami nang nagtatanong, ayokongmagsinungaling," sagot niya.

ELUSIVE INTERVIEW. This is not the first time na umiwas si Judy Ann sa media.Pati ang manager niyang si Alfie ay tinaguan daw niya ng detalye tungkol saengagement nila ni Ryan. At ngayon, pati ang pagbabalik nila sa Pilipinas ayparang inilihim nila sa media.

"Hindi," depensa naman ni Noel. "Eto na, sasabihin kona ngayon, may interview sila kay Sharon [Cuneta] ngayon [June 30], para sashow ni Sharon. It's just proper that they have that first interview withSharon kasi siya yung isa sa unang tinawagan nung engagement ni Judy Ann.‘Tsaka nagkita na sila sa London."

After Sharon, kanino naman sila magbibigay ng interview?

"Hindi ko alam," ani Noel. "Kasi aalis sila papuntang Parisfor the Paris Film Festival. Basta dapat nandun sila on the 4th kung saanipapalabas ang Ploning."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas tuloy na very selective ang mga taong pinipilinina Judy Ann at Ryan sa mga bagong kaganapan sa buhay nila.

"Hindi, kapatid," paglilinaw ni Noel. "I think, yun, anolang... I think they owe it to Sharon. Sharon is one of the closest friends. Ithink nag-usap na sila sa London kasi nagkita sila sa London."

Pero hindi ba nila naisip that they also owe it to thepublic na malaman ang mga bagong kaganapan kina Ryan at Juday since they've been tellingstories about it to some people in the industry?

"I think so, I think so," pagsang-ayon naman ni Noel. "I think indue time, they'll do it. And I think little by little, first they granted theinterview with YES! And now, with Sharon."

Masyado na raw nagpapa-hard-to-get ang magkasintahan samedia. Ano ang masasabi ng manager ni Ryan dito?

"I think it's something very personal. Yun naman ang sinabini Ryan, as much as possible... Well, as much as sharing the whole thing to thepublic for some details kasi nasabi na nila sa YES!, ‘tapos kay Sharon. Siguroyun, hanggang maaari, parang wala silang oras to savor the moment. After sigurothe vacation and after the trip to Paris, siguro yun, mas magiging work modena.

"Kasi ngayon, parang hindi pa work mode. It's really moreafter the birthday party, then after the vacation, then after the Paris Cinema.Parang ano pa ‘yan, e, more socials and enjoying the whole thing. If we askthem about them, yung mga details sa plans about the wedding, wala pa talaga.Parang they're still savoring the moment na engaged sila, parang ganun,"mahabang paliwanag ni Noel.

WEDDING IN EUROPE? May ikinuwento na ba sa kanya si Ryan tungkol sa balitangnagpakasal sila ni Juday sa Europe?

"Ako, kahit wala na silang kuwento, alam ko na hindimangyayari," sabi ni Noel. "Kasi like what I told you, wala silang nakuwento,number one. Number two, I don't think they will get married sa ibang bansa. Ifever, they would want to share the happiness with the people they love here inthe Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya magulat na naman siya kapag nabalitaan niya nakasal na talaga ang alaga niya kay Judy Ann?

"It would be a nice shock if ever. But I think they willconsider how their closest relatives and friends would feel."

May balita rin na kaya hindi nagsasalita tungkol sa kasalnila ang dalawa dahil sa clause na nakapaloob sa kontrata nila, lalo na kayJudy Ann.

"Ay, hindi ko alam! Ryan will always be supportive of her.Kay Ryan, walang limitations [ang kontrata for endorsements]. Yung mgaendorsements niya ngayon will grow with him. In case he will have afamily, sasamahan siya, ganun.So yun actually yung requirement din namin sa pagkuha ng endorsement. Parang aproduct na hindi one-shot deal,a product that can grow with them as a family."

With all the issues about engagement and wedding, sa tinginba ni Noel ay makakaapekto kay Ryan ito at mababawasan na ang appeal niya safans, especially ang mga babae?

"He's never banked on that. I think it's more of talent thanpopularity, so it's better na doon. Dahil magaling siyang mag-host, marunongsiyang umarte. I think that's more important than that."

Pero sa kabilang banda, napatunayan daw ni Ryan na talagangmahal niya si Judy Ann at hindi totoo ang mga paratang na ginamit lang niya ang young superstar.

"Sa tingin ko, hindi na kailangan patunayan. Kasi parangfrom the start, they were open and they were really sincere to each other,"pahayag ni Noel.

THE PROPOSAL. Hindi ba humingi ng tulong sa kanya si Ryan sapag-propose noon kay Judy Ann?

"Ah, meron," sagot ng manager. "Pero yung pinaka-last leg napagkuha ng ring, hindi. But I knew of the plan. But the execution part was his,siya talaga yun."

At pinayagan naman niya?

"He didn't have to ask permission. Parang I don't want tomeddle sa kanyang personal na buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi ba ng apology si Ryan sa kanya for not telling itfirst sa kanya tulad ng ginawa ni Judy Ann kay Alfie?

"Ako, they don't have to. I understood. As their friend,naintindihan ko."

More or less, nagkuwento na ba sa kanya si Ryan ngayon?

"Hindi pa nga detalyado, e. I haven't seen the ring!"natatawang sabi ni Noel.

Inseparable na raw sina Judy Ann at Ryan. Nagli-live in naba sila?

"Desisyon nila yun. Ako, I manage his career; I'm beyondthat. Hindi ko alam. Or I don't even dare to ask," maingat na sabi ni Noel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN