Jennica Garcia denies rumor Mart Escudero is already her boyfriend

IMAGE 0


"Hindi ko pa naman sinasagot si Mart. But I will admit naspecial si Mart sa akin. Not just because he's myka-love team, but he's also a very great friend. Mas maganda kasi na nagsisimulakayo as friends, di ba?" explains Jennica Garcia about the rumor that she and Mart Escudero are already an item.



Nang tanungin namin ang dalaga ni Jean Garcia, sinabini Jennica na hindi naman totoo na sinagot na niya si Mart noong birthday niya.Hanggang ngayon daw ay nasa ligawan stage pa rin silang dalawa.

"Hindi ko pa naman sinasagot si Mart. But I will admit naspecial si Mart sa akin," ngiti pa ni Jennica. "Not just because he's myka-love team but he's also a very great friend. Mas maganda kasi na nagsisimulakayo as friends, di ba?"

Tinutupad nga lang ni Jennica ang wish ng kanyang inang siJean na unahin muna ang ibang importanteng bagay, tulad ng career nito sashowbiz at ang pag-aaral bago ito maging seryoso sa pakikipagrelasyon.

Sey nga ni Jennica, ayaw niyang ma-disappoint ang kanyangmga magulang kung mas uunahin niya ang makipag-boyfriend. Alam naman daw niyakung ano ang tama at mali dahil tinuro naman daw sa kanya iyon ng kanyang mgamagulang noong bata pa siya.

"Hindi ako perfect daughter but I try to be a good one,"diin ni Jennica. "Lahat naman ng alam kong hindi nila magugustuhan na gagawinko ay iniiwasan ko nang gawin. Alam ko na may mga expectations sila sa akin atgusto kong matupad ang lahat ng mga pangarap nila sa akin. Promise ko naman nalahat ng kagustuhan nila ay tutuparin ko."

EXCHANGED SCHOOL FOR KIM SAMSOON. Dapat nga raw ay naka-enroll si Jennica sa St. Joseph 'sCollege para sa kanyang college course. Kaso, biglang dumating ang TV show na AkoSi Kim Samsoon kaya napurnada ulit ang balak niyang mag-fulltime sapag-aaral.

"Nag-inquire na nga ako ng schedules sa St. Joseph's Collegenoong ibigay sa akin ang taping schedules for Ako Si Kim Samsoon. Hinditalaga magtugma sa mga taping skeds ko ang puwedeng ibigay sa akin ng school.

"Okey sana sa St. Joseph's College kasi maluwag sila sa mgaworking students. Puwede kang maka-adjust sa schedules nila. Kaso nga angpuwede lang nilang ibigay sa akin ay same taping schedule ko pa. Sayang ngakasi nami-miss ko na ang maging regular na student.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero promise ko naman na sa next semester kapag medyo okeyna ang schedules ko, babalik ako sa school. Promise ko ‘yan kina mama at papa[former matinee idol Jigo Garcia]."

FOR REGINE. Hindi naman daw mapalagpas ni Jennica ang pagkakataon namakatrabaho si Regine Velasquez sa Ako Si Kim Samsoon. Si Jennica ay siEliza, ang nakababatang kapatid ni Kim Samsoon.

"Bihira dumating ang pagkakataon na ito, di ba? Kaya happyako to be doing the show with Ate Regine. Masaya kami sa set, kasi pati si TitaTessie [Tomas] who plays our mother sa show ay nakikipagsabayan sa pagpapatawasa amin.

"Ito nga ang pinaka-light na role on primetime sa GMA-7 nabinigay sa akin after ng Impostora at Babangon Ako't Dudurugin Kita.Dito sa Ako Si Kim Samsoon, hindi ako umiiyak kundi binabatukan namankasi medyo tanga-tangahan ako rito."

Muli ngang nagbalik ang tambalan nila ni Mart sa naturangshow. Nakatatlong shows na nga silang magkatambal (Impostora, BoysNxt Door at Babangon Ako't Dudurugin Kita) at tanggap na tanggap nanga ang team-up nila.

"Kapag namamasyal kami ni Mart, may mga nasasalubong kami atsinasabi na nami-miss na nila ang team-up namin. Matagal din kasi kaming walangshow na magkasama. Guest role lang kasi kami doon sa Babangon kaya bitinang mga gustong mapanood kami.

"Ngayon, di na sila mabibitin kasi kami na ulit ang magkatambalsa Ako Si Kim Samsoon. ‘Tapos may mga gagawin pa kaming mga movies saRegal Entertainment kaya buhay na naman ang mga JenMart fans namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN