Kristine Hermosa admits feeling "awkward" about report of Oyo Sotto being seen with a socialite

IMAGE 0


"Every day na dumadaan parang tina-try ko ang best ko na,‘Okey, ito na yung reality, ito na yung mga things na somehow pini-fear ko namangyari pero wala, e.' ‘Di ko talaga siya maa-avoid. It's inevitabletalaga. So, I guess I just have to face it," says Kristine Hermosa about areport saying "special friend" Oyo Sotto is seen with a socialite.



Ilang beses nang regular na napanood sa programang Wowowee!ng ABS-CBN si Kristine Hermosa. Inakala tuloy ng marami, madadagdag na asregular co-host ng nasabing noontime show ang magandang aktres.

WILLIE, WOOING IN WOWOWEE? Kapansin-pansin din daw sailang ulit na appearance niya sa show, ang ilang ulit din napagpapalipad-hangin ng host ng Wowowee! na si Willie Revillame. May mganasulat tuloy agad na mukhang si Kristine na raw yata ang bagong apple of theeye ng kontrobersyal na comedian turned TV host.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayKristine sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Isla Ballroom ng EDSAShangri-La Hotel in Mandaluyong City, noong June 29, nagbigay ito ng reaksyonhinggil sa isyung ito.

"Di ba ganun naman siya sa lahat? Baka ganun lang talagasiya. Feeling ko, super-maloko lang talaga siya," ani Kristine tungkolkay Willie.

May kasabihan kasing "jokes are half-meant." Paano raw kayakung seryosohin talaga ni Papie [bansag kay Willie sa show] ang panliligaw kayKristine?

"Alam naman niya kung ano ang sagot ko dun," makahulugangbitaw ng dating bida ng Prinsesa ng Banyera.

Sa pag-co-host ni Kristine sa Wowowee!, obvious nagusto na rin ng mga tao roon na maging regular siya roon. Pero recentlyay tuwing Sabado na nga lang siya nakakapag-co-host dahil na rin sa kanyangtight schedule.

"Well, gusto nilang mangyari every day ako dun. Gusto ko rinnaman kaya lang, di nagtutugma ang lahat. Ngayon, every Saturday na langako sa Wowowee!."

PROJECTS. Nakumpirma kamakailan sa ilang babasahin nasi Roxanne Guinoo na ang ipinalit sa pelikulang gagawin ni Willie na Mr.Househusband. Ang pelikulang ito ang dapat sana ay pagsasamahan ninaKristine at Willie. Pero sa di malamang dahilan ay biglang pinalitan na langsi Kristine ni Roxanne. Paliwanag ni Kristine sa PEP, ang Star Magic naman angnagdesisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-mention ‘yan sa akin [the movie], pero di ko alam kungano ang naging decision nina Mr. M. [Johnny Manahan, Star Magic head]. Hindinaman kasi ako ang nagdedesisyon kung gagawin ko ba ang isang project o hindi.

"Wala namang masama kung napunta man yun kayRoxanne. Alam mo si Roxanne, gusto ko yun. Mabait siya. Kung anumanang blessings na napupunta sa kanya, she deserves it and susuportahan ko siya. Sakanapagdaanan ko na yung mga napagdadaanan niya ngayon. Okey na ako dun."

Inusisa naman ng PEP kung matutuloy na ba ang soap operangpagsasamahan nina Kristine at ng dati niyang ka-love team at kasintahan na siJericho Rosales.

"Wala pa rin akong maibibigay na definite na sagot tungkoldiyan, but so far, may mga sinasabi sila na may gagawin nga raw kami niJericho, pero ayoko namang i-assume [na meron nga] habang wala pa. Sana lang,if ever na matuloy, abangan ng mga tao."

MEETING MS. D. Naging issue before na ayaw daw ni Ms.Dina Bonnevie kay Kristine para sa anak nito na si Oyo Sotto. Consistentnaman si Kristine sa pagsasabing magkaibigan lang sila ni Oyo kahit pa ngasobra-sobra ang atensyon na ibinibigay nito sa kanya, na sobra rin naman niyangina-appreciate.

Nang tanungin ng PEP kung may development na ba ang panunuyosa kanya ng aktor at kung naayos na rin ba ang kaunting rift sa pagitan nila niMs. D, siniguro ni Kristine sa PEP na walang naging problema sa kanila ngmahusay na aktres.

"Nagkita na kami ni Ms. D at walang naging problema. Sobrangokey siya, sobrang bagets, sobrang cool mom.

"Kami naman ni Oyo, we're still friends. Lagi pa rin kamingnagkikita, lagi pa rin kaming magkasama. Naa-appreciate ko yung effort naibinibigay niya sa akin. Iba rin naman ang level ng pinagsamahan namin ni Diet[actor Diether Ocampo, her ex], iba rin naman yung pinagsamahan namin niOyo. Hindi siya something na maiko-compare mo, kasi totally differentlevel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWKWARD FEELING. Consistent din si Kristine sapagsasabi na hindi na sila madalas na nagkikita at nagkakasama niOyo. May mga lumabas na balita before na nakita raw ang aktor na lumalabaskasama ang isang socialite. Inamin naman sa amin ng aktres na nakaratingsa kanya ang nasabing mga balita at may kakaiba rin naman daw siyangnararamdaman tungkol dito.

"May mga naririnig naman ako, kaya lang parang ang awkwardlang nung feeling. But I'm getting used to it.

"Every day na dumadaan parang tina-try ko ang best ko na,‘Okey, ito na yung reality, ito na yung mga things na somehow pini-fear ko namangyari pero wala, e.' Di ko talaga siya maa-avoid. It's inevitabletalaga. So, I guess I just have to face it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN