Gabby Concepcion sheds tears over his dad's condition during presscon

IMAGE 0


Gabby Concepcion could not control his emotions while talking about hisdad Rollie Concepcion. "There's no way na maooperahan pa siya dahil three ofthe veins in his heart, barado na talaga at isa na lang ang nagpa-function,pero napupuno na rin ito. He's only 72 years old," he said before breakingdown.



Masaya ang simula ng solo presscon na ibinigay ng ABS-CBNfor Gabby Concepcion kanina, July 3, over lunch sa Roberto Antonio's Restaurant,Sgt. Esguerra St., Quezon City. Ang presscon ay para sa firstteleserye niya, ang Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto, DietherOcampo, Angelica Panganiban, and Ms. Susan Roces. Pero dahil sa isangsensitibong tanong ay naging malungkot naman ang pagtatapos ng presscon.

STILL GRATEFUL FOR HIS RETURN. On time dumating siGabby sa presscon at binati niya pa ang mga entertainment press na maaga ringdumating. Nag-serve muna ng lunch at nakakuwentuhan na siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) at ng entertainment media. Naitanong sakanya kung ano ang naging feeling niya nang una siyang dumating sa bahay nilasa P. Guevarra St., San Juan City, pagkatapos niyang iwanan ito 13 yearsago.

"Parang hindi ako umalis ng ganoong katagal,"nakangiting wika ni Gabby. "Kung paano ko iniwanan iyong bahayko—mula sa furnitures hanggang sa mga gamit ko—hindi binago ni Mommy ang ayosnito.

"Iyong mga damit kong iniwanan, ipina-laundry pa niya bagoako umuwi. Pero sabi ko, ipamigay na namin dahil ibang-iba na iyong mgadamit ngayon, wala na sa style. Kahit iyong mga suit na naiwanan ko, hindi nauso. ‘Tsaka sabi ko sa kanya, iba na rin ang endorsement ko ngayon. Naroonpa kasi iyong mga Bizarre shirts na in-endorse ko noon. Kaya ipinamigay niMommy sa mga relatives namin sa probinsiya, iyong iba sa mga kasama namin sabahay."

Akala nga ni Gabby, hindi na siya makababalik ng Pilipinas.

"I feel very grateful nung nasa bahay na naminako. Akala ko talaga hindi na ako makababalik. Akala ko noon, ipinako natalaga ako ng mga nangyari, na wala nang tutulong sa akin. Wala namanakong kamag-anak sa showbiz na puwedeng magturo sa akin kung ano ang gagawinkaya umalis na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko noon, lahat ng pinaghirapan ko—kung kailan kona-realize na may na-accomplish na ako—saka naman nawalang lahat. May regretstalaga ako nang umalis noon. Kaya sabi ko, time na para ako magpasalamat saDiyos sa lahat ng mga ginawa Niya sa akin. Iyong buhay ko noon, iyong nagingbuhay ko sa San Francisco at ngayon ang muling pagsisimula rito.

"Ang una kong ginawa, pinuntahan ko lahat ng mgapinakamatatandang simbahan sa north, like sa Vigan, Laoag, Paoay...kahit sasimbahan ng Our Lady of Piat sa Cagayan Valley, pumunta kami ng manager ko, siMommy Rose, and her daughter Lizette Flaminiano. Para magpasalamat."

May nagtanong kay Gabby kung ano ang relation niya sakilalang architect and artist na si Juan Arellano. Mayroon daw kasi siyangisang painting ni Juan Arellano na siya ring architect ng Philippine PostOffice building, Manila Metropolitan Theater at Jones Bridge sa Manila.

"He was the brother of my mom. Alam mo, hindi nagbentang anumang painting ang uncle ko, may mga binigyan lang siya. Pero maramingninakaw na paintings niya sa bahay ng uncle ko sa San Juan at hindi na niyana-recover iyon."

KC QUESTION. Nang mapag-usapan na ang tungkol sakanyang teleserye, biglang naalaala ni Gabby ang anak na si KC at nai-shareniya iyon sa press.

"Siyanga pala, nagpadala si KC sa akin ng five boxes ofSandy's Pizza kahapon sa taping namin ng Iisa Pa Lamang, nakangitiniyang kuwento.

"It's so nice of her. Iyon kasing Sandy's Pizza,business ng youngest sister kong si Sandy at kailangang i-order mo muna iyon.Hindi ka puwedeng basta bibili, at ipinadala pa niya sa akin, sa location ko ngtaping sa may Gotesco in Commonwealth. May kasama pa itong letter nasinasabi niyang sana raw ay magustuhan ko iyong pizza, na di niya akonakakalimutan kahit hindi kami nagkikita lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho kaming napaka-busy ng anak ko, kaya nagtatawagan langkami palagi, pero kung magkakaroon kami pareho ng time, gusto ko maghaponkaming magkasama at magkukuwentuhan."

Naitanong kay Gabby ang binatang aktor na si RichardGutierrez. Okey ba sa kanya na magingboyfriend ni KC si Richard?

Sagot naman ni Gabby, kung sino raw ang gusto ng anak niya,doon siya. Pagkatapos ay nasabi niyang hangga't maaari ay ayaw niyang sumagotng mga tanong na involved sina KC, at ang ex-wife niyang si Sharon Cuneta. Pero inamin niya, mahirap na hindi talaga sila maisali sa usapan kapag iniinterbyu siya.

GENEVIEVE AND SAMANTHA. Saan ba nakatira ngayonng mag-ina niyang sina Genevieve at Samantha?

"Sa bahay ko pa rin sa loob ng compoundnamin. Pero wala sila ngayon, bumalik sila ng San Francisco to attend thewedding of her best friend in high school na matagal na niya iyongnapaghandaan. Nakapagpagawa na nga siya ng isusuot na gown. They will comeback after three weeks kasi aayusin din niya iyong mga gamit naming naiwanan saSan Francisco. Kalilipat pa lang kasi namin doon, dahil ipina-renovatenamin iyon, saka naman ako umuwi rito.

"Pero may tiningnan na rin akong condominium unitsomewhere in Greenhills. Ayoko ring malayo sa bahay ng parents ko. Masgusto ko na ang condo, kasi mahirap i-maintain ang bahay, saka para hindimahirap kung sakaling bumalik kami sa States. Hindi ko rin naman masabikasi kung hanggang kailan ako rito. I'm an American citizen na rinkasi...dual ang citizenship ko."

DADDY ROLLIE. Sa puntong ito kinumusta ng ilang pressna kaharap niya ang kanyang Daddy Rollie. Alam ng lahat na ito ang pangunahingdahilan ng pagbabalik niya sa Pilipinas.

"He's okay naman. Pero alam na namin kung gaano natalaga ang sakit niya dahil iyong brother kong doktor, ipinadalang lahat sakanya ang results ng mga tests ni Daddy and there's no way na maooperahan pasiya dahil three of the veins in his heart, barado na talaga at isa na lang angnagpa-function, pero napupuno na rin ito. He's only 72 years old."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon na biglang tumahimik si Gabby at nakita na lamangumiiyak na siya. Na-guilty ang mga press na nagtanong sa kanya atnag-sorry sa kanya.

"I'm sorry din, nagiging emotional lang talaga akokapag napag-uusapan si Daddy," at humingi siya ng ilang minutes na pumuntasa washroom bago nagpa-interview sa naghihintay na mga TV crew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN